Maxine's POV
Hindi ako pinayagan ni Madam Scarlett dahil wala daw mag aasikaso sa anak niya.
"Tsk,ang paano na iyon kailangan ako nila tatay.!"
*tok*tok*tok
Pagbukas ko ay na nagulat ako, dahil hindi ko naman inaasahan ang nasa harapan ko ngayon.
"S-sir ano pong kailangan niyo? M-madam?"
"Maxine, mag ready kana at uuwi na tayo sa inyo!" nakangiting tugon ni madam Scarlett habang si sir Clarance ay nakangiti lamang.
Ano uuwi KAMI? Naiintindihan ko naman na pinapayagan niya na ako na umuwi, pero na kasama sila?
"Tama ang sinabi ni mommy sasama kami na umuwi sa inyo." Nakangiting tugon ni sir Clarance, teka, nakangiti parang ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti, mas lalo siyang gwapong tignan pag nakangiti siya.
"May kakilala si mommy na doctor sa isang bayan, para mas mapadali ang operasyon ng tatay mo" pagpapatuloy niya.
"Yes, at ngayon ay mag impake kana at aalis na tayo" at iniwan kaming dalawa ni sir clarence, paalis na sana si sir clarance pero tinawag ko siya.
"S-sir,"
"Bakit?"
"Ahmmm salamat po!" at ningitian naman niya ako.
Nandito kami ngayon sa parking lot nila.
"Are you ready guys?"
"Yes ma'am!!" kasama din namin sila manang selly,ate Vida at Angel.
Masaya ako dahil kompleto kami at higit sa lahat makikita ko na ang tatay ko at pamilya ko. Dala dala ko ang mga gamit ko ng bigla may kumuha niyon at inilagay sa sa likod ng sasakyan. CLARANCE.
"Nay" nakauwi na kami at nandito na kami sa bahay, at sila Madam Scarlett ay nag check-in sa mini hotel sa kalapit bayan.
"Kamusta kana anak?"
"Ok lang po ako, ikaw po kamusta? Si tatay?"
Pagpasok ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako, hindi ko kaya na makita si tatay ng ganito.
Sanay ako na malakas siya,laging nakangiti, pero ngayon ibang iba siya. Sobrang payat niya, sobra siyang nanghihina.
"Nay, bakit hindi niyo pa dinala si tatay sa ospital, baka kung anong mangyari sa kaniya!"
"Anak, kahit anong pilit ang gawin namin ay hindi kami pinapayagan dahil wala daw tayong pangbayad, wala daw tayong pera!"
Gagawin ko ang lahat para gumaling si tatay, hindi ko kayang mawalan pa ako ng isang mahal sa buhay, nawalan na ako ng dalawa parang hindi ko na kaya pag may nawala pa ng isa.