“Hoy! Bakit magkatabi kayo?” Nambulahaw si Tavi sa magkatipan na magkayakap sa kama ni Djora isang umaga. Nakahiga nang patagilid, nakaunan si Djora sa bisig ni Cavell habang nakatagilid din ang lalaki paharap sa kanya at nakayakap sa kanyang baywang. Napabalikwas si Djora samantalang bahagyang napaungol ang binata. Agad na sumulyap siya sa wall clock at nakitang alas siyete pa iyon. “Ang aga mo naman dito, Tavi!” aniya sa kaibigan at inayos ang suot na night shirt pagkabangon ng kama. Tiningnan niya si Cavell na nakasuot pa rin ng pantalon at T-shirt nito. Kinapa nito ang hinigaan niya at saka tumihaya ito, nakitang nakatayo na siya. “Bakit nga magkatabi kayo?” tanong ni Tavi na daig pa ang ina niya kung makasita. “Tch! Huwag kang mag-aalala, mudra. Walang nangyari, okay? Gusto lang

