CHAPTER 10

2369 คำ
Chapter 10: Selective amnesia “KUNG may kailangan ka sa amin, Bythe. Magsabi ka lamang, ha?” Tinanguan ko si Ate Civana. Isa ito talaga sa katangian na nagustuhan ko sa kanya. Masyado siyang maalalahanin. Alam ko naman na nag-aalala lang sila sa akin. Dahil nahahalata nila ang pagiging matamlay ko at pagiging malungkot ko rin. Pakiramdam ko nga ay durog na durog na naman ang puso ko. “Bythesea, basta tawagan mo kami ng Ate Civana mo, ha? Huwag kang magdalawang isip na lapitan kami. Tandaan mo na pamilya na tayo.” Si Ate Marylyn naman ang nagsalita. She treated me like her own little sister too. Nasa pintuan pa lamang sila nang may maisip naman akong tanungin. Kaya agad akong bumangon. “Sandali lamang po, Ate Civana,” tawag ko sa sister-in-law ko. Huminto naman silang dalawa at lumingon sa akin. “Bakit, Bythesea? May kailangan ka na?” tanong ni Ate Marylyn. Umiling naman ako. “May itatanong lamang po ako. Ate Civana, kapag po ba nahanap na natin si Lucas...” sabi ko at nabigla pa siya tanong ko. “Sige, sabihin mo lang sa amin, Bythesea.” “Mahahanap po natin siya na ligtas pero...may kinikilala na po siyang ibang... a-asawa?” tanong ko. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa nararamdaman na kirot sa dibdib. Nangyari na ‘yon kaya natural na masasaktan ako. Ilang taon kaming magkasama ni Lucas at naghiwalay lamang kami dahil sa nangyaring trahedya. Tapos nang makita na namin siya ay saka naman may kinikilala siyang ibang asawa. Ang hirap ngang paniwalaan kahit nakita pa rin iyon ng dalawang mata ko. O sadyang ayaw rin talagang tanggapin ng puso ko? “Ibang asawa? Ano’ng ibig mong sabihin doon, Bythe?” naguguluhan na tanong ni Ate Civana sa akin. I took a deep breath. “Na may iilan na mahahalagang bagay po siyang nakalimutan at nagpakasal po siya sa ibang babae... Na ngayon po ay asawa na niya... Ano po ba...ang gagawin niyo, Ate? Kung nangyari po ang bagay na iyon ay ano ang gagawin niyo?” tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ang sasabihin nila tungkol doon. Na kung may gagawin ba sila laban sa asawa ni Lucas ngayon. “Napakaimposible nang mga sinabi mo, Bythe,” umiiling na saad ni Ate Marylyn. “Kung mangyayari ‘yan ay hindi mo dapat hayaan. Hinding-hindi. Ikaw ang legal wife ni Lucas, ikaw lang ang dapat na kilalanin na asawa niya. Hindi dahil mahal ka niya o ano pa man. Ikaw, ikaw ang dinala niya sa harap ng altar at pinakasalan. Ikaw ang asawa niyang nakahestro sa marriage certificate niyo at kahit sabihin mo pa o mangyayari man na nagkaroon siya ng amnesia ay hindi siya puwedeng magkaroon ng ibang asawa, hindi dahil lumalabag siya sa rules kundi... Ikaw lang ang may karapatan kay Lucas, hindi ang ibang tao lang, Bythesea...” “Sang-ayon ako sa sinabi ni Mary, Bythesea. May ibang asawa man siya ngayon ay hindi namin tatanggapin ang babae. Walang mang-aagaw sa posisyon mo sa buhay ng kapatid ko. Hindi namin hahayaan na mangyayari ‘yan,” mariin na saad ni Ate Civana na tinanguan naman ni Ate Marylyn. “Magsasampa ako ng kaso laban sa babaeng iyon dahil hindi niya dapat i-take advantage ang sitwasyon ng kapatid ko. Hindi siya dapat magpakasal sa lalaking may amnesia dahil isipin naman niya... Paano kung may sarili na palang pamilya ito? Tapos...aagawin niya lang ang karapatan ng totoong pamilya nito? Hindi puwedeng mangyari ‘yon, Bythesea... Ako mismo ang gagawa ng paraan upang maghiwalay silang dalawa,” matapang na saad ni Ate Civana. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi lang ako, ang mga kaibigan namin ang against sa ginawa nina Lucas at Nenina. Pati sina Ate Civana at Ate Marylyn ay ayaw rin nilang mangyari iyon. Siguro, sapat na dahilan na iyon upang magtiwala ako na hindi mawawala sa akin si Lucas nang tuluyan. *** “HI,” bati ko sa aking asawa nang mapagbuksan niya ako ng pintuan. Kumunot agad ang kanyang noo at tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. “What are you doing here?” malamig na tanong niya sa akin. “Puwede bang...puwede ba kitang makausap, Lucas?” tanong ko. Pinagsiklop ko ang mga daliri ko. Nandito ako para kausapin ulit siya at hindi ako manggugulo sa kanila ni Nenina. Gusto ko lang siya makausap at susubukan na kumbinsihin siya na bumalik sa Manila. Sinabi ko naman, ‘di ba? Na hindi ako susuko. Hinding-hindi, dahil totoo ang sinabi ni Ate Marylyn. Ako ang may karapatan kay Lucas. “Bythesea, wala na tayong pag-uusapan, ‘di ba? Kung nandito ka ka dahil pipilitin mo na naman akong sumama sa ‘yo pabalik sa Manila ay tigilan mo na. Tigilan mo na ako. Dahil hindi ako sasama sa ‘yo at nagsasayang ka lamang nang oras mo,” malamig na saad pa niya at sa harapan ko mismo ay isinara niya ang pintuan nang may kalakasan. Napayuko ako at napatutop sa aking dibdib. Hindi ako sanay sa trato niya sa akin ngayon. Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon at nagkaganito na ang asawa ko? Ibang-iba na talaga siya sa Lucas na nakilala namin. Bumalik na lamang ako sa kotseng naka-park lang sa gilid at nang makita ang paglapit ko ay bumukas agad ang pintuan sa driver’s seat. “Ano’ng nangyari? Sinaktan ka na naman ba niya?” tanong sa akin ni Oriphyn, he’s worried again. Wala sana akong balak na isama siya dahil baka maubos na naman ang litid ng kanyang pasensiya pero matigas din naman ang ulo niya. Baka raw kasi may gawin na naman sa akin si Lucas. Inaasahan na raw niya iyon. “Hindi ako pinapasok,” malungkot na sagot ko. Bumaba siya mula sa sasakyan niya at hinarap ang bahay nina Lucas. Nasa magkabilang baywang niya ang kanyang mga kamay. “Malalaman lang talaga namin ang katotohanan ay ako ang magkakaladkad sa kanya pabalik sa Manila. Makikita niya,” wika niya. “Noong ikaw ba ang nawalan ng alaala, Oriphyn...” “Hmm? Ano iyon?” Ang alam ko ay nagkaroon din ng selective amnesia si Oriphyn dahil din sa isang car accident. “Hindi ba naaksidente ka rin dati? May amnesia ka noon,” sabi ko na ikinatango niya. “Yeah, tama ka. Selective amnesia iyon. Pero hindi ko alam kung pareho rin ang sitwasyon namin ni Lucas. Ang naalala ko lang noon ay ang naunang memorya ko. Nakalimutan ko mismo ang break up namin ni Esterly. Ang naaalala ko lang ay siya pa ang current girlfriend ko pero may iba na pala... Bukod sa kanya,” sabi niya at bumuntonghininga pa. “Sa tuwing naaalala ko na nakipaghiwalay ako noon sa asawa ko dahil lang sa...nawala ang pagmamahal ko sa kanya ay parang gusto kong saktan ang sarili ko pero dahil din sa kagustuhan ko noon... May isang tao rin akong nasaktan at siya ang babaeng ipinalit ko kay Esterly. Hindi ko lang siya kayang mahalin ulit... Dahil bumalik pa rin ang pagmamahal ko kay Esterly,” mahabang saad niya. Napangiti ako sa narinig kong kuwento niya. Kung hindi ba siya naaksidente noon? Kung hindi ba nawala ang alaala niya sa second girlfriend niya ay sila pa kaya ni Esterly ang magkakatuluyan? Na-curious ako sa mga nangyari sa kanya noon. “Totoo bang na fell out of love ka noon kay Esterly?” curious kong tanong sa kanya. “Hindi,” mabilis na sagot niya sa sinabayan pa nang pagtango. “Eh, paanong nangyari ‘yon? Bakit umabot kayo sa puntong naghiwalay?” namimilog ang mga matang tanong ko. “Sabihin na natin na mas nasapawan ito ng bagong bagay kaya... Naisantabi ang isa. Iyon lang,” makahulugang sagot niya. “Kaya pala... Ang layo-layo ng loob sa akin ng asawa ko noon. ‘Yong tipong kasama ko naman siya at siya lang din ang iniisip ko sa panahong iyon pero iba pala ang naiisip niya. Kaya pala nararamdaman ko rin na tila may isang mataas at matayog na pader ang nakaharang sa kanya para lapitan ko siya... Iniiwasan lang pala niya ang muling mahulog sa akin dahil alam niyang... masasaktan siya kapag bumalik na ang alaala ko... Naisip na niya ang posibleng mangyayari, na iiwan at ipagpapalit ko pa rin siya,” mahabang sambit pa niya. Nang mag-propose rin siya ay tinanggihan siya ni Esterly at doon sinabi sa kanya ang lahat. Na matagal na silang tapos at may iba siyang girlfriend. “Anyway... Nandiyan na si Lucas,” sabi niya at umayos sa pagkakatayo niya. Lumingon naman ako sa likuran ko at nakita na papalapit na siya sa kinaroroonan namin. “Lucas.” “Ano pa ba ang kailangan niyo sa akin? Sinabi ko na hindi ako babalik sa Manila.” Nasaktan lang ako sa sinabi niya. Bakit? Bakit ba ayaw niyang bumalik? Bakit ayaw niyang sumama sa amin pauwi? Dahil ba sa asawa niya kuno? Nag-aalala ba siya na baka maiwan dito ng mag-isa si Nenina? Iyon lang ba ang kinakatakutan niyang mangyari? Dahil kung iyon nga ang dahilan... Handa kong sabihin sa kanya na isama niya si Nenina sa Manila at hindi ako magiging kontrabida sa kanilang dalawa. Basta bumalik siya... Dahil may balak kaming ipatingin siya sa doctor. Para magamot na rin siya at malalaman namin kung ano rin talaga ang nangyari sa kanya na kung bakit may amnesia siya, may naaalala siya pero ang iilan ay wala rin. “Ano’ng klaseng asawa ba si Nenina para sa ‘yo, Lucas? Siguro ka ba na siya talaga ang asawa mo? Siya ba ang naaalala mong pinakasalan mo?” matapang na tanong ni Oriphyn at lumapit pa siya kay Lucas. Parang nanghahamon lang ng suntukan si Oriphyn kaya bago pa sila magkainitan ng ulo ay hinila ko na siya pulso niya. “Ori..” “Ano’ng ibig mong sabihin doon?” Halata man sa mga mata niya ang kaguluhan ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Ayaw niya talagang ipakita sa amin na confused siya sa sinabi ni Oriphyn sa kanya. “May naalala ka ba na siya ang dinala mo sa altar at pinangakuan na mamahalin habangbuhay?” nakangising tanong pa ni Ori at kitang-kita namin pareho ang pag-atras niya. Napahawak pa siya sa sentido niya at nag-alala naman ako sa kanya. “Lucas...” sambit ko sa kanyang pangalan at akmang lalapitan ko na sana siya nang hinila ako ni Oriphyn. Nabigla ako nang inakbayan ako nito. “Totoong tapos na kayo ni Bythesea, Lucas,” biglang sabi naman niya at tiningnan ko siya. “Oriphyn...” “She’s my girlfriend now,” sabi pa niya at matunog na ngumisi. Hindi nagbago ang reaction ng asawa ko pero mariin na ang titig niya sa amin. “Sa pagkakaalala ko... Si Esterly ang girlfriend mo, Oriphyn,” malamig na sabi niya at doon lang namin nalaman na totoong may amnesia nga siya. Hindi nga na isang biro lang ang amnesia thingy. Totoong may nakalimutan siyang mahahalagang bagay sa nakaraan bago pa man siya naaksidente. May nakalimutan nga siya...at ang naaalala lang talaga niya... “Lucas, pareho pala ang pinagdaanan natin noon. Hey, matagal na panahon na ang nakalipas. Ako at si Esterly...kasal na kami ngayon. Naaksidente rin ako noon, Lucas at may selective amnesia rin na katulad mo ngayon. Ang naaalala ko rin ang nakaraan na matagal na ring lumipas, hindi naman ang kasalukuyan. I’m a father now... Lahat ng kaibigan natin ay lumagay na sa tahimik na lugar. Hulaan mo naman kung ano ang nangyari sa inyo ni Bythesea? Naghiwalay na talaga kayo?” Hindi ko talaga mapigilan ang bibig ni Oriphyn. Sunod-sunod ang mga sinasabi niya kaya hindi talaga ako makakasabat pa sa kanilang dalawa. Ayaw magpaawat ni Ori, eh. Ginugulo niya lang ang isip ni Lucas. Tumingin naman sa akin si Lucas at may pagtataka na nga talaga sa paraan nang pagtitig niya sa akin. “Lucas...” “Kung hindi ka sasama sa amin ngayon ay wala kang malalaman, Lucas. Tandaan mo, wala kang maaalala rito tungkol sa nangyari. Alalahanin mo kung sino sa buhay mo si Bythesea.” Pero kahit ano pa ang sabihin ni Oriphyn ay hindi pa rin namin nakumbinsi si Lucas. Naging matigas din ang ulo niya at hindi nakinig sa amin. Kahit halata rin na gustong-gusto niyang magtanong ay hindi pa rin niya iyon ginawa. May pumipigil sa kanya. Nagpabalik-balik ako sa pagpunta at hindi ko siya tinigilan kaya may mga pagkakataon na sinasadya niya na huwag akong makita. Masakit sa parte ko ang makikita siya na may kasamang ibang babae at mukhang masaya pa siya piling nito. Ako, dalawa taon akong naghirap at may pinagdaanan pa ako habang wala siya. Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko na wala kaming idea kung nasa maayos na kalagayan ba siya o nakaligtas ba siya sa trahedyang iyon pero... Ganito lang pala ang eksena habang wala nga kami sa piling niya. Mas masaya siya sa iba. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at nagbabadya ang mga luha ko. Napatingin ako sa daliri ko na suot-suot ang wedding ring namin. Lucas... Nahanap ka na nga namin, nakita na nga kita pero... Parang hindi pa rin kita nahahanap. Parang nawawala ka pa rin. Miss na miss na kita... Miss na miss na... Idinikit ko ang noo ko sa braso ko na nakahawak sa manibela ng sasakyan ko. Ngayon ay mag-isa akong umalis. Ipinagpaliban ko ang trabaho ko. Humingi ako ng leave at magdadalawang linggo na nga ang ginagawa kong ito. Ngayon pa ba ako susuko sa kanya, eh nahanap na namin siya? Alam ko naman na babalik pa rin siya sa dati. Umaasa ako na babalik siya sa akin. “Lucas... Hindi lang ako... H-Hindi lang ako ang gusto kang makita noon... Si LZ... a-ang anak natin, Lucas... Gusto ka na niyang makita... Hinahanap ka niya p-palagi... Si Daphne... nagsisimula ka na rin niyang hanapin... P-Please, L-Lucas... Pilitin mo naman... P-Pilitin mong bumalik sa aming mag-iina...” humihikbing sambit ko at sobrang sikip na talaga ng dibdib ko. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko at hindi ko talaga lubos na matanggap... Bukod sa akin, bukod sa aming mga anak ay may iba na siyang pamilya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม