Nakangiti si Djora nang pinagbuksan si Cavell ng pinto sa apartment nito. Pumasok ang binata at naamoy niya kaagad ang niluto ng babae. Ibinigay niya rito ang regalo niya at bulaklak. Unang beses niya pa lang ang makapasok doon kaya napatingin siya sa paligid. Medyo malaki naman iyon para sa babaeng nag-iisa lang na nakatira roon. Maaliwalas ang sala sa kanan na may sala set, center table, TV set at ilang kagamitan. Sa kaliwang bahagi ay ang kuwarto habang sa bandang unahan sa kanan niya isang division ng dingding kung saan sa palagay niya ay nandoon ang banyo at kusina. Hindi niya napansing may family picture ito ngunit may nag-iisang blown-up picture ng dalaga na nakasabit sa dingding, sa ibabaw ng TV, kung saan nakasuot lang ito ng pulang underwear at nanghahalina ang mga matang nakat

