MATAGAL nang nakaalis si Carli pero tila ipinako pa rin si Cade sa kinatatayuan niya sa harap ng nakabukas na pinto ng library. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang umiiyak na mukha nito. Kahit noon ay parang nilalamutak ang sikmura niya kapag umiiyak ito. Mas gusto niyang nakikita itong tumatawa kagaya noong nasa bayan sila. Katulad noong bago pa lamang silang mag-asawa. Gusto niyang nakikita ang nakakahawang ngiti nito. Hindi ang pag-iyak nito. “That’s why I stopped crying many, many years ago. Even if it killed me not to cry. Dahil ayokong makadagdag pa iyon sa stress mo. Didn’t you notice?” Napansin niya iyon. Ngunit kagaya ng marami pang bagay mula nang itigil ng mga magulang niya ang pagtulong sa pag-aaral niya, hindi rin niya iyon pinagtuunan ng labis na atensiyon. Kahit nang hind

