CHAPTER 3

1905 คำ
Chapter 3: Lucas & Accident NATAPOS ang buong araw na klase ko. Hanggang 4PM lang naman kaya hindi rin naman nababagot na maghintay sa akin si LZ sa tuwing sumasama siya sa akin sa school. Mahaba rin naman ang pasensiya ng anak ko. Sa Daddy Lucas niya ‘yon namana. Hindi rin siya nagrereklamo kahit mukhang bagot na bagot na siya. Ang makita lang talaga ako ay ngumingiti na lang din siya sa akin. “Dadaanan ko na lamang po riyan ang anak ko, Ate Civana,” saad ko. Siya ang kausap ko sa phone ko. “Sige, Bythe. Mag-iingat ka, okay?” sabi niya mula sa kabilang linya at nagpaalam na rin ako. I took a glance at my wristwatch. Hindi naman kalayuan dito ang mansion nina Ate Civana at ang asawa niyang si Kuya Greed. Kaya ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din ako kaagad. Malaki ang bahay nila, expected na iyon dahil mayaman sila pareho ni Kuya Greed, eh. Naabutan ko pa si LZ kasama ang mga pinsan niya at ang anak ni Ate Marylyn. “Si Tita Byth! LZ, ang Mommy mo!” Si Cyanide ang unang nakakita ka sa akin. Ang anak ni Ate Civana. “Mommy!” masayang tawag sa akin ni LZ at patakbong nilapitan pa niya ako. He was surprised to see me. “How’s your day, son?” I asked him as a carried him. Humalik pa siya sa pisngi ko. Ibang damit na ang suot niya. Siguro ay buong araw rin siyang naglaro kasama ang mga pinsan niya kaya nakapagpalit na siya agad. Ito ang damit niya na pinili kong dalhin kanina at nasa loob lang iyon ng backpack niya. Saka iyong gatas niya. “It’s good, Mom. We build a house po kanina,” pagbibida pa niya sa akin at inilapit naman sa mukha ko ang maliit na laruan na superhero. “Bigay po sa akin ni Tito Greed, Mommy,” nakangiting sabi niya. “Masyado ka ring ini-spoiled ng Tito Greed mong ‘yan, ah,” ani ko at pinisil ko ang pisngi niya. “Hayaan mo na, Bythesea. Minsan lang kung humiling ang pamangkin ko,” saad ni Ate Civana. “Salamat po sa pag-aalaga sa anak ko, Ate,” sabi ko. “Hay naku, Bythesea. We’re family kaya huwag ka nang mag-thank you sa akin,” aniya. Tumagal pa kami ng ilang minuto sa bahay nila at nakipag-coffee pa sa akin si Ate Civana na ‘saktong sumulpot naman si Ate Marylyn. Alam kong busy rin naman silang dalawa, eh. Biniro pa nila ako na sundan na namin daw si LZ and I think so... Baka on way na nga ang second baby namin ni Lucas. Dahil pansin ko nitong mga nakaraan na araw, ang pabago-bago ng mood ko at medyo nagkakalaman na naman ulit ako. Hinihintay ko lang ang morning sick ko. Nagki-crave na rin ako. Hindi ko lang pinapahalata sa asawa ko dahil gusto ko siyang i-surprise. Siguro kapag makauuwi na siya saka ko sasabihin sa kanya at isa pa ay hindi pa naman ako sigurado kung buntis na ba ako. “What do you want, LZ? A baby sister or a little brother?” I asked my son. Nasa kuwarto na kaming mag-ina. Dito muna raw siya matutulog habang wala pa ang Daddy niya. Tapos na rin kaming kumain ng dinner namin kaya nakahiga na kami sa bed. Nakaunan siya sa braso ko habang nakayakap sa akin. “Hmm, a baby sister and a brother too, Mommy?” I pinched his nose. “Son, isa-isa lang... Hindi kakayanin ni Mommy kapag dalawa sila,” sabi ko na sinabayan ko pa nang mahinang tawa. “Like twins, Mom, ‘no?” I nodded my head. Tumingin ako sa digital clock sa bedside table at nakita kong 7:57 na ng gabi. “What’s wrong, Mom?” tanong sa akin ni LZ nang mapansin ang pananahimik ko bigla. “Nakalimutan kong tanungin ang Daddy mo kung mga ano’ng oras ba sila makararating sa Pangasinan,” sabi ko at sa hindi malaman na dahilan ay bigla na naman akong kinabahan. Inilipat ko ang ulo ni LZ sa maliit niyang unan. “Sandali lamang, anak. Tatawagan ko lamang ang Tita Elysian mo. Kasama sa business trip nila ang mga tito mo,” sabi ko at inayos ko ang kumot sa katawan niya. I got out from the bed and approached the sofa. Nandoon ang handbag ko at nakalimutan ko talaga ang cellphone ko. Naka-silent mode pa naman ito dahil gawain ko iyon kapag nasa klase ako. “Comeback here, Mommy,” mahinang saad ng anak ko na sapat na upang marinig ko. Nakangiting tumango ako kinuha ko lang ang phone ko saka ako bumalik. Umupo lang ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. “Sleep ka na, anak ko,” malambing na sabi ko. “I want to talk to my Dad too, Mommy. Can I po?” I nodded. “Yes... I missed him already,” sabi pa niya. “Hello, Bythesea?” sagot ni Elysian sa kabilang linya. Si Elysian ay isang close friend ko, nakilala ko lang siya dahil ang asawa namin pareho ay matalik na magkaibigan. Mabait iyon at hindi talaga plastic kapag kinakausap ka. I heard it from Lucas na rin ang nangyari sa kanya noon. Mabuti na lamang ay naging maayos din sa kanila ang lahat. Kaya sila pa rin naman ng asawa niya in the end. Hindi mo rin naman mapaghihiwalay ang dalawang taong mahal na mahal nila ang isa’t isa. Maliban na lamang talaga kung may magloloko sa isang relasyon. Pero depende pa rin naman iyon sa samahan niyo ng partner mo. “Nakalimutan kong tanungin kanina ang asawa ko, kung ano’ng oras sila makararating sa Pangasinan. Kasama si Jaydel, ‘di ba Elys?” tanong ko. “Dapat 4PM pa lang ay may update na sila, dahil makararating naman sila agad. Hindi pa ba tumatawag sa ‘yo si Lucas, Bythesea?” tanong niya sa akin. Sa sinabi niya lang ay mas nadagdagan ang kaba ko sa aking dibdib. “Wala akong na-receive kahit missed call, Elys. At wala rin siyang pinadalang text message sa akin. I’m just worried dahil nangako siya sa akin na tatawag siya kapag nakarating na sila pero hanggang ngayon nga ay hindi pa siya tumatawag sa akin. Bakit kaya?” tanong ko at humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. “Tatawagan ko muna si Jaydel, Bythesea. Hindi kasi siya nakasama kanina, hindi ko naitanong kung bakit. Hindi pa kasi umuuwi. Update kita mamaya kapag may naisagot na sa akin ang asawa ko. Don’t worry too much, Bythe. Walang mangyayaring masama kay Lucas. Saka damay-damay na ang mga lalaking iyon kapag napahamak ang asawa mo,” aniya at napabuntonghininga ako. “Salamat, Elysian. Hihintayin ko ang tawag mo.” “Subukan mo ring tawagan si Reolla. Baka nakasama rin ang asawa niyang si Poirier,” sabi pa niya na tinanguan ko lang din. “Sige,” tugon ko at sunod kong tinawagan si Reolla pero walang sumasagot sa kabilang linya. I sighed again. “Mommy?” I looked at my son. “Tulog ka muna, LZ,” sabi ko at yumuko ako para halikan ang sentido niya. Namumungay ang mga mata niya and any moment talaga ay makatutulog na siya. “Higa ka na, Mommy,” sabi niya at ngumuso pa. Nabawasan man ng kaunti ang kaba ko sa dibdib ay hindi ko naman maiwasan ang mag-alala at ang isip ko ay na kay Lucas. Sana ayos lang siya. Dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nalaman kong nasa kapahamakan siya. Huwag naman sana. Hindi ko kakayanin iyon. Tinapik ko lang ang likod ni LZ at mayamaya lang ay nakita ko na ang dahan-dahan na pagsara ng mga