Clarance POV
Papunta na kami sa bahay nila Maxine, ang hassle pala dito.
"Anak, sabi ko naman sayo e, dapat nag tricycle na lang tayo, napapagod ka tuloy." hindi kasi pwede ang kotse namin dahil, sobrang lubak dito, at makipot Lang ang daan.
"Ok lang mom" ayokong magtricycle dahil gusto kong makita ang kabuuan ng baranggay nila maxine.
Naglalakad kami sa gitna ng bukiran, napapagod na din ako pero kaya pa naman, kaya uminom muna ako ng tubig, maya maya lang ay nandito na kami sa bahay nila maxine.
Hindi ko inaaasahan na ganito ang bahay nila, dahil doon sa bandang kanto ay mga bato pa naman, tapos ang bahay nila maxine ay ang dingding ay kawayan lamang, tapos ang bubong nila sirasira na. Nakaramdam naman ako ng konsensya noong mga panahon na pinagtritripan ko po siya at nilalait. Narinig ko ang mga sinasabi nila aling selly at nakaramdam din sila ng awa.
"Madam, pasok po kayo,pagpasensyahan niyo po ang bahay namin."
"Huwag kang mag alala maxine, sanay na ako sa ganito, ganto rin kaya ang bahay namin dati!." Nakangiting tugon ni manang selly, at sinang ayunan naman nila ate Vida at angel.
"Kahit po ganito ang bahay namin,Isa lang po ang masasabi ko, saksi po ito sa mga pinagdadaanan namin, Saya,Lungkot, pagsubok saksi siya" sabi ni maxine habang tinitignan ang kabuuan ng bahay na ito.
Kung dati ay nasusura ako kay maxine, ngayon natutuwa ako dahil sobrang bait niya lalo na sa pamilya niya, tama siya kahit kapos ang pera nila hindi sila kinulang sa pagmamahal, nakaka-inggit sila,dahil ang problema ng isa ay problema ng lahat.
Nandito na kami sa ospital, at inaasikaso na ng mga doctor si mang marvin,at bukas na bukas daw ay ooperahan na si mang marvin. Nakita kong sobrang lungkot ni maxine Kaya nilapitan ko siya.
"M-maxine" at napatingin naman siya.
"Huwag kang malungkot, kakayanin ni mang persing yan, diba ikaw pa nagsabi na malakas si mang marvin."
"H-hindi ko alam kong bakit ganito ang nararamdaman ko, dahil alam ko naman na kakayanin ni tatay iyon!" naiiyak na sabi niya, kaya ang ginawa ko ay isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko.