Habang nagmamaneho si Cavell ay pasulyap-sulyap siya sa nobya. “It wasn’t so bad, was it?” aniya. Napalingon sa kanya ang dalaga mula sa pagkatitig nito sa tsinelas na nasa ibabaw ng dashboard. “Yeah…” Napangiti siya at kinuha ang kamay nito para ipatong sa kanyang hita. Pinagsalikop niya ang kanilang daliri at napatingin doon ang dalagang walang salitang namutawi sa labi. “How do you feel now?” “I don’t know. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero masaya ako. Magaan ‘yong pakiramdam ko kapag napapaisip na ako kay Dad,” pag-amin nito. “That’s good! So… may reward ba ako? Kasi kung hindi kita pinayuhan na pumunta sa dinner, baka hindi kayo magkaka-reconcile ng daddy mo.” Kumindat pa siya sa nobya. “Anong reward? Dapat ba may kabayaran ‘yon?” pagtataray nito. “Wala, bini

