CHAPTER 5

1697 คำ
Chapter 5: Jail "YOU can leave, all of you," malamig na utas ng lalaking pulis at parang wala pa siyang gana na tingnan kami. Bakit ba ang suplado niya? Mabait naman ang mga kapatid ni Alley, eh. Pinaglihi yata siya sa sama ng loob Tumatawang tumayo mula sa kainuupuan niya si Kuya Asher. Halatang inaasar niya lamang ang kanyang pinsan na bugnutin. Halata sa mukha nito na wala sa tipo niya ang makipagbiruan kahit na pinsan pa niya ito. Suplado nga siya. "Damn it, Asher. Shut up," usal pa niya at pabirong sinuntok niya ang braso nito pero pokerface pa rin niya. Iginiya na ako palabas ni Alley at naramdaman ko pa ang pagsunod ng tingin sa akin ni Alked Herran. Para akong matutunaw. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makaalis na kami sa lugar na iyon. Sa biyahe habang pauwi na kami--tamang sabihin na ihahatid ako ng magkapatid sa bahay namin. Hindi na ako hinayaan pa ni Alley na umuwi nang mag-isa baka tuluyan na raw akong mapahamak. Pinapangaralan ako ni Alley pero nang sumagi na naman sa isip niya ang pinsan niya ay nagbago ulit ang pangangaral niya sa akin. Destiny raw kami ng pinsan niya na mabilis na sinuway siya ng kanyang kapatid. Hindi naman talaga magandang biro iyon, ano. Dahil binubugaw niya ako sa lalaking malaki ang agwat ng edad namin sa isa't isa. "Mag-iingat ka, Jam! Sa susunod ay huwag ka ng pagala-gala pa, ha?" nanunuway na sabi niya na tinanguan ko lang at tipid na ngumiti sa kanya. Ibinigay sa akin ni Kuya Asher ang binili namin sa grocery store at tinanggihan pa nila ang pera ko kaya sila na rin ang nagbayad. Pagkatapos no'n ay saka sila nagpaalam na aalis na. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Tatay Jasper na pabalik-balik na naglalakad at mukhang natataranta siya na ano. Halatang ako ang hinahanap niya. "Nandito na po ako, Tatay," sabi ko at nagulat pa siya nang magsalita ako. Nanlaki ang mga mata niya na tumingin sa akin. "Jam, anak! Pinag-alala mo naman akong bata ka!" natatarantang sigaw ng aking ama at mabilis na lumapit siya sa akin. Kinulong niya ako sa mga bisig niya at doon ko lang naramdaman ang pangamba at takot na bumabalot sa kanyang dibdib. Nabigla man ako pero yumakap din ako sa kanya pabalik habang hawak ko pa ang echo bag na dala ko. Laman iyon ng mga pinamili namin kanina "Saan ka ba nagpunta, anak ko?" Kanina pa ako rito sa bahay at kung saan-saan na kita hinanap. Nag-alala ako ng hindi kita nadatnan sa bahay, gayong ang alam ko ay mas nauuna kang umuwi kaysa sa akin. Saan ka ba talaga nagpunta, Jam?" tanong ni Tatay at halos manginig sa takot ang kanyang boses. Napangiti ako at ikinulong ng mga palad ng aking ama ang mukha ko. "Nag-grocery lang po ako, 'Tay. Masyado po talaga kayong niyerboso. Ayos lang naman po ako, eh," nakangiting sagot ko at ipinakita ko sa kanya ang hawak ko na mabilis naman niyang kinuha mula sa akin. "Sa susunod, anak. Hintayin mo muna akong makauwi at ako na ang bibili ng mga 'yan," sabi niya na ikinatango ko lang din. Hinila ako ni Tatay sa kusina at inilapag ang echo bag sa hapag namin. "Ako na ang magluluto ng hapunan natin, Jam," aniya pero umiling ako. Sinimulan na ni Tatay na kalkalin ang laman ng grocery. "Ako na po, 'Tay. Kagagaling ninyo lang po mula