Chapter 1: First intro
MAAGA akong nagising para ipaghanda ng breakfast ang aking asawa na si Lucas. Ngayon kasi siya luluwas sa Manila pero mamaya pang 9AM.
May business trip sila sa Pangasinan at barko pa ang naisipan nilang sasakyan patungo roon. Kahit puwede naman silang sumakay ng private helicopter ng kompanya.
Matagal ko pa siyang tinitigan na wari bang pinapamilyar ko ang guwapo niyang mukha. Pinasadahan pa ng mga daliri ko ang buong mukha niya.
Hinaplos ko rin ang malambot niyang buhok. Hindi ko napigilan ang halikan ang ulo niya.
Ang matangos niyang ilong ay marahan kong pinisil. Napangiti ako nang nalukot ang matangos niyang ilong. Naiiling na natawa pa ako nang mahina dahil sa marahan na paghawak nito sa aking kamay bago niya rin tinanggal. Hinalikan ko iyon saka ko siya iniwan na tulog pa sa bed namin.
Paglabas ko mula sa kuwarto naming mag-asawa ay siya namang pagbukas ng pintuan sa kabila at malalaki ang bawat hakbang ko na lumapit sa side na iyon.
"Baby..." I muttered softly when I saw my three years old son. Bagong gising pa lamang siya. Magulo-g**o ang may kahabaan niyang buhok at ang cute-cute pa niya habang kinukusot-kusot ang eyes niya.
Bumukod siya agad sa amin dahil big boy naman daw siya kaya sa kanyang silid na siya natutulog pero may pagkakataon naman na nakikitulog din naman siya sa amin.
"Mommy?" inaantok pang tawag niya sa akin.
"Good morning, baby. How's your sleep, anak?" I aksed him at mabilis ko siyang pinangko. Inikot niya ang may kaliitan niyang braso sa aking leeg at ipinahinga ang ulo niya sa balikat ko.
"Fine..." tipid na sagot niya lang sa akin. Inaantok pa nga siya dahil wala pa sa mood ang boses at aura niya. Hinagod ko ang likuran niya saka ako nagsimulang bumaba mula sa hagdanan.
Apat na taon na kaming kasal ni Lucas, Eberjey Lucas Villanueva ang full name niya at panganay na anak naman namin si Louie Zhi.
Isang business tycoon ang asawa ko at pinapatakbo niya ngayon ang kompanya nila na pagawaan ng mga materyales para sa pagpapatayo ng mga building at bahay. Naging investor din siya sa mga kompanya na hawak naman ng mga matalik niyang kaibigan.
Isa rin akong professor sa Albison College University. I finished my course at Stanford University and my Master in Degree.
Lumaki ako sa States pero sa bansang ito rin naman ako ipinanganak at mas pinili ko ang magturo sa Albison. My parents are here. Sa States lang kami nagkakilala ni Lucas at una niya akong inalok na manirahan na lamang ako for good in the Philippines, and I agree. That was time na naging kami.
Ayoko rin naman mapalayo sa pamilya ko. Gusto lang naman ng Papa ko na mag-aral sa ibang bansa dahil lahat ng mga kapatid ko ay mas pinili rin ang mag-aral doon.
Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay, kasunod ko naman si Sander, na isang taon lang ang agwat naming magkapatid. Sina Clover, Ishie, tatlong taon naman ang gap nilang dalawa at ang bunso naming kapatid na lalaki ay si Zynder, ten years old pa lamang siya ngayon.
Hindi strict ang parents ko kaya hindi rin nila kami kinokontrol sa mga bagay na gusto namin. Kaya noong sinabi ko na gusto kong magturo ay agad silang sumang-ayon. Dahil kung ano raw ang gusto namin na marating sa buhay ay sarili naming desisyon iyon at hindi sila magiging hadlang para sa pangarap namin.
Hindi lahat ng parents ay katulad nila. Madalas ay napi-pressure ang mga anak sa pagiging strict at pagkontrol sa kanila ng mga magulang nila. Mas gusto ng mga ito na sila ang masusunod dahil alam daw nila kung ano ang best para sa mga anak nila. Pero hindi na nila tinanong kung iyon ba ang gusto ng kanilang mga anak? Kung iyon ba ang sinisigaw ng mga puso nito?
Hindi natin puwedeng hadlangan ang pangarap ng isang tao kahit sarili mo pang anak. Lalo na kung may sarili ng isip, desisyon at paninindigan sa buhay.
"Mommy?" dinig kong tawag na naman sa akin ni Louie Zhi.
Nakarating kami sa kitchen at maingat na ibinaba ko siya sa highchair. Inayos ko muna ang pagkakaupo niya para hindi siya mahulog.
"What do you want, baby? Fresh milk or mainit na gatas?" tanong ko sa kanya. Minsan kasi ay gusto niya ng malamig na gatas.
"Hot milk, 'My..." he replied, nahihirapan pa siya sa pagbigkas no'n. I nodded my head and planted a soft kiss on the top of his head before I approached the fridge to prepare his milk.
Binuksan ko iyon at kinuha ang fresh milk para painitin na rin. Nginitian ko ang anak ko nang magtagpo ang mga mata namin. Numumungay ang mga mata niya na tahimik na pinapanood ang bawat galaw ko. Ang braso niya ay nasa island table at ginawang unan iyon.
My son, Louie Zhi. Mas nakuha niya ang physical appearance ko. Malaki ang pagkakahawig niya sa akin kaysa sa daddy niya, na iyong mga mata lang ang nakuha nito at saka iyong pag-uugali, na medyo tahimik, snob at suplado. He smiled at me.
"I will cook our breakfast muna while we were waiting na uminit ang milk mo, ha LZ?" malambing na sabi ko sa kanya. LZ ang ibinigay na nickname sa kanya ng daddy niya, he like it anyway.
"Okay po, 'My..." sagot niya at natawa ako nang humikab pa siya.
"Are you sleepy pa?" I asked him.
"A little bit, but gising na po talaga ako," hinihingal pang sabi niya.
Binuksan ko ang rice cooker kasi alam ko na may natira pang kanin doon para gawin kong sinangag. We have kasambahay here pero gumagalaw lang sila sa work nila kapag may inuutos na kami.
Kung hindi rin naman ako masyadong busy ay ako ang nagluluto para sa breakfast at dinner namin. Puwera na lamang sa lunch time dahil nasa university ako at that time. Naiiwan kung minsan sa mansion namin si LZ with his babysitter.
Pero madalas ay isinasama ko siya. Kaya napagkakatuwaan siya ng mga estudyante ko. Uuwi siya sa amin na may namumulang pisngi at magkakalat ang lipstick sa pisngi niya. Hindi naman siya magrereklamo pero masama agad ang tingin niya sa mga taong gustong panggigilan siya but when it comes to his father. Nagsusumbong siya.
Sasabihan lang siya nito na, "Ganyan ang guwapo. Pinagkakaguluhan." Hindi na lang ako sumabat pa dahil sa mayabang at mahangin niyang Daddy Lucas.
My son smiled at me, iginalaw pa niya pataas at pababa ang kanyang kilay. What a silly kid, his attitude, manang-mana sa tatay.
Tumunog ang heater habang ginigisa ko na ang kanin na nilagyan ko pa ng dalawang itlog. Pinatay ko muna ang stove at nagsalin sa baso ng gatas.
Iyong litte cup ni LZ ay may cartoon characters dito. Ang favorite niyang anime. Lumapit ako sa kanya at ibinigay na sa kanya ang milk niya.
"Gusto mo ba sa feeding bottle mo, LZ?" nakangiting tanong ko. Humaba ang nguso niya dahil doon.
"I'm a big boy na po, 'My," he reasoned out. I laughed at him and kissed his cheek bago ako bumalik sa pagluluto ko.
Natapos ko ang lulutuin ko, sinangag na may itlog, hotdog na favorite kainin ng bubwit ko, beef tapa and pancit canton. Juice and coffee na umuusok pa dahil sa init nito.
'Saktong nakapaghain na ako sa table at una ko nang nakita si LZ na ngumunguya na ng hotdog. Napahawak ako sa aking magkabilang baywang. Sunod-sunod ang pagkagat niya at nakaubos pa siya ng dalawang piraso nito saka niya lang napansin ang presensiya ko.
"Oops!" bulalas niya at napatakip pa siya sa kanyang bibig nang ma-realize niya na nahuli ko siya. Natatawa na lamang ako dahil sa kakulitan niyang bata.
"It's okay, honey. Eat well and I just call your Dad," I told him. He shook his head and he pointed his little finger on my back.
"'Dy is here. Come on, 'Dy. I'm so hungry na po," nakangusong sabi niya at bumaling naman ako sa likod ko.
Nakatayo na pala sa may pintuan ang asawa ko habang nakahilig dito. Iyong kamay niya ay nakakrus lang sa kanyang dibdib at may ngiti sa labi na pinapanood kaming mag-ina. Tanging plane dark blue shirt and black pajama ang suot niya. Wala pang ligo pero ang fresh na niyang tingnan.
Ngumiti siya sa akin at nagsimulang humakbang sa kinaroroonan namin ni LZ. Una niyang binati ang aming anak. Ginulo ang buhok pagkatapos halikan ang tuktok ng ulo nito.
"Good morning, kido. Pumupuslit ka na agad ng three hotdogs ng hindi namamalayan ni Mommy, ah," nang-aasar na sabi niya. Mabilis na nagprotesta ang bata.
"'Dy, I only ate the two not three hotdogs," he defensively said and shook his head repeatedly.
"LZ, what about the three you were holding right now? Hindi pa ba tatlo?" nakangising tanong pa niya.
"But 'Dy, I didn't eat pa kaya. I was just holding this..." Humalakhak na lamang si Lucas dahil sa pagdadahilan ng anak niya.
"Where's my fist bump, little bud?" he asked at iningat pataas ang nakakuyom niyang kamao. Hindi na tumulis ang nguso ni LZ at marahan na idinikit niya lang din ang maliit na kamao niya. Matamis pa ang ngiti niya. Tuwang-tuwa siya kapag ginagawa nila 'yan.
"Oh, that's my boy," he said at ibinalik sa ayos ang buhok nito. Pagkatapos niyang guluhin... Hay...
Pagtalikod ko naman para sana kukuha ng pitcher sa fridge nang maramdaman ko na ang matigas na braso na yumakap sa baywang ko. Kasabay nang paghalik nito sa leeg ko, dahilan na nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan at ang mabilis na pagpintig ng puso ko. I'm like this, my heart kung nasa malapit lang siya.
"Good morning, wife. Thank you for the breakfast," malambing na sabi nito sa akin. Marahan na pinihit ako nito paharap sa kanya.
"Son, close your eyes," he said at nakita ko pa ang mabilis na pagtakip nito sa mga mata niya. Matatawa pa sana ako nang mabilis na hinapit ako ng asawa ko sa baywang, palapit sa kanya at inangkin ng buo ang mga labi ko.
Saglit lang gumalaw ang mga labi niya at kinagat pa ang lower lip ko saka niya ako pinakawalan. Alam kong hindi pa siya satisfied pero hindi naman niya kayang magtagal iyon lalo na nasa harapan lang namin si LZ.
"Good morning, too," I greeted him back. Inabot ko ang kanyang buhok at inayos din ito na tumatabi sa kanyang noo.
Ramdam ko ang mabibigat niyang tingin sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang makapal na kilay, sa kanyang mga mata na makikitaan ng pagkislap at iba't ibang emosyon na madalas din niyang ipinapakita sa akin. Pababa pa sa matangos niyang ilong at sa labi niya na bahagyang umaangat ang sulok nito.
Tumigil lang ang paghagod ko ng tingin sa kanya nang hinaplos niya ang pisngi ko.
"I love you," sensiridad na sabi niya.
"Mahal din kita," sabi ko at kinintalan na magaan na halik ang aking noo.
"I love you, too 'Dy." Natawa kami pareho dahil sa pagsabat ni LZ. "But I wanna eat na po," he added.
Hinila ako ni Lucas nang itinuro ko ang refrigerator namin. "Kukuha lang ako ng pitcher, hon," sabi ko sa kanya. Umiling siya.
"Umupo ka na lang at ako na ang kukuha," sabi niya at hinayaan ko na lamang siya.
Umupo ako sa tabi ni LZ at pinagsandok ko siya ng sinangag. Siya na mismo ang kumuha ng maraming hotdog sa plate niya. Five iyon. Nangalahati na rin gatas niya.
Bumalik si Lucas and he sat down sa tabi rin ng aming anak. Kaya nasa gitna na namin si LZ.
Katulad ng nakagawian niya ay ako ang unang pagsasandukan niya ng kanin bago sa plato niya.
"Thanks, hon," I said na ginantihan niya lang ng ngiti.
"You're always welcome, wife," sabi niya. Inilapit ko sa plate niya ang cup of coffee. Tubig naman para kay LZ na mabilis ding inabot at nagpaalalay pa sa Daddy niya na uminom nito.