Nakayuko ulo ni Enan pagkat wala siyang kakilala sa classroom. Nasa ikalawang baitang na siya, bago na ang kanilang adviser at wala din doon ang kanyang kaibigan na si Jessica. Pagsapit ng dismissal napansin ni Robert na malungkot ang kanyang anak kaya dinala niya ito sa isang fastfood restaurant. “Daddy kakain tayo?” tanong ng bata. “Shhhh secret natin ito anak” sabi ni Robert kaya paspas na bumaba ng kotse ang batang lalake. Habang kumakain pansin parin ang lungkot sa mukha ng batang lalake. “So how was school?” tanong ni Robert. “Wala si Jessica pero nakita ko siya sa school pero iba na yung classroom niya” sagot ng bata. “Anak ganyan talaga, madaming section kasi at opportunity mo narin yan para mas madami kang makikilalang kaibigan” sabi ni Robert. “May bago na siyang friends daddy

