“Hoy pangit gusto mo sumali?” tanong ni Shan. Tumalikod si Enan kaya lumapit ang kaklase niya. “Enan pala, Sali ka na, cops and robbers kasi kulang kami e” sabi ni Shan. “Sali ako?” tanong ni Enan. “Oo, tara na kulang kasi yung robbers” sabi ni Shan. “Sige” masayang sagot ni Enan. Nagtungo na sila sa kanilang mga kaklaseng nag aantay, bigla silang nagsigawan ng malakas at tumakbong palayo kay Enan. Ang batang lalake nagulat, nakita niya yung mga kaklase niyang tumatakbo palayo habang tinatawag siyang pangit. “Takbo! Ayan na si pangit” sigaw ni Shan sabay tumawa ng malakas. Naluluha na si Enan, nagsimangot na siya sabay naglakad nalang palayo. “Si pangit umiiyak o, wah pangit iyakin” sigaw ni Shan pero tinuloy lang ni Enan paglakad niya patungo sa kanilang classroom. Sa loob mag isa ni J

