Chapter 18: Louie Zhi & Daphne
RAMDAM ko ang kasiyahan ni Nenina nang makarating kami sa Manila at alam kong sa akin siya aasa kahit na nandito pa ang kapatid niya. Kaya naman dinala ko siya sa condo ko. Hindi ko rin naman gustong gawin ito pero para mas maramdaman niya na seryoso ako sa kanya ay ito na lang ang ginawa ko.
Hindi ko lang inaasahan na darating ang parents ko, dahil din siguro nalaman nila na buhay ako at nakaligtas. But when they saw Nenina, nagalit sila especially Dad. My Mom, muntik na siyang atakehin sa puso.
Sa pagbabalik ko na kasama ang ibang babae ay labis na ikinagalit nila. Akala ko nga... maiintindihan nila ako pero alam kong may dahilan kung bakit sila nagkakaganoon.
“Huwag na huwag mo nang ipapakita pa sa akin ang pagmumukha mo, Eberjey Lucas,” banta sa akin ng aking ama at nasa boses niya ang galit. I can feel that.
“Dad... I’m sorry.”
“Hindi ka sa akin mag-so-sorry, Lucas. At mas lalong hindi sa Mommy mo,” sabi niya saka niya ako tinalikuran.
I know the consequence. This is my plan at isa na ito sa pagsubok na ibibigay sa akin. Ang magalit sa akin ang pamilya ko at kamuhian ako.
“Ano ang... Ano naman ang ginagawa mo rito?” tanong sa akin ni Hajiwei.
“Nasaan ang asawa mo?” balik na tanong ko sa kanya.
“At bakit mo naman hinahanap ang asawa ko?” he asked me back, confusedly.
“Dito muna ako matutulog sa bahay niyo, ayos lang ba?” Umupo ako sa sofa at tumingin sa anak nilang nasa crib. Naririnig ko ang mahihinang ingay nito at bigla na namang nananakit ang sentido ko.
“Ano?” I stood up from my chair and approached the crib.
Napangiti ako nang makita ko ang mukha ng anak nila. “What’s her name, Hajiwei?” I asked him. Naglakad naman siya palapit sa akin.
“Sarvella Ecazea, five months old pa lang siya,” he uttered his daughter name. Ang suwerte ng gunggong ito at ang ganda ng anak niya.
“Kamukha ni Sarvelle. Puwede ko ba siyang hawakan?” hinging permiso ko.
“Buhatin mo pa kung gusto mo. Basta huwag mo lang paiiyakin, dahil lagot ka sa nanay niyan,” nambabanta na saad pa niya.
May naaalala ako na imaheng ganitong-ganito ang eksena. Nakikita ko ang batang lalaki sa may crib. Naririnig ko ang mahihinang ingay nito. Kahit nananakit pa rin ang ulo ko ay binalewala ko iyon. I just feel... I missed him? I don’t know... Hindi ko naman kilala ang batang iyon pero nagagawa niyang pabigatin ang dibdib ko.
Nang nasa bisig ko na ang anak niya ay mas bumigat ang dibdib ko. Gusto kong yakapin ang batang lalaking iyon. Pero hindi ko matukoy kung sino ba. Isa ba iyon sa mga anak ng kaibigan ko?
Inosenteng tumingin sa akin si Sarvella at marahan na tinapik pa nito ang pisngi ko gamit ang kanyang matambok na kamay at nag-iingay na naman siya. Titig na titig ako sa mukha niya.
“Ilan...na pala ang anak mo, Hajiwei?”
“Tatlo. Wala rito ang dalawa, nasa school pareho. Bunsong anak namin ‘yan ni Sarvelle... Wait, ang sabi nila ay wala kang naaalala na may mga asawa na kami. Kaya paano mo naman nalaman na mag-asawa na kami ni Sarvelle? At saka... kung selective amnesia ‘yan, dapat ang naaalala mo ay ang pagkawala ng asawa ko dati. Lucas, may amnesia ka ba talaga o wala?” nagtatakang tanong niya sa akin. Maski ako ay hindi ko rin alam. Hindi ko kayang ipaliwanag, dahil ang alam ko rin.
Bigla na lamang lumabas iyon sa bibig ko. Ang alam ko na asawa na niya si Sarvelle. At ang tinutukoy niyang pagkawala dati ng asawa niya ay hindi pa sila kasal noon.
“Hindi ko rin alam. Hindi ko na iniinom pa ang gamot na Ibinibigay sa akin ni Nenina at...may mga imahe na rin ako ang naaalala pero hindi pa malinaw.” Ibinalik ko sa crib niya si Sarvella pero bigla itong umiyak. Kaya ang Daddy na niya ang kumuha sa kanya para patahanin siya.
“Bakit ka nga pala makikituloy rito sa amin? Ayos lang naman sa akin, Lucas. Pero alam mo naman na galit sa ‘yo ang mga babae, at isa na roon ang asawa ko. Sa ginawa mo sa asawa--” nilingon ko siya nang bigla siyang huminto sa pagsasalita. “Tahan na, anak ko...”
“Sabihin mo na lamang sa asawa mo ang totoo,” giit ko at hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya.
“Ano ang totoo?” Boses na iyon ni Sarvelle at kadarating lamang niya. May buhat-buhat siyang isang batang lalaki at sa tabi naman niya ang isa pang bata na nasa edad pito.
“Nakauwi na pala kayo. Nakatulog si Hedzjuan?”
“What are you doing here, Lucas? Akala ko ba ay patay ka na?” tanong nito sa akin at matabil talaga ang dila niya.
“Love, sobra ka naman. Nasa tabi mo lang ang mga anak mo,” suway sa kanya ng asawa niya.
“Ha? Si Tito Lucas! Tito Lucas, kayo po pala ‘yan!” masayang sabi naman ng panganay nila.
“Weivel,” sambit ko na biglang dumulas sa dila ko. Nalilitong tiningnan naman ako ng mag-asawa.
“How come that you know his name, Lucas?” I just shrugged my shoulder.
“No idea,” I uttered.
***
Simula nang bumalik na nga rin ako sa trabaho ko ay madalas nang nagpupunta rito si Bythesea. Wala sanang problema sa akin pero madalas din naming pinag-aawayan ni Nenina iyon. Dahil bakit daw mukhang wala naman akong ginagawa para pagtabuyan ito? Gayong sobra na ang ginawa ko tapos hindi pa rin sapat para sa kanya?
“Sir Lucas. Nasa loob po si Ma’am Bythesea. Kanina pa po siya naghihintay sa loob,” pagbabalita sa akin ng secretary ko. Tumango lang ako bilang tugon at pumasok na sa loob ng opisina ko. Nadatnan ko nga siya na naghihintay na sa akin.
“What are you doing here?” Honestly speaking, ilang beses ko na ring naitanong ito sa kanya. Wala ng bago. Pagpasok ko pa lamang sa opisina ko ay iyong linya na ang sasambitin ko.
“Si Nenina... Sa condo mo pa rin ba siya nakatira, Lucas?” I didn’t expected her question at nasa boses pa niya ang tila pag-aalangan pero...nagawa pa rin niyang itanong iyon sa akin. Kahit alam kong masasaktan siya sa isasagot ko.
“Ano’ng klaseng tanong ‘yan, Bythesea? She’s my wife, what do you expect?” I fired back.
No, Bythesea. Sa bahay ako nina Hajiwei at Sarvelle nakatira. Hindi ko kayang matulog sa condo na may kasamang ibang babae. Maliban sa ‘yo...
“Kung ganoon... m-may nangyayari ba sa inyo?” tanong pa niya. Wala... Wala naman kaming ginagawa, wala akong ginagawa kay Nenina.
“Ano ba ang ginagawa ng normal na mag-asawa?” Sa halip ay iba pa rin ang isinagot ko sa kanya.
“Lucas... Wala na ba talaga? W-Wala ka na ba talagang nararamdaman para... p-para sa akin?” Kung puwede ko lang sabihin... Kung puwede...lang sana. Nang hindi na rin ako mahihirapan.
“Bythesea...”
“Iniisip ko lang kasi, Lucas... I-Ilang taon din ang pinagsamahan natin... pero... pero masasayang lang ba iyon dahil lang... d-dahil lang...” Kung hindi lang dumating si Nenina ay baka hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sasabihin ko na lamang sa kanya ang totoo.
“Lucas, mahal ko?”
“L-Lucas...” tawag sa akin ni Bythesea. “B-Babalik pa rin ako. Sana...sana makapag-usap tayo nang maayos,” huling sabi niya bago siya umalis sa opisina ko.