mata niya. “I love you, son... good night, LZ...” I said. Ang balak ko lang talaga ay ang patulugin na siya pero pati ako ay nakatulog din. Hindi ko na namalayan iyon. Nagising lang ako nang makarinig ako nang kaguluhan sa background ko. Mabigat ang ulo ko na parang pinukpok ng martilyo at hindi ko pa kayang magmulat dahil antok na antok pa talaga ako. Pero nang marinig ko ang boses ng anak kong umiiyak ay napabalikwas ako nang bangon. “LZ?!” gulat na sambit ko pa sa pangalan niya at ganoon na lamang ang takot ko nang makita na wala na siya sa tabi ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at bumaba mula sa kama. “Anak, LZ?!” Halos maiyak ako sa sobrang takot pero naglaho iyon nang makita ko sina Reolla at Elysian. Napatingin pa ako sa paligid at nakita ko na kompleto silang lahat. “Bythesea!” umiiyak na tawag sa akin ni Ate Civana. Teka lang, bakit siya umiiyak? Mahigpit ako nitong niyakap at umiiyak na siya sa balikat ko. “'Te, huwag mo pong biglain si Bythesea,” sabi ni Palencia at hinagod pa niya ang likod ni Ate Civana. Umalog nang husto ang balikat niya. “A-Ano po ang nangyari, Ate? At bakit nandito kayong lahat?” naguguluhan ko pang tanong. Abala si Reolla sa pagpapatahan sa anak ko na malakas lang umiyak. “B-Bythesea...” “Ano? A-Ano ba ang nangyari? B-Bakit? Bakit umiiyak ang anak ko?” kinakabahan na tanong ko pa. Sa dami nila pero nagawa ko pa rin silang tingnan isa-isa dahil nais kong sagutin nila ang tanong ko. Sa paraan nang pagtingin nila sa akin ay mas doble lang akong kakabahan nito. Parang napakahirap sa kanilang lahat ang sumagot dahil sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata ay sila ang kusang umiiwas at yumuyuko pero may kasama pang pagluha. Hindi ko na sila maintindihan pa. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ganyan sila makatingin sa akin at bakit hindi nila ako sinasagot?! “B-Bakit kayo ganyan? Bakit tinititigan niyo lamang ako? S-Sagutin niyo ako... Sagutin niyo ang tanong ko kung ano ba ang nangyayari?!” Hindi ko na naiwasan pa ang magtaas ng boses at umalingawngaw pa iyon sa loob ng bahay namin. Kasabay nang pag-iyak ni LZ. “Listen, Bythesea,” sabi ni Agnes at lumapit sa akin. Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Ate Civana. Hinawakan ni Agnes ang magkabilang balikat ko at matiim akong tinitigan. “S-Sasagutin mo ba ako, A-Agnes?” nakikiusap na tanong ko sa kanya. “Huwag kang magugulat, okay?” Tumango naman ako sa sinabi niya. Nahugot ko pa ang sarili kong hininga nang magsimulang bumuka ang kanyang bibig. “Si Lucas, ang barkong sasakyan nila ay lumubog...” diretsong sabi niya at parang saglit na huminto pa ang takbo ng oras o baka iyon lang ang pakiramdam ko. Parang mabibingi rin ako sa lakas nang tambol sa aking dibdib. Tumango ang balahibo ko sa katawan at sumikip nang husto ang pahinga ko hanggang sa kumirot ang puso ko. “A-Ano ‘yon, Agnes?” nauutal na tanong ko pa sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko at nag-init na agad ang sulok ng mga mata ko. “Agnes, please... P-Pakiulit ang sinabi mo...” “Ang barko nina Lucas ay lumubog kaninang 7PM. Hindi sila agad nakaalis--” hindi ko na narinig pa ang ilan na mga sinabi niya dahil wala na akong naririnig pa. Umiikot ang paningin ko hanggang sa dumilim na nga ito. “Oh my, God, Bythesea!” narinig ko pang sigaw nilang lahat bago ako mawalan nang malay.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม