Maxine's POV
Ilang araw na ang lumipas, ok na ang lahat si sir Clarance ay ganoon padin may magpaka masungit pero hindi niya na ako pinagtritripan.
"Maxine, may sulat na dumating sayo" nakangiting tugon ni madam Scarlett.
"Salamat po" nagpadala ng sulat sila nanay.
Bigla akong nanlumo ng nabasa ko ang sulat na ipinadala sa akin ni inay,
" Anak, may problema tayo ang tatay mo, may sakit kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon, anak pasensya