Dinala ni Cavell sa isang French restaurant si Djora para sa first dinner date nila. Napatunghay ito sa magandang ambience. Maaliwalas ang atmospera nito dahil sa puting mga ilaw na nasa itaas na bahagi ng puting dingding at kisame. Maliit lang ang lugar na tila naka-Y shape. Sa bawat dingding sa may dulo ay gawa sa salamin. Sa kaliwa ay natatanaw ang magandang hardin kaya doon sila pumuwesto. Inalalayan niya ang dalaga habang naglalakad sa malinis na tiled floor na puti. Nilampasan na nila ang V-shaped counter na may puting surface at berde naman ang kulay sa gilid na siyang paa nito. Sa likod na area nito ay ang kusina na may salaming pinto kaya nakikita ang mga nagtatrabaho sa loob at halatang malinis din doon sa kabila ng mga ingredients na nakapatong sa dalawang island tables. Kanya-