***
Nag-aya naman si Nenina na lalabas at ang pinuntahan naming lugar ay ang Ice Cream Shop. Palabas na sana kami nang may humahangos na batang lalaki ang humawak sa laylayan ng suot kong coat.
“Ano’ng ginagawa mo, bata?” tanong ni Nenina. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng batang ito dahil nakatalikod pa ako mula sa kanya. Kaya dahan-dahan akong lumingon para lang makita ang namumula niyang mga mata.
Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko at nang makita ko lang ang mukha niya ay labis na ikinagulat ko. Ang mga mata niya. Sigurado akong nakita ko na iyon pero... Blangko pa rin ang nakikita ko sa isip. Wala pa...
“Sino ka?” Ang dalawang katagang lumabas sa bibig ko at dahil doon ay binitawan na niya ang damit ko.
Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib at alam kong nagbabadya na nga ang mga luha niya pero nanatiling matapang pa rin ang kanyang mukha. Parang may gusto siyang sabihin sa akin hindi niya lang magawa. Madalas ang kanyang pagsulyap sa kasama ko.
“Nawawala ka ba? Bumalik ka na sa Mommy mo, bata,” pagtataboy ni Nenina.
“G-Gusto ko lang po...malaman ang pangalan niyo, k-kuya...” sabi nito sa akin. Nagtaka naman ako dahil bakit? Bakit gusto niyang malaman ang pangalan ko? Para saan naman?
“Lucas, tara na... Huwag mo na lang pansinin pa ang batang iyan,” sabi nito sa akin at hinihila ang braso ko para lang umalis na. Pero napapako ang mga paa ko at hindi ko man lang magawang humakbang palayo sa batang ito.
“Bakit? Bakit mo gustong malaman ang pangalan ko?” tanong ko sa kanya.
Saglit siyang tumingin sa akin. “K-Kasi po... Kasi po kamukha niyo... K-Kamukha po niyo ang D-Daddy ko...” sagot nito sa akin at tumulo pa ang luha sa kanang mata niya.
K-Kamukha ko ang daddy niya?
“Lucas, tara na nga...”
“N-Nasaan? Nasaan na ba ang Daddy mo? At bakit mo siya hinahanap?” interesadong tanong ko at umiling naman siya.
“Hindi pa po siya umuuwi pero...pero... hinihintay pa po namin siya... Hinihintay po namin ni Daphne ang pagbabalik niya.” May kung ano na naman sa akin ang gusto siyang hawakan at aluin na babalik pa rin sa kanila ang Daddy nila. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
“Eberjey Lucas Dankworth ang pangalan ko,” sambit ko naman sa pangalan ko at sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya. Halos umalog ang balikat niya pero walang tunog ang kanyang pag-iyak.
Nang akma ko siyang hahawakan nang bigla naman siyang umatras. “Pasensiya na po sa abala...” sabi niya at patakbong umalis.
“Sandali lang, bata!” pahabol na sabi ko.
“Umalis na tayo, Lucas.” Natulala lang ako sa batang iyon. Kaya nang hilahin na ako ni Nenina ay nagpaubaya na lamang ako.
Then I meet Bythesea unexpectedly. I just heard her voice and she was crying. Parang pinipiga ang puso ko nang marinig ko pa ang pagsigaw niya at umiiyak siya. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa batang lalaking nakilala ko kanina.
Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinasabi niya pero ang alam ko lang... ay hinahanap niya si... LZ? Louie Zhi? Nasambit na niya ang pangalan ng lalaking iyon doon...sa.
Teka lang, sino ba si LZ? Sino ang lalaking hinahanap niya?
“Lucas, saan ka ba pupunta?” tanong sa akin ni Nenina nang humiwalay ako sa kanya at sa pag-iwas ko ay hindi sinasadyang mabangga niya si... Bythesea.
“A-Aray...”
“Nenina...” I uttered her name at mabilis ko siyang dinaluhan para alalayan na makatayo. Pero nilapitan ko pagkatapos si Bythesea.
“Bitawan mo ako,” mariin na sabi niya. Hindi ako nakinig kasi mas nakuha niya ang atensyon ko. Ang mga luha niya. “Ano’ng ginagawa mo? Bitawan mo ako!”