sa trabaho niyo. Ako na po," mabilis na sabi ko. Hindi ko na sinabi pa kay Tatay ang nangyari sa akin na ngayong araw lang. Baka kasi mag-alala pa siya kahit ayos naman na ako. Nakauwi naman ako ng ligtas at hindi tuluyan na nakulong doon sa presinto. Dahil inosente naman ako at wala akong ginawang kasalanan. Bigla ko na namang naalala si Alked Herran. Mabilis na pinilig ko ang ulo ko at bumuntonghininga. "Ayos ka lamang ba, anak? Bakit ang bigat ng pagbuntonghininga mo?" tanong niya sa akin. "Ayos lang po ako, 'Tay. Ako na po ang magluluto. Magpahinga na lamang po kayo sa sala," sabi ko at niyakap ko ang braso niya saka ko siya hinila palabas ng kusina namin. "Dito na lamang po kayo," ani ko at akmang iiwan ko nga siya sa sala nang mabilis na nahuli niya ang kamay ko at huli na para bawiin ko ang mga kamay ko. Nakita na ni Tatay Jasper ang namumula kong palapulsuhan. "Saan mo ito nakuha, Jam? Bakit ito namumula, anak?" kunot-noong tanong niya sa akin at mataman na sinuri niya talaga iyon. "Jam..." "M-May ano po kasi, 'Tay... Ano, sumali po kami sa activity ng kabilang department sa university namin at...alam niyo po ang jail booth, 'di ba 'Tay?" Napakagat ako sa labi ko dahil sa pagsisinungaling ko. Literal na bumilis ang t***k ng puso ko at hindi na ako mapakali agad. Sa buong buhay ko ay never din talaga akong nagsinungaling, lalong-lalo pagdating sa tatay ko ay hindi ko ginagawa iyon. Ngayon lang... May pagkakataon pa rin pala na kailangan mong magsinungaling. "Pero bakit ganito siya, Jam? Bakit parang bakal naman ang dahilan nito kaya siya namumula?" "Napahigpit po kasi ang laruan na posas..." sambit ko at kinagat ko na lang ang labi ko. "Gamutin mo ito mamaya, baka mamaga pa." Tanging pagngiti at tango na lang ang ginawa ko. Bumalik ako sa kusina at nagluto. Pagkatapos ay kumain din kami agad ni Tatay. Lumipas ang ilang mga araw pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang guwapong mukha ng pulis na iyon. Hindi ko alam kung bakit parang palagi ko siyang nakikita sa balintataw ko. Minsan nga nag-aaral ako ay sumusulpot din siya. *** Kauuwi ko lang nang hapon na iyon mula sa university na pinapasukan ko nang mabilis na lumapit sa akin si Aling Sahara. Putlang-putla ang mukha niya at parang mahihimatay pa siya sa lagay niyang iyon. "Bakit po?" tanong ko at bigla akong kinabahan nang napahawak pa siya sa dibdib niya. Parang may iniinda na ano. "Ano po ba ang nangyari, Aling Sahara?" kinakabahan na tanong ko. Humugot muna siya ng malalim na hininga at parang ako na naman ang hihimatayin. Namanhid ang katawan ko at tila saglit ay nawala rin ako sa sarili. "D-Dumating kanina ang mga p-pulis at isa-isang kinuha ang mga gamit niyo sa loob ng bahay niyo, Jam." "Ang t-tatay ko po? N-Nasaan po ang tatay ko kung ganoon?" tanong ko. Hindi naglaho ang takot at kaba ko para sa kalagayan ni Tatay Jasper. "N-Nasa presinto siya sa mga oras na ito, malapit lang dito, Jam... Inakusahan siya sa salang pagnanakaw... Hindi ko masyadong naintindihan, hija... Basta iyon lang ang narinig ko sa mga pulis..." Hindi na ako nagdalawang isip pa at hindi na rin ako tumuloy pa sa bahay namin. Dumiretso ako sa presensinto at iyong malapit lang din ang pinuntahan ko, ayon din sa sinabi ni Aling Sahara sa akin. Tagaktak ako ng pawis nang makarating ako at halos malukot ang suot kong uniporme. Dahil mahigpit ang hawak ko rito. "I-Iyong tatay ko po? N-Nasaan po ang Tatay Jasper ko?" sunod-sunod na tanong ko sa isang pulis na nagbabantay at nagulat pa siya nang makita ako. "Sino'ng tatay? Maraming nakakulong dito, bata. Sino ba sa kanila? Iyon ba ang lalaking dinala nila rito at--" "Nasaan po ba siya?!" putol ko sa sasabihin niya at sinigawan ko siya. Sobra ang pag-aalala ko sa aking ama at wala akong panahon na makipagkuwentuhan sa kanya. Gusto ko iyong sagot niya agad! Gusto kong malaman kung ayos lang ba ang tatay ko. "Bata..." suway nito sa akin. Hindi ko na siya hinintay pa at ako na lang ang kusang tumakbo papasok. Napatayo pa siya at parang susuwayin pa niya ako ulit. Ako na lang ang maghahanap sa tatay ko. Basang-basa ng mga luha ko ang pisngi ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Wala na nga akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin na para bang isa akong hibang na estudyante na umiiyak sa kalagitnaan nang biyahe. Gusto kong makita si Tatay Jasper. Gusto kong malaman ang kalagayan niya. Gusto ko ring malaman ang katotohanan at kung bakit siya dinakip ng mga pulis at pinaratangan ng kasong pagnanakaw? Sa pagtakbo ko at wala pa rin ako sa sarili ay hindi ko sinasadya na makabunggo ako ng isang... Naramdaman ko na lang ang malakas na pagtama ko sa katawan ng isang tao at halos tumalsik pa ako. Napapikit ako dahil tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib at mabilis na yumakap sa akin ang braso niya sa baywang ko. Umawang ang labi ko dahil sa gulat. Iyong kaba ko sa dibdib ay parang napalitan. Saka...bakit pakiramdam ko ay nawala na ang takot ko? Bakit feeling ko ay safe ako sa mga bisig niya? Namilog ang mga mata ko nang tumaas ang isang kamay niya sa ulo ko. Hanggang dibdib niya lang ako. Sobrang tangkad pala niya. "Chief Alked," sabi ng isang lalaki at mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko nang makita ko ang mukha ng lalaking nakayakap sa akin ngayon. "A-Ano'ng..." Mabilis akong lumayo sa kanya at dumistansya sa kanya. Parang ayaw pa niya akong pakawalan. Ewan ko ba o baka iyon lang ang naisip ko sa paraan nang paghawak niya sa akin. "What's wrong?" Akala ko ba ay nasa ibang estasyon siya at bakit nandito siya? Ang lakas ng kabog sa dibdib ko nang maramdaman ko ang kamay niya na nasa pisngi ko na at marahan na pinunasan ang mga luha ko. Hinawakan ko siya sa dibdib para itulak sana pero tila nagkaroon ng sariling buhay ang kamay ko at hindi ko na iyon nagawa pa. Nanatiling nandoon ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. "What happened?" seryosong tanong niya at malamig pa rin ang kanyang boses. Ang bigat talaga ng presensiya niya at ang dilim ng aura niya. Pero bakit feeling ko ay nagkaroon ako ng kakampi sa mga oras na ito? Bakit parang gusto kong magsumbong sa kanya? "Iyong tatay ko... I-Iyong tatay ko...dinakip nila..." umiiyak na sagot ko. Nagmistula akong isang bata sa puntong iyon. "W-Walang kasalanan ng aking ama... B-Bakit nila dinakip?" tanong ko at nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko sa pisngi.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม