CHAPTER 12

2586 คำ
Chapter 12: Warning “KAILANGAN nating putulin ang kung ano mang koneksyon natin sa isa’t isa, Bythesea. Hindi sasama sa akin ang asawa ko kapag hindi mo ibibigay sa akin ang kalayaan ko at hindi ako babalik sa Manila, hindi rin ako sasama sa ‘yo kapag hindi mo ako pinagbigyan sa kondisyon ko. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya puwedeng iwan dito... Hindi ko kaya iyon...” Habang sinasabi niya iyon ay ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya sa boses at seryoso rin siya na hindi niya kayang iwan ng mag-isa rito si Nenina. Walang halong pagbibiro ang mga iyon. “Lucas...” sambit ko sa pangalan niya. Hindi niya alam... Hindi siya aware na habang sinasabi niya sa akin ang mga katagang iyan ay unti-unti akong nasasaktan at pakiramdam ko nga ay mawawalan na naman ako ng hangin sa dibdib dahil sa pagsilip nito. Ito naman ang gusto ko, ang sumama siya sa akin pabalik pero wala na nga siyang naaalala pa at ang isang bagay na lang na pinanghahawakan ko para hindi siya mawala sa akin ay gusto pa niyang putulin, alang-alang lang sa babaeng iyon? Para lamang may dahilan siya na bumalik at wala siyang maiiwan dito. “Iyon lang... That’s my only condition, Bythesea. Kung kaya mong ibigay iyon sa akin...ay hindi na ako magdadalawang isip pa na sumama na ako sa ‘yo sa Manila, and of course with my wife...” dagdag pang wika niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Lucas,” walang emosyon na sabi ko. Hindi rin naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Sabihin mo sa akin, Lucas. Siya ba? Siya ba ang nagsabi niyan sa ‘yo? Hahayaan ka niyang bumalik pero kasama siya at ang kapalit naman ng pagsama niya sa ‘yo ay ang utusan ka rin na tuluyang putulin ang relasyon natin. H-Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Lucas. Hindi mo alam na hindi lang ako ang maapektuhan sa pinili mong desisyon! Hindi lang ako...” mariin na pahayag ko. Sa mga mata niya ay nakikitaan ko na ng pagkalito. “Pero iyon lang ang paraan para bumalik ako.” “B-Babalik ka nga pero hindi na para sa akin,” malungkot na sabi ko at tumulo lang ang mga luha ko sa aking pisngi. Agad siyang tumayo pagkasabi ko no’n. Seryoso na nga siya sa desisyon na pinili niya at kapag sinang-ayunan ko ‘yon. Kapag sinunod ko ang gusto niya ay hindi ako... Hindi lang ako maaapektuhan nito, hindi lang ako ang masasaktan. Ang aming anak... Sina LZ at Daphne. Hahayaan ko na lang ba sila na lumalaki na hindi nila kasama ang daddy nila? Hahayaan ko na rin silang lumaki na galing sa broken family? Ang sakit lang sa parte ng pagkatao ko ang masasaktan din ang mga anak ko. Ni hindi ko nga sila kayang makita na nasasaktan. “Wala na akong magagawa pa, Bythesea. Hindi ko alam kung bakit pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa akin. Kahit sinabi ko naman sa ‘yo na si Nenina na ang mahal ko.” Sa sinabi niya ay parang gusto ko na lang tumawa nang malakas. O ano ba ang dapat kong i-react. Ang umiyak ba talaga o ang tumawa na lamang. Tumayo rin ako at tinitigan siya ng matiim. “Sa tingin mo? Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko sa ‘yo?” matapang na tanong ko at malamig lang talaga ang paraan nang pagtitig niya sa akin. “Maliban sa mahal kita, Lucas, kahit na sinasabi mo rin sa akin na hindi mo na nga ako mahal. May iba pa akong dahilan at alam ko. Kung susundin ko ang gusto niyo ni Nenina... Sila, sila ang mas maaapektuhan. Hindi ako. Kung hindi mo sila kayang panindigan ay ako... Ako, magagawa ko iyon ng walang tulong mo, na kahit wala ang presensiya mo. Kayang-kaya kong ibigay at hindi ko ipaparamdam sa kanila na may kulang, na nagkulang din ako. Tandaan mo ito, Lucas. Kung ipipilit mo rin ang gusto ng tinatawag mong asawa ngayon... May mawawala sa ‘yo, hindi ang yaman o isang bagay na kaya mo pa ring bilhin at ibalik. Dalawang mahahalagang buhay na kaya kong bawiin sa ‘yo ng hindi ako nagdadalawang isip,” mahabang saad ko saka ko siya tinalikuran. Nakalabas na ako sa bahay na iyon pero hindi man lang huminto ang pagbuhos ng mga luha ko. Sa pintuan pa lang ay muntik na akong mawalan nang balanse. Natigilan lang ako nang may humawak sa braso ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil ang lambot ng kamay niya. Dahan-dahan kong nilingon ang taong iyon at nang makita ko kung sino ay marahas kong binawi ang kamay ko mula sa kanya. Wala siyang karapatan na hawakan ako. “Huwag na huwag mo akong hahawakan,” malamig at mariin na sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at kahit nanlalambot ang mga tuhod ko ay nagawa kong tumayo at hinarap siya. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako dahil kapag nagkataon ay iisipin niyang nanalo siya. “Sino ka ba talaga?” “Ha? H-Hindi ba... Kilala mo na ako? Ako si Nenina, asawa ako ni Franco--” “Lucas! Lucas lang ang pangalan niya! Sige... pagbibigyan kita sa ngayon. Pero...asahan mong pansamantala lang ang mga ito. Kaya... lubos-lubusin mo na dahil ipinapangako ko sa sarili ko na babawiin ko mula sa ‘yo ang asawa ko. Dahil ikaw? Mananatiling kabit niya lang at ako lang ang may karapatan sa kanya.” Ang iniisip ko lang sa mga oras na iyon ay ang hindi sila pagbibigyan pero ang hindi ko inaasahan ay babalik nga siya na kahit wala na rin ang sariling desisyon ko ay isinama pa rin niya si Nenina, ayon pa rin sa gusto niya. “Bythesea!” Napaigtad ako sa malakas na boses ni Ate Civana at nagmamadali itong lumapit sa akin. “Bythe...” Wala ako sa mood na makipag-usap sa kahit na sino dahil ang puso ko ay ramdam ko ang pagkadurog nito. Parang nakawawalan na ng ganang mabuhay pero dahil sa mga anak ko ay kakayanin ko pa rin. “B-Bakit po, Ate? M-May kailangan po ba kayo?” mahinang tanong ko. “Kaya ba? K-Kaya ba nasabi mo sa amin noon ang mga iyon dahil...dahil totoo nga? Dahil totoo nga na may ibang asawa na si Lucas? Siya ba? S-Siya ba ang dahilan kung bakit palagi kang ganito, Bythesea?! Ipaglaban mo! Ipaglaban mo ang karapatan mo sa kapatid ko!” sigaw niya at may himig na galit pa sa boses niya. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako patayo. “Ate Civana...” “Hindi ako makakapayag na ang babaeng iyon ang aagaw sa Lucas natin. Hindi puwede! At ang magaling kong kapatid... Nagawa pa niyang patirahin sa condo niya! Galit na galit si Dad sa kanya! Muntik na ring atakehin sa puso si Mommy...” “Ang mabuti pa ay puntahan na natin,” suhestiyon ni Ate Marylyn. Umiling ako dahil ayokong makita si Nenina na nandoon nga sa condo ng asawa ko. Ayoko... Hindi mangyayari iyon. “Bythesea!” “W-Wala po... Wala pong naaalala si Lucas, Ate. Wala po siyang alam na may mga anak kami. Ni hindi po niya naaalala na ikinasal kami, Ate. Ni hindi niya naaalala si LZ at kapag nakita niya si Daphne... Baka...b-baka po ipagkaila niya rin na hindi niya ito anak... Masasaktan sila, Ate... M-Masasaktan ang mga anak ko... H-Hindi ko po iyon kaya...” “Dahil sa mga panahon na iyon ay wala siya! Sa mga panahon na iyon ay hinahanap pa natin siya dahil nawawala siya pero hindi ko siya hahayaan na mawala kayong mag-iina niya dahil lang sa babaeng iyon, na hindi naman natin kilala! Na hindi naman natin...alam kung ano ba ang motibo niya at ginawang asawa ang kapatid ko.” “A-Ate...” “Sumama ka sa amin, Bythesea. Sumama ka at palayasin mo ang babaeng iyon sa condo ng asawa mo.” Si Ate Marylyn naman ang inilingan ko. “H-Hindi ko magagawa iyon, Ate. Hindi po...” “Bakit? May karapatan ka sa kapatid ko, Bythesea! May karapatan kang palayasin ang babaeng iyon doon!” sigaw sa akin ni Ate Civana na halos pumutok na ang ugat niya sa noo at leeg dahil sa lakas ng boses niya. “M-Magagalit po sa akin si Lucas...” “Hindi. Ako ang makakalaban niya.” “Pero, Ate Civana... H-Huwag niyo na lamang pong sabihin muna sa asawa ko ang tungkol kina Daphne at LZ...” “Bakit?” “Ako na lang po... Ako na lang muna ang magsasabi sa kanya.” *** Nang nasa condominium na kami ay mas nabigla ako nang hindi ko na mabuksan ang unit niya. “What’s wrong, Bythe?” tanong sa akin ni Ate Marylyn. “H-Hindi ko na po mabubuksan... Nagpalit na po siya ng passcode ng condo niya, Ate,” sagot ko. “Ha? Grabe, agad-agad?! Nakapagpalit agad siya ng passcode kahit kadarating lamang nila rito sa Manila?!” “Ano? Ano ba ang passcode niya, Bythe?” “I-Iyon po... ang birthday ko, Ate,” sabi ko at nalungkot lang ako dahil wala na nga talaga siyang pakialam pa sa akin. Nagagawa na niyang palitan ang mga bagay na may kaugnayan sa akin. Napakadaling gawin iyon para sa kanya. Sa akin nga ay sobrang hirap na. “Mag-doorbell na lang tayo.” Kahit napindot na nila ang doorbell ay hindi pa rin sila tumigil, may panggigigil pa. Hangga’t hindi talaga bumubukas ang pintuan. Nanatiling nakasandal lang ako sa pader at nakapanghihina lang. Mahal mo na ba talaga siya, Lucas? Ganoon mo na ba siya kamahal para magawa mong palitan ang passcode mo sa unit mo? At ang bagay na iyon... Naaalala mo na baka birthday ko nga, tapos napalitan mo agad dahil alam mo... Alam mong pupunta pa rin ako rito. “S-Sino po sila?” Napalingon ako sa pinto nang marinig ko na ang boses ni Nenina. Ang inosente ng tinig niya, hindi mo aakalain na kaya niyang manakit sa kapwa. “Sino kami? Kami lang naman ang kapatid ng lalaking inaagaw mo!” sigaw ni Civana at hinayaan ko lang siya na pumasok sa loob, dahil sinugod na niya si Nenina. Nanatili akong nasa kinakatakutan ko kung hindi lang ako hinila papasok ni Ate Marylyn. “A-Aray... Tama na po... S-Sino ba kayo? B-Bakit...bakit po kayo nanggugulo?” tanong ni Nenina. Hindi lang siya mukhang natatakot dahil kitang-kita ko na iyon sa mukha niya. Nakarehistro ang takot at pagtataka roon. “Alam mong may amnesia ang kapatid ko pero nag-take advantage ka pa rin sa kanya! Baka idea mo ang pakasalan siya? O baka naman...pinaniwala mo lang siya na mag-asawa kayong dalawa! Malakas ang kutob ko na iyon ang ginawa mo!” nanggagalaiting asik ni Ate Civana at nagawa nga niyang sampalin ito nang malakas. Kaya nawalan nang balanse si Nenina, halos sumubsob siya sa sahig. Umiiyak na siya at nanginginig ang katawan niya. “W-Wala po akong ginagawang masama... M-Mahal ko po si Fran--Lucas. Mahal ko po siya at hindi ko po siya magagawang--” “Tumahimik ka! Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo! Hindi ko hahayaan na dadalhin mo ang pangalan ng pamilya namin! Wala kang karapatan para agawin si Lucas mula sa asawa niya!” “Ano ‘to, Ate?” Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Malamig pa sa yelo ang kanyang boses. “Aba, nandito na ang magaling kong kapatid! Timing ang dating mo, ha!” Nilingon ko si Lucas na kadarating lang yata dahil nagmula pa siya sa pintuan. “L-Lucas...” Nang makita niya ang sitwasyon ni Nenina ay agad niya itong dinaluhan. Magulo ang buhok nito dahil nga nagawa siyang sabunutan ni Ate Civana. Samantalang nanood lang si Ate Marylyn pero alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya na saktan ito. Mahigpit ngang nakakuyom ang kamao niya. “Nenina...” Nang yakapin niya ito ay humihikbi na nga ang babae. Nanatiling nakatingin lang din ako sa kanila. Mariin na kumikirot pa rin ang puso ko at wala na rin akong ginawa pa kung paano pakalmahin ang mabilis na pintig nito. “Paano mo nagagawa ito sa amin, Lucas? Lalong-lalo na kay Bythesea!” “What are you doing here, Ate? Bakit niyo ginugulo ang asawa ko?” galit na tanong niya. “Asawa mo?! Asawa mo ang babaeng ‘yan?! Si Bythesea lang ang asawa mo, Lucas! Siya lang!” asik ni Ate Civana at alam kong nagulat siya roon pero parang hindi rin naman niya pinahalata dahil umigting lang ang panga niya saka niya ako tiningnan na ganoon pa rin ang ekspresyon. Blangko at malamig. “Isinama mo pa rito si Ate Civana para lang sabihin iyon sa akin? Hindi pa ba maliwanag ang sinabi ko sa ‘yo noon, Bythesea? Na tapos na sa atin ang lahat at wala na... Wala na tayong ugnayan pa sa isa’t isa...” Hindi ako nakapagsalita dahil nakatitig lamang ako sa kanya. Parang hindi ko narinig ang mga sinabi niya dahil hindi kayang tanggapin ng buong sistema ko. “Lucas...” “Ate, umalis na lamang kayo rito. Huwag niyo nang subukan pang guluhin ulit si Nenina...” “Hindi, Lucas. Hindi ang babaeng ‘yan ang sisira ng pamilya mo. Hindi ko hahayaan... Kung si Bythesea ay may mawawala man at kung ikaw iyon? At kung ikaw man iyon ay walang-wala ang yaman mo, ang kompanya mo at ang buhay mo sa isang bagay...na mawawala rin sa ‘yo. Hindi baleng mawala kami sa ‘yo, si Dad at Mom. Huwag si Bythesea na siya lang din ang makakapag-decide na iwanan ka na nga ng tuluyan. Lucas... Buksan mo sana ang isip at mga mata mo... Dahil malakas ang kutob ko na pagsisisihan mo ang mga ginawa mong ito, habangbuhay hihingi ka ng kapatawaran kay Bythesea. Kung kami man na matatanggap ka, puwes hindi siya...” mahabang saad ng sister-in-law ko. Sa puntong iyan ay alam kong nagbabanta na rin siya. “Alalahanin mo ang sinabi ng ate mo, Lucas. Hindi kami susugod dito para lang sa wala. Hindi kami sumugod dito para ipaghiganti lang ang ginawa niyo kay Bythesea. Nandito kami... Nandito kami para ipaalala sa ‘yo na kapag hinayaan mo itong mangyari at kapag ipinagpatuloy mo pa rin. Maraming mawawala sa ‘yo na hindi mo kayang ibalik gamit lang ang pera o koneksyon mo. Nandito kami, nandito kami para protektahan ang mayroon ka at ipaalala sa ‘yo ang karapatan mo sa dalawang buhay na iniingatan ngayon ni Bythesea,” mahabang pahayag naman ni Ate Marylyn. Nag-iwas ako nang tingin kay Lucas dahil sa nakikita kong kaguluhan sa mukha niya. “Ang sabi nila... Nagkaroon ka raw ng amnesia. Kung may nakalimutan ka man na isang mahalagang alaala kasama si Bythesea, kapatid ko... Sana pati kami ay nakalimutan mo na rin. Sana wala ka na ring naaalala pa tungkol sa amin. Matatanggap pa rin namin pero kung kay Bythesea... Tara na... Babalikan namin ang babaeng iyan, Lucas. Hindi mo kami mapipigilan. Dahil hindi pa kami tapos.” Naunang lumabas si Ate Civana at sandali lang tumingin si Ate Marylyn kay Nenina. “Lucas... Tandaan mo ang sinabi namin sa ‘yo. Maraming mawawala sa ‘yo,” sabi pa nito at sumunod kay Ate Civana. Masakit sa mata ang makita silang ganito. Ang pinapatahan lang ng asawa ko ang ibang babae.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม