Tumango si Djora kay Cavell. “Pero huwag kang magseselos. Friendly lang siya,” sabi ng babae. He snorted. “That’s the first step. Being friendly. Hindi mo ba alam ‘yon, ha?” Sumimangot ang dalaga. “Wait lang. Lahat ba ng mga lalaki ay ganyan? Iisa lang talaga ang nasa isip kapag nakipagkaibigan sa isang babae, ha? What’s with the platonic love? Hindi ba talaga totoo ‘yon? Eh, ba’t may pangalan ‘yong klaseng pagkakaibigan na ganoon kung wala, ha?” pakli nito. Mukhang magdedebate pa sila sa lagay na ito. Bahagya siyang napapikit ng mga mata at binitiwan ang isang mabigat na hininga. “I’m telling you because he likes you, Djora! I know that you know it, too. Hindi ba?” Kumibit ito. “Yes. Sinabi na niya sa ‘kin. Admirer ko nga siya for a couple of years now. But I’m just being friendly w

