CHAPTER 11

2559 คำ
Chapter 11: Break up SA LIHIM na pag-iyak ko sa loob ng sasakyan ko ay siya namang pagpatak ng mga ulan sa labas. Halos hindi ko na namalayan pa dahil sa kayuyuko ko para lamang umiyak. Parang pati ang langit ay sinasamahan ako sa malungkot na kalagayan ko ngayon. Tila naiintindihan niya rin ako at gusto niya rin akong samahan. Pinunasan ko ang mga luha ko at nanlalabo pa rin ang mga mata ko dahil sa daming luha na bumuhos sa aking pisngi. Masakit pa rin sa dibdib, tila hinahati at nabubuhusan ng alcohol ang sugatan kong puso. Kumikirot at humahapdi siya. “L-Lucas...” Nakatulog naman ako nang hindi ko namamalayan. Nang magising ako ay nananakit ang leeg ko at mahapdi rin ang mga mata ko. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Halos wala na rin akong makita pa dahil sa unti-unti na siyang dumidilim. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest at humugot nang malalim na hininga. Napako naman ang tingin ko sa litrato ng mga anak ko. Sa kabila nang pinagdadaanan ko ngayon ay nagawa ko pa ring ngumiti nang masilayan ko ang magandang ngiti nilang dalawa. Mahal na mahal ko sila. Kaya gagawin ko pa rin ang makakaya ko pero kung hindi... Kailangan ko rin namang huminto pa... Huminto pa kung wala naman palang patutunguhan ang lahat. Ang pinaglalaban ko kung mauuwi lang pala sa wala at darating pa rin talaga ako sa puntong susukuan ko na ang lalaking mahal ko. Na susukuan ko na ang asawa ko... Kung saan man siya masaya...ay roon na rin ako. Wala na akong magagawa pa sa magiging desisyon niya. Ang importante lang sa akin...ay nagawa ko pa rin siyang ipaglaban kahit ako pa rin umuwi na luhaan. Basta...nagawa ko siyang ipaglaban. I started the engine. Kung ngayon ako uuwi sa Manila ay gagabihin na ako. Plus malakas pa rin talaga ang ulan. Babalik naman ako bukas. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko pa ang bahay nila. Mapait akong ngumiti. Babalik pa rin ako, Lucas... Babalik ako bukas dito... Sinuyod ko ang ulan para lamang makauwi at ang mga anak ko agad ang sumalubong sa akin pagdating ko sa mansion namin. “Mommy!” masayang tawag sa akin ni LZ. Hawak niya sa kamay ang nakababata niyang kapatid. Napawi rin ang pagod ko nang makita ko na sila. Parang sa kanila na lang talaga ako humuhugot nang lakas ng loob. Pero sa sitwasyon ngayon ng daddy nila ay hindi ko pa kakayanin na makita nila ito. Gayong wala namang naaalala pa si Lucas tungkol sa anak namin. Si LZ, hindi nga niya alam na anak niya ito. Kasi hindi naman siya nagtanong. Hindi siya nagtanong na kung nasaan na si LZ, na kung nasa maayos na kalagayan lamang ba ito o kung ano na ang nangyari. Kaya...ako lang ang masasaktan kapag nakita na nila ang kanilang ama. Mas mabuting itago ko muna ang tungkol sa kanila. Hindi ko kakayanin na sila ang nakikita kong nasasaktan. Lumuhod ako para pantayan sila. “Mimi...” masayang tawag sa akin ni Daphne. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at sa kaliwang banda ko naman si LZ. Mahigpit ko silang niyakap na dalawa. “L-Love na love kayo ni M-Mommy, LZ, Daphne...” sabi ko at pumiyok pa ang boses ko. Kung may mawawala man sa akin na isang mahalagang tao at kung si Lucas man ‘yon. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ang mga anak ko ang mawawala sa akin. Mas pipiliin ko pa rin ang asawa ko ang mawala at pakakawalan ko. Hindi sina Daphne at LZ, mahal na mahal ko silang dalawa. Umupo kami sa sofa at nakipagkuwentuhan ako sa kanila. Si Daphne kahit bulol-bulol pa siyang magsalita ay sinusubukan pa rin niya na makisabay sa amin. Pansamantala na nakalimutan ko ang inaalala ko ngayon. Ang bigat sa dibdib ko dahil sa mga anak ko. Sila ang buhay ko ngayon. Sila lang ang mayroon ako sa ngayon kaya hindi ko hahayaan na pati sila ay mawawala sa akin. *** Hindi ako agad nakabalik kinabukasan ay dahil bigla akong nilagnat. Si Clover ang nag-alaga sa akin. Balak sana akong alagaan ni Ate Civana pero naging abala siya sa work niya at akma pa siyang liliban pero mabilis na akong tumanggi. Nandito rin si Sander na kanina pa ako tahimik na pinapanood. Masyado siyang matalino na bata kaya alam ko na palihim na niya akong inoobserbahan. Mas matanda lang ako ng isang tao sa kanya pero parang naging kuya ko na rin siya. Overprotective siya sa mga nakababata naming kapatid na maging sa akin ay ganoon din. “B-Bakit g-ganyan ka makatingin sa akin, Sander?” nakangiting tanong ko sa kanya. Nanghihina pa rin ako kaya ang boses ko ganoon din naman. Nilagyan naman ni Clover ng maliit na basang bimpo ang noo ko. “Kilala po kita, Ate By. May problema ka po ba?” nag-aalalang tanong niya. Doctor siya at alam kong malalaman din niya ang dahilan na kung bakit ako nagkasakit ngayon. “W-Wala, Sander. W-Wala akong problema... H-Huwag kang masyadong mag-alala sa akin. S-Sina Ishie at Zynder ba? Bakit hindi niyo man sila isinama rito? Miss na miss ko na silang dalawa, eh,” sabi ko. “Busy po si Ishie ngayon, Ate. At si Zynler naman po ay ganoon din. Hindi rin naman namin sinabi sa kanila na dadalawin ka namin dito. Dahil kapag nalaman nila ay liliban sa mga klase ang mga ‘yon. Hindi iyon puwede, Ate By,” si Ishie naman ang sumagot sa akin. Napatango ako. Naiintindihan ko. Mahalaga sa kanila ang studies nila. “Ikaw ba, Clover? Hindi ka ba busy sa work mo ngayon?” tanong ko naman kay Clover. “Busy po pero mas mahalaga ka ngayon, Ate. Nang sinabi nga sa akin ni Kuya Sander na may sakit ka at kailangang may mag-aalaga sa ‘yo ay agad akong nagbihis at naghanda para lamang hindi ako iwanan ni kuya sa bahay,” mahabang kuwento pa niya sa akin. “H-Hindi ko naman talaga kailangan pa na may mag-aalaga sa akin. Ano ba kayo, naaabala ko na kayo masyado, eh,” ani ko at tiningnan ko ang nakababata kong kapatid na lalaki. Kanina pa talaga siya seryoso. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip niya? “Ate, ang katawan mo ay over fatigue na. Naka-leave ka naman daw po sa trabaho mo, ayon sa kuwento sa akin ng isa kong kakilala mo na co-teachers mo. Pero bakit nakikita ko na masyado mo ring kinakawawa ang sarili mo? Madalas kang nalilipasan ng gutom at palagi ka ring puyat. Hindi ka aware pero malaki na ang nabawas na timbang mo. Kaya bibigyan na lamang kita ng vitamins mo, Ate. Kailangan mo ‘yon para hindi mawala ang gana mong kumain,” mahabang pahayag naman niya at talaga namang ipinakita niya sa akin ngayon ang pagiging doctor niya. “Sige, dahil special patient mo ako ngayon ay makikinig ako sa ‘yo, doc,” sabi ko at bumuntonghininga lamang siya. “Ate, huwag mong gawin na biro ‘yan, please...” nagsusumamong sambit niya. Akala niya ay dinadaan ko na lamang talaga iyon sa biro. Hindi naman talaga ako nakikipagbiruan sa kapatid ko. Magiging masunurin ako ngayong dahil kailangan kong sundin ang gusto niya. Hindi ko titigilan si Lucas na pilitin siyang umuwi rito, eh. Kaya kailangan ko siyang madala rito sa madaling panahon. “Tama po si Kuya Sander, Ate. Seryosohin niyo po siya,” ani Ishie na ikinatawa ko nang mahina. “H-Hindi nga. I’m not joking, Sander. Makikinig ako sa ‘yo ngayon, promise. Next time kung babalik kayo rito ay isama niyo naman ang dalawang kapatid natin. Gusto kong makipagkuwentuhan sa kanila. Ang tagal na rin ng panahon na hindi tayo nabubuong magkakapatid, eh,” sabi ko. Totoo ang sinabi ko na bihira na lamang kaming nagsasama-sama talaga. “Ano na pala ang balita tungkol kay Kuya Lucas, Ate By?” tanong sa akin ni Clover. Natigilan naman ako sa tanong niyang ‘yon at napabuntong-hininga. “Clover, huwag mo munang kausapin si Ate tungkol sa asawa niya. Alam ko naman ang dahilan na kung bakit palagi siyang puyat at pagod. Hindi pa rin siya tumigil sa paghahanap kay Kuya Lucas. Isa iyan sa nakaka-stress sa kanya, eh,” ani Sander. Pero iba na ‘to. Dahil nahanap na nga namin si Lucas, nahihirapan lamang kami na ibalik siya rito dahil lang sa Neninang ‘yon. Sa dami ng tao na puwedeng magligtas sa kanya ay bakit pa sa babaeng iyon? Ayos sana kung naging lalaki na lamang siya. Iba rin kasi ang kutob ko sa kanya, eh. Masama, sobrang masama talaga. Hindi siya mapagkakatiwalaan. “Ate, paano kung...hindi pala nakaligtas si Kuya Lucas?” tanong sa akin ni Clover. Ligtas siya, Clover. “Clover...” “Nakaligtas siya,” saad ko. Nakaligtas nga siya at nasa piling na rin ng ibang babae. “Kaya ka palaging stress, Ate By,” ani naman sa akin ni Sander at ako naman ang dahilan kung bakit mukhang na-stress na rin siya sa akin. “Totoong nakaligtas ang Kuya Lucas niyo pero... Sander, tatanungin lamang kita. Posibleng bang... magkaroon ng amnesia ang isang tao? Mawawala ang alaala niya dahil lang sa barkong lumubog?” curious na tanong ko. Hindi ko naman pinagduduhan pa si Lucas. Totoong may nakalimutan nga siyang alaala niya at kasama na roon ang aming anak. Parang wala rin siyang idea tungkol kay LZ, eh. Tiyak ako na ang kasal din namin ang isang alaala niyang nakalimutan. “Lumubog na barko? Tapos nawala ang alaala niya ng dahil lang doon? Dalawang case lang naman ang dahilan niyan kung bakit ang isang tao ang nagkakaroon ng amnesia, Ate. Posible sa pagkalubog nga ng barko, puwedeng magbigay sa kanya ng trauma ang trahedyang iyon. Hindi lang sa paglubog, maaari sa maraming dahilan din. Kung may isang bagay rin ang katatakutan ng mga tao at ang pangalawa ay ang mababagok sa ano mang matigas na bagay ang ulo nito o mas malala pa ang mangyayari. Iyon ang mga dahilan, Ate. Bakit po naitanong mo?” Umiling na lamang ako dahil wala na akong maisasagot pa sa kapatid ko. “Kung nakaligtas nga ba si Kuya Lucas, Ate. Kung ganoon...nawala nga ang alaala niya?!” gulat na tanong niya. I nodded my head and I sighed again. “Totoong n-nahanap niyo na nga siya, Ate?” tanong naman sa akin ni Sander. “Yeah. Two weeks na pero...ako ang mas nahihirapan sa sitwasyon... Hindi niya ako naaalala bilang asawa niya at hindi niya rin alam kung sino si LZ sa buhay niya. Wala siyang idea...” malungkot na sabi ko. Nang sabihin ko iyon sa mga kapatid ko ay halos hindi na nila ako iwanan pa. Para lamang talaga samahan ako dahil naging mahina na naman ako. Umiyak pa rin ako sa harapan nilang dalawa. *** Nang gumaling na ako ay saka lang ako bumalik sa probinsyang iyon at nang mapagbuksan naman ako ni Lucas nang pinto ay nagulat pa siya nang makita ako. Akala ko ay pagtatabuyan na naman niya ako, katulad ng madalas niyang ginagawa sa akin. Sandali lamang siya tumitig sa mukha ko bago niya nilakihan ang siwang ng pinto. Senyales na papasukin na niya ako sa loob. “Pumasok ka,” he invited me. Natuwa naman ang puso ko, sabi ko na, eh. Hinanap kaya niya ako? Napansin niya kaya na tatlong araw rin akong nawala at hindi nagpakita sa kanya? Kaya ba...parang nabawasan ang pagsusungit niya sa akin ngayon? Ang mabigat na madilim niyang presensiya? Umupo ako sa maliit na sofa nila at hinanap ko si Nenina sa loob pero hindi ko siya makita. Nasaan kaya ang babaeng iyon? “Wala rito ang asawa ko,” sabi niya na ikinahinto ko. Ang pamilyar na kirot sa dibdib ko ay muling nagbalik. Kayang-kaya talaga akong saktan ni Lucas nang hindi niya mismo namamalayan. Asawa niya, samantalang ako lang ang asawa niya at wala ng iba... Paano ba kasi sila naging mag-asawa ni Nenina? Paanong nangyari ‘yon? Napatingin ako sa kamay niya, sa ring finger niya. Nasaan na ang wedding ring namin? Bakit nawala na iyon sa kanya? Tinanggal kaya iyon sa kanya habang nasa hospital pa siya? Kasi kailangan ngang alisin iyon para kung ooperahan siya ay magiging ligtas pa rin siya. “Lucas...” “Ang alam ko lang ay girlfriend kita at boyfriend mo ako. Kaya ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin. Kaya mo ako pinipilit na bumalik. Napagdesisyunan ko na, Bythesea,” sabi niya at hinintay ko ang sunod niyang sasabihin. Parang ang tanga ko dahil may ngiti na naman sa labi ko. Wala pa siyang sinasabi ay natutuwa na ako. “A-Ano ‘yon? Ano ang napagdesisyunan mo?” tanong ko sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa sa maririnig mula sa kanya. Baka ang napagdesisyunan nga niya ay ang sasama na siya sa akin pauwi. Kaya niya ako inayang pumasok sa bahay nila. Kaya siya mabait sa akin ngayon. “Sasama na ako pabalik sa ‘yo sa Manila. Kung ‘yan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita,” seryosong sabi niya at sa sobrang saya ay napahawak ako sa mga kamay niya. Walang halong pagbibiro iyon. “L-Lucas, tamang desisyon ‘yan,” naluluhang saad ko pero kumirot lang ang puso ko dahil binawi niya ang kamay sa akin at dumistansya pa siya. “Pero isasama ko pa rin ang asawa ko, Bythesea,” saad pa niya. Ayos lang sa akin. Ayos lang sa akin kung isasama niya si Nenina, basta uuwi siya. Basta ba ay babalik na siya. Iyon ang mas mahalaga sa akin. “Ayos lang iyon, Lucas. Ayos lang sa akin na isama mo si Nenina sa Manila. Walang problema sa akin. Basta umuwi ka lang. Iyon ang mahalaga sa akin, Lucas,” tumatangong sabi niya. “Pero sa isang kondisyon.” Agad akong sumang-ayon sa kanya kahit may kondisyon pa iyon. Hindi naman siguro masama. “Sige lang, sabihin mo sa akin, Lucas.” “Kailangan nating maghiwalay, Bythesea,” diretsong sabi niya na tila naging patalim iyon na sumaksak sa dibdib ko. “H-Ha?” Parang hindi kayang mag-process sa utak ko ang sinabi niya. Ano’ng... Bakit kailangan naming maghiwalay? “Lucas, a-ano ang i-ibig m-mong s-sabihin?” nauutal ko pang tanong sa kanya. “Kailangan nating putulin ang kung ano mang koneksyon natin sa isa’t isa, Bythesea. Hindi sasama sa akin ang asawa ko kapag hindi mo ibibigay sa akin ang kalayaan ko at hindi ako babalik sa Manila, hindi rin ako sasama sa ‘yo kapag hindi mo ako pinagbigyan sa kondisyon ko. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya puwedeng iwan dito... Hindi ko kaya iyon...” “Lucas...” Pumayag na ako. Pumayag na ako sa gusto niya na isama niya si Nenina pero...bakit ganoon naman ang kondisyon niya? Bakit gusto pa niyang makipaghiwalay sa akin? Ayos lang naman kung hindi niya ako maaalala bilang asawa niya, na kahit bilang girlfriend niya lang ay ayos na ayos na sa akin pero heto... Gusto niyang makipaghiwalay sa akin at mapuputol na nga ang ugnayan namin. Dahil lang sa kagustuhan ng babaeng iyon? Bakit iyon pa? Bakit iyon pa ang gusto niya? Bakit kailangan pa niya akong hiwalay? Sumasang-ayon na nga ako na isasama niya si Nenina pero...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม