Chapter 17: The Reason
“ALAM mo ba ang mga ginagawa mo, Lucas?” Isang araw ay hindi ko inaasahan ang pagdating ni Hajiwei at kinausap pa niya ako.
Naging kaibigan lang namin siya dahil isa rin siya sa matalik na kaibigan ni Elysian. Ang dating pinagseselosan ng kaibigan kong si Jaydel.
“Ano pa ba ang ginagawa mo rito, Hajiwei? Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako sasama, na hindi ako babalik sa Manila,” mariin na sabi ko sa kanya. Ilang beses ko na itong sinabi sa kanila.
“Sa tagal ng panahon na naging magkaibigan tayo, Lucas ay alam ko na ang tumatakbo sa isip mo ngayon. Hindi man ako kasing tagal ng pagkakaibigan ninyo ni Jaydel at iba pang mga matalik mong kaibigan ay kilalang-kilala ko na ang ugali mo. Isa lang ang gusto kong malaman, Lucas. Bakit mo sinasaktan si Bythesea? Bakit mo siya pinagtatabuyan? Alam mo ba sa aming lahat? Siya ang mas naghanap sa ‘yo at hindi siya sumuko. Alam mo ba na matagal na kaming huminto sa paghahanap sa ‘yo? Dahil kahit ang anino mo ay hindi namin mahanap. Sinisid na namin ang buong karagatan pero hindi ka pa rin namin nakita. Kaya ang inaasahan namin ay wala ka na. Pero hindi si Bythesea, hindi siya tumigil at hindi nawalan ng pag-asa na muli kang makikita at hindi namin kayang makita na nagdurusa siya ng ganoon. Kaya nagsimula ulit kaming maghanap sa ‘yo,” mahabang salaysay niya.
From what I heard from Hajiwei, I couldn’t help but feel happy knowing that Bythesea had been looking for me for a long time.
That’s why she reacted to me like that when she saw me. She was happy to see me alive and safe. That was no pretence.
I was the only one who pretended and even hurt her because I wanted to know what happened to me. Why did I stay in this place for such a long time? Why did they find me just now? And what are the medicines I take for? And what is Noej talking about that poisons the brain?
Isa rin iyon sa mga gusto kong tuklasin kaya nanatili ako sa poder ni Nenina at nagpanggap ako na walang alam pero ang kapalit no’n ay ang saktan ko ang girlfriend ko. I don’t want to take a risk dahil siya ang mawawala sa akin. But I felt incomplete.
Sa tuwing nabibigyan na rin ako ng mga gamot ay sumasakit na ang ulo ko. Natatakot na ako na baka may komplikasyon na iyon sa katawan ko. Kaya bago pa mahuli ang lahat, kailangan kong mahanap ang gamot na para nga talaga sa akin. Iyon ang narinig ko na pinag-uusapan nilang magkapatid.
***
“Ikaw? Hindi ka ba sasama? Pumunta tayo sa Manila,” I told her. I know she was pretending but hell, kaya ko siyang sakyan sa mga arte at pagpapanggap niya. Hindi niya ako malilinlang.
“H-Hindi...” sagot niya sa akin at yumuko pa siya. Hinawakan ko ang kamay niya kahit hindi ko gusto. Wala rin naman akong balak na isama siya, kung wala rin akong plano.
“Sumama ka na sa akin, Nenina. Doon na tayo manirahan sa Manila. Hindi ba... nagtatrabaho naman doon si Noej?” tanong ko at nag-angat siya nang tingin sa akin saka siya marahan na tumango. “Sumama ka na.”
“Sige...” I smiled silently dahil madali lang siyang sumang-ayon sa gusto kong isama siya. Pero ang hindi ko lang inaasahan ay may kapalit. May kapalit ang pagsama niya sa akin. “Ang sabi ng babaeng iyon ay may relasyon kayo. Kaya naman...gusto ko pagbalik natin, Lucas ay wala na kayong kahit na ano’ng ugnayan sa isa’t isa. Na sa pagbabalik mo ay ako na lang ang babaeng mahal mo.” But I don’t love her. Iyon ang katotohanan na hindi niya dapat malaman pa. “Ayoko lang na sabihin niya sa akin na may karapatan siya sa ‘yo kahit ang totoo ay wala na. Hindi mo na siya mahal, Lucas. Ako na lang... Ako na lang ang nag-iisa mong mahal at wala ng iba.”
“O-Okay,” I answered kahit ang bigat sa dibdib ko na sabihin ang katagang iyon. I’m so sorry, Bythesea...
***
“Ano? May...may gamot silang pinapainom sa ‘yo? Lucas, safe pa ba iyon?” nag-alalang tanong ni Hajiwei. Umiling ako dahil iyon ang alam ko. Hindi nga safe iyon, dahil nararamdaman ko na masyado na siyang nakaaapekto sa akin. Hindi ko lang sinasabi sa kanila dahil baka may panibago na naman silang ibibigay sa akin na gamot.
“Ang alam ko ay hindi nga ito safe, pero nagagawa ako nitong pakalmahin at mabaliw na nagbabago ang isip ko sa mga bagay-bagay. May gamot daw na para talaga sa akin.”
“Sasabihan ko si Jaydel, at alam mong makatutulong din si Joavani. Lucas, bumalik ka na kasi sa Manila para mapasuri ka sa doctor nang maayos,” pamimilit niya sa akin na inilingan ko.
“Nakabantay pa rin sa akin si Nenina. Hindi ko alam kung ano talaga ang motibo niya. Kapag nalaman niyang nagpapanggap din ako ay baka...baka tuluyan na ring mawawala ang gamot. Puwedeng...puwedeng gawin iyon na ebedensiya kung sakali man na magsasampa ako ng kaso laban sa kanila. Sa pagtatago nila sa akin sa lugar na ito,” malamig na sabi ko.
“Paano ka naman nakasisigurado na tinago ka lamang dito?”
“Hajiwei, malakas ang kutob ko na hindi nila ako dinala sa hospital nang maaksidente ako. Dito...dito lang ako nila itinago sa lugar na ito at walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari. Iyon ang gusto kong ipaimbestigahan, huwag mo na lamang ito sasabihin sa kanila. Dahil alam ko...may nagbabantay rin sa bawat galaw nila. Maging ikaw, Haji... Kaya... Dapat maingat ka sa gagawin kong imbestigasyon. Ikaw na lang ang maasahan ko sa ngayon,” sabi ko.
Sandali pa niya ako tinitigan saka siya tumango. “Pero ang tungkol kay Bythesea?”
“Kailangan ko muna siyang iwasan... Hindi ako nakabubuti sa kanya. Nararamdaman ko kasi na may galit sa kanya si Nenina. Ayokong pati siya ay madadamay rin sa gulong ito,” usal ko at mahigpit na kumuyom ang kamao ko. “Ako lang dapat, ako ang magtatapos nito.”
“Pero sa ginagawa mong pag-iwas sa kanya ay baka tuluyan siyang mawawala sa ‘yo, Lucas. Kilala mo si Bythesea...”
“Iyon na lamang ang naisip kong paraan, Hajiwei. I love her and yes, I’m afraid to lose her but I can’t risk her life...”
“Kaya mo naman silang igiit at kasuhan kung may masama silang intensyon sa ‘yo, Lucas. Para saan pa ang lahat ng ito?” naguguluhan na tanong pa niya.
“Ang sabi niyo sa akin... Kasama ako sa lumubog na barko pero ang alam ko ay...bumangga ako sa puting sasakyan. Iyon lang ang naaalala ko sa ngayon. Hindi pa kasi malinaw ang iilan na memorya ko,” problemadong paliwanag ko.
“Sige, susuportahan ko na lang ang gusto mo. Basta...huwag mong tagalan ito, Lucas. Maraming mawawala sa ‘yo kapag nagkataon na mas malala pa ang gagawin mo kay Bythesea,” paalala niya sa akin na tinanguan ko. “Siya nga pala... Ano ba ang naaalala mong... relasyon niyo ni Bythesea?” tanong niya sa akin na ikinatigil ko pa.
Mariin na pumikit ako at lumitaw lang sa isip ko ang imahe niya. Her angelic face crossed my mind at pinakiramdaman ko naman ang puso ko. Bumibilis pa rin ang t***k nito.
“She’s my girlfriend, that’s it,” I replied.
Ngunit naalala ko rin ang mga sinabi sa akin nina Oriphyn. “Ano’ng klaseng asawa ba si Nenina para sa ‘yo, Lucas? Sigurado ka ba na siya talaga ang asawa mo? Siya ba ang naaalala mong pinakasalan mo?” Iyon ang mga tanong na lumabas sa bibig niya. Nararamdaman ko na may gusto siyang ipahiwatig sa akin pero hindi ko lang masyadong naintindihan. Dahil naguguluhan ako sa nangyayari.