“What happened?”
“Lucas.”
Dahil sa pagbawi niya ng kamay niya na hawak ko ay nabitawan niya ang backpack niyang dala at kumunot ang noo ko nang makita iyon. Pambata... Pambata ang backpack na dala niya. Kung ganoon... Batang lalaki ang hinahanap niya at Louie Zhi ang pangalan? Pero sino iyon? Sino siya? Bakit pamilyar din sa akin ang pangalan niya pero hindi ko matandaan.
“A-Ano’ng...”
***
“Matagal pa ba, Hajiwei?” tanong ko sa kanya. Gusto ko nang tapusin ang mga planong ito. Hindi na ako makapaghintay, gusto kong matapos na rin ang mga iniisip ko. Masyado nang tumatagal ito.
“Kaunting panahon na lang ang hihintayin natin. Ayos sana kung nakatulong dito ang mga kaibigan natin.”
“Hindi puwede,” mariin na sabi ko.
And I accidentally heard Nenina and Noej’s conversation at si Bythesea ang pinag-uusapan nila. Natakot ako sa kaligtasan ni Bythesea kaya ang sunod kong ginawa ay saktan siya ng sobra para hindi na bumalik pa and this is the last day.
Nang bumalik siya sa kompanya ay nagtago ako para lamang hindi ko siya makita. Para lang hindi malaman ni Noej na nakikipagkita pa rin sa akin si Bythesea kahit wala naman kaming ginagawa.
“Nakaalis na ba siya?” tanong ko sa secretary ko. Halos isang oras din ang lumipas kaya nagbabakasakali pa rin ako na wala na nga siya at tuluyan nang umalis.
“Opo, Sir,” sagot naman nito sa akin. Kaya pinihit ko ang doorknob at binuksan ito. Wala na nga siya.
“Good.” Naglakad ako patungo sa mesa ko nang mahagip naman ng mga mata ko ang isang laruan sa couch. Nilapitan ko iyon at kinuha ang laruang superman. “Kanino ‘to?”
“K-Kay... Baka po...kay LZ ‘yan, Sir...” Napapitlag ako nang marinig ko na naman ang pamilyar na pangalan na iyon.
“LZ? Sinong LZ?” nalilito kong tanong. Bakit kilala niya ang LZ na iyon? Sino ba iyon at sino...
“Sir, k-kasama po ni Ma’am Bythesea ang mga anak niyo,” he answered and I stilled again.
“M-Mga anak k-ko?” nauutal na tanong ko at binalingan ko siya. Ano naman ang ibig niyang sabihin na mga anak ko?
“Sina LZ at Daphne po, Sir, anak niyo ni Ma’am Bythesea.” Nanigas ang aking katawan at mariin na napatitig lang sa laruan na ito. Bumilis ang t***k ng puso ko nang bigla na namang lumitaw ang imahe...and this time. Sobrang linaw na niya.
Ang kamay ng batang lalaki ang nakita ko at ako pa mismo ang nagbigay ng laruang ito sa kanya.
“K-Kailan pa? Kailan pa sila umalis?”
“Kanina lang po, Sir,” he replied and one thing I found it ay tumatakbo na ako para sundan sila.
Sa pagtakbo ko ay naabutan ko pa ang pagsasara ng elevator pero nakita ko pa kung sino ang mga taong sakay no’n.
Nakatalikod mula sa akin ang babaeng ilang beses kong pinagtabuyan at iniwasan. Siya iyon, si Bythesea at may buhat-buhat pa siyang isang batang babae na namamahinga naman ang ulo nito sa balikat niya. Diretso ang kanyang tingin sa akin. Namumungay ang mga mata at parang...inaantok din siya.
Lumipat naman ang aking tingin sa isa pang batang lalaki. Inaayos ni Bythesea ang polo-shirt niya at hindi sinasadyang magtagpo ang aming mga mata. Siya naman iyong... Ang batang lalaki nakita ko sa shop na iyon. Ang nagtanong sa pangalan ko.
Dahil kamukha ko raw ang daddy niya at nang sinabi ko na ang pangalan ko sa kanya ay tumulo lang ang mga luha niya at patakbong umalis pa siya.
“D-Daddy...” But before the elevator close. I saw his lips, uttering the word ‘daddy.’
Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya.
“Loui Zhi...”