“Ano’ng ibig mong sabihin doon?” tanong ko.
“May naalala ka ba na siya ang dinala mo sa altar at pinangakuan na mamahalin habangbuhay?” sunod pa niyang tanong. Base pa lamang sa pagkakasabi niya ay parang nangyari na nga iyon.
May pinakasalan na ba ako? May dinala na ako sa harap ng altar at pinangakuan na mamahalin ko habambuhay? Napahawak ako sa sentido ko dahil may imahe na naman ang gustong lumabas pero tila pinipigilan lang ito. Kaya nananakit na naman siya ng husto.
“Lucas...” Bythesea uttered my name, nasa boses na naman niya ang pag-aalala.
“Totoong tapos na kayo ni Bythesea, Lucas,” sabi pa nito.
“Oriphyn...”
“She’s my girlfriend now,” he added at mas dumoble lang ang sakit sa ulo ko nang makita ko si Oriphyn na inakbayan niya si Bythesea. What the hell, man?!
“Sa pagkakaalala ko... Si Esterly ang girlfriend mo, Oriphyn,” I fired back. Kaya paano magiging girlfriend niya si Bythesea kung ang alam ko ay si Esterly, na pinsan ni Jaydel ang babaeng mahal niya?
“Lucas, pareho pala ang pinagdaanan natin noon. Hey, matagal na panahon na ang nakalipas. Ako at si Esterly...kasal na kami ngayon. Naaksidente rin ako noon, Lucas at may selective amnesia rin na katulad mo ngayon. Ang naaalala ko rin ang nakaraan na matagal na ring lumipas, hindi naman ang kasalukuyan. I’m a father now... Lahat ng kaibigan natin ay lumagay na sa tahimik na lugar. Hulaan mo naman kung ano ang nangyari sa inyo ni Bythesea? Naghiwalay na talaga kayo?”
Parang may isang malaking bato lang ang nahulog sa ulo ko at naging palaisipan ko na nga iyon.
Ano’ng nangyari sa amin ni Bythesea? Totoo ba’ng ikinasal na silang lahat? Paano naman kami ng girlfriend ko? Wala ba’ng nangyari?
Pero kahit ano’ng pilit pa ang ginawa ko ay wala talaga akong naaalala. Tila isang madilim na lugar lamang ito.
“Lucas...”
“Kung hindi ka sasama sa amin ngayon ay wala kang malalaman, Lucas. Tandaan mo, wala kang maaalala rito tungkol sa nangyari. Alalahanin mo kung sino sa buhay mo si Bythesea.”
***
Halos araw-araw siyang nagpupunta para lamang pilitin ako na sumama na sa kanya pauwi sa Manila pero nagmatigas pa rin ako at dahil may pinag-usapan na kami ni Nenina tungkol dito ay hinintay ko lang na bumalik siya.
“Ano’ng ginagawa mo riyan sa bintana ng bahay natin, mahal ko?” tanong sa akin ni Nenina nang maabutan niya akong nakatayo sa bintana at nakatanaw sa malayo.
Mula kasi sa kinakatayuan ko ay unang makikita ko ang pamilyar niyang sasakyan sa tuwing nagpupunta siya rito pero tatlong araw na ang nakalipas ay hindi pa rin siya dumarating. Kaya madalas akong tumatambay rito.
Hindi na ba siya babalik dito? Sumusuko na ba siya sa pamimilit sa akin? Kung kailan ay gusto ko na ngang umuwi, kasama siya.
“Wala,” tipid na sagot ko at naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Dumistansya ako dahil naiilang ako sa presensiya niya. “Hindi ba may pupuntahan ka?” tanong ko para makaiwas na ako sa kanya.
“Ah, oo. Muntik ko na palang makalimutan,” sabi niya at humarap pa sa akin. She was about to kiss me but I looked away. “Mahal ko... Hindi pa ba tayo magtatabing matulog mamayang gabi?” She’s crazy to asked me that. Dahan-dahan naman gumapang sa dibdib ko ang kamay niya kaya bago pa niya marating ang gusto niyang abutin ay pinigilan ko na siya.
“May lakad ka, Nenina. At wala pa akong lakas para gawin ang bagay na iyon. Alam mo ang kondisyon ko,” kalmadong sabi ko sa kanya. Pinipilit niyang makipag-sèx sa akin dahil alam ko naman ang gusto niya. Ang mabuntis ko siya. Para hindi ko na siya tuluyang paalisin sa buhay ko but I won’t let that happen, never.
Hindi ko na siya tiningnan pa nang lumabas na siya sa bahay at napatingin ulit ako sa labas ng bintana. Ang huli ko siyang nakita...ay umuulan noon.
Nakauwi kaya siya nang ligtas ng gabing iyon? Hindi ba siya nagkasakit sa lamig sa labas? Ipinikit ko ang mga mata ko at nang dumilat ulit ako ay nakita ko ang bagong parada ng pamilyar na sasakyan. Napangiti ako nang makita ang pagbaba ng driver.
“Bythesea...” Mabilis akong umalis sa bintana at naghintay sa pintuan. I took a deep breath, because today...masasaktan ko na naman siya. “Pumasok ka,” pag-aya ko agad sa kanya at kitang-kita ko pa ang gulat na rumehistro sa maganda niyang mukha. Napansin ko naman ang pagtingin niya sa paligid, alam kong si Nenina ang hinahanap niya. “Wala rito ang asawa ko,”
“Lucas...”
“Ang alam ko lang ay girlfriend kita at boyfriend mo ako. Kaya ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin. Kaya mo ako pinipilit na bumalik. Napagdesisyunan ko na, Bythesea,” pagsisimula ko.
“A-Ano ‘yon? Ano ang napagdesisyunan mo?” she asked.
“Sasama na ako pabalik sa ‘yo sa Manila. Kung ‘yan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita,” seryosong sabi ko at katulad ng inaasahan kong reaksyon niya ay ganoon nga ang nangyari. Hinawakan pa niya ang kamay ko at ramdam ko ang kasiyahan niya sa desisyon kong babalik sa Manila.
“L-Lucas, tamang desisyon ‘yan,” she uttered and a lone tear escape her eyes.
“Pero isasama ko pa rin ang asawa ko, Bythesea,” I stated.
“Ayos lang iyon, Lucas. Ayos lang sa akin na isama mo si Nenina sa Manila. Walang problema sa akin. Basta umuwi ka lang. Iyon ang mahalaga sa akin, Lucas.” Damn, why are you so kind, Bythesea? Bakit wala lang sa ‘yo kung isasama ko si Nenina? Kahit alam kong masakit iyon para sa ‘yo?
“Pero sa isang kondisyon,” I added. Higit na masakit ang susunod kong sasabihin at ang naisipan kong kondisyon.
“Sige lang, sabihin mo sa akin, Lucas.”
“Kailangan nating maghiwalay, Bythesea,” diretsong sabi ko.
“H-Ha?” gulat na tugon niya. “Lucas, a-ano ang i-ibig m-mong s-sabihin?”
“Kailangan nating putulin ang kung ano mang koneksyon natin sa isa’t isa, Bythesea. Hindi sasama sa akin ang asawa ko kapag hindi mo ibibigay sa akin ang kalayaan ko at hindi ako babalik sa Manila, hindi rin ako sasama sa ‘yo kapag hindi mo ako pinagbigyan sa kondisyon ko. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya puwedeng iwan dito... Hindi ko kaya iyon...”
“Lucas...” sambit niya sa pangalan ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumuha. Dahil sinasaktan ko siya. Masakit ang makita siyang ganito.
“Iyon lang... That’s my only condition, Bythesea. Kung kaya mong ibigay iyon sa akin...ay hindi na ako magdadalawang isip pa na sumama na ako sa ‘yo sa Manila, and of course with my wife...” usal ko.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Lucas,” malamig na sabi niya at biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. “Sabihin mo sa akin, Lucas. Siya ba? Siya ba ang nagsabi niyan sa ‘yo? Hahayaan ka niyang bumalik pero kasama siya at ang kapalit naman ng pagsama niya sa ‘yo ay ang utusan ka rin na tuluyang putulin ang relasyon natin. H-Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Lucas. Hindi mo alam na hindi lang ako ang maapektuhan sa pinili mong desisyon! Hindi lang ako...” Paano? Paano naman niya nalaman na baka si Nenina nga ang may gustong maghiwalay na nga kami? At ano ang tinutukoy niya na hindi lang siya ang maapektuhan?
“Pero iyon lang ang paraan para bumalik ako,” giit ko.
“B-Babalik ka nga pero hindi na para sa akin,” nanginginig ang mga labi na sabi niya.
“Wala na akong magagawa pa, Bythesea. Hindi ko alam kung bakit pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa akin. Kahit sinabi ko naman sa ‘yo na si Nenina na ang mahal ko.”
“Sa tingin mo? Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko sa ‘yo? Maliban sa mahal kita, Lucas, kahit na sinasabi mo rin sa akin na hindi mo na nga ako mahal. May iba pa akong dahilan at alam ko. Kung susundin ko ang gusto niyo ni Nenina... Sila, sila ang mas maaapektuhan. Hindi ako. Kung hindi mo sila kayang panindigan ay ako... Ako, magagawa ko iyon ng walang tulong mo, na kahit wala ang presensiya mo. Kayang-kaya kong ibigay at hindi ko ipaparamdam sa kanila na may kulang, na nagkulang din ako. Tandaan mo ito, Lucas. Kung ipipilit mo rin ang gusto ng tinatawag mong asawa ngayon... May mawawala sa ‘yo, hindi ang yaman o isang bagay na kaya mo pa ring bilhin at ibalik. Dalawang mahahalagang buhay na kaya kong bawiin sa ‘yo ng hindi ako nagdadalawang isip.” Sa huling sinabi niya ay mas nagkaroon lang ako ng kaguluhan sa isip ko.
Sino? Sino naman sila? Sino ba ang tinutukoy niya? Gusto kong malaman pero wala akong lakas na loob na itanong iyon sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan.
Nanghihinayang napaupo ulit ako sa sofa. Umalis na naman siya nang umiiyak. Sa tuwing nag-uusap kami ay may mga luha talaga ang nasasayang at ako ang dahilan na iyon. Napahilamos ako sa mukha ko at sunod-sunod na bumuntong-hininga.
Kaunti na lang... Kaunting panahon na lang ang hinihingi ko at matatapos na ito... Kaunti na lamang, Bythesea. Hintayin mo muna ako, pakiusap...
“Kaaalis lang ni Bythesea. Pumayag na ba siya sa gusto mong paghihiwalay niyo?” Umayos ako sa pagkakaupo ko at hindi ko pinahalata sa kanya na apektado rin ako sa pinag-usapan namin ni Bythesea.
“Hindi siya pumayag,” sagot ko. To be honest, she didn’t say anything. Isa lang ang ibig sabihin no’n. Hindi siya sang-ayon sa kondisyon ko. Umalis siya ng walang sinasabi na pumayag siya.
“P-Paano iyon? Kung hindi naman pala niya gusto...ay hindi na lamang ako sasama, Lucas...”
“No. Kahit ayaw niya, kahit hindi niya gusto na makipaghiwalay ako sa kanya ay uuwi ako sa Manila at isasama pa rin kita. Hindi siya ang magiging hadlang sa mga plano ko, Nenina,” seryosong sabi ko at matiim ko siyang tinitigan. I know at that time, siya ang nanalo sa gusto niyang palaro namin.
***
“Babalik na kami sa Manila, Kuya. No... Nararamdaman ko na wala ng nararamdaman si Lucas sa babaeng iyon,” narinig kong sabi ni Nenina. Isa nga ito sa plano niya. “Hindi. Wala na akong katatakutan ngayon, at alam ko pagdating namin doon ay patuluyin niya ako sa condo niya. Doon ko sisimulan ang plano kong...mabuntis niya, Kuya. Para hindi na niya ako bibitawan pa. Na kahit may malalaman man siya ay hindi na niya iisipin na iwanan ako dahil sa mga katas na iyon ay dala-dala ko na ang magiging anak namin.”
Kaya mo bang abutin ang pangarap mo na magkaanak sa akin, Nenina? Dahil sisiguraduhin ko na walang mangyayari sa atin. Hindi ko hahayaan na makuha mo ako sa maling paraan. Hindi ako isang bagay lang at masyado mo na akong niloloko.
Bago pa man niya ako mapansin na nakikinig sa usapan nila ay umalis na ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto niya.
Kinuha ko ang cellphone ko na patagong ibinigay pa sa akin ni Hajiwei. I hit the keyboard.
“Babalik na kami sa Manila. Doon natin pag-usapan ang mga nakuha mong impormasyon, Hajiwei.” I sighed at tumunog naman ang ringtone ng phone ko. Sumagot sa mensahe ko si Hajiwei.
“Sige, may nalalaman na rin ako at alam ko na kung sinong doctor ang pinagkukuhanan nila ng gamot. Bago pa nila malaman ang tungkol dito ay pansamantala naming itatago ang doctor.”
“Thank you, Hajiwei. See you there.”
This is just the beginning... Nenina and Noej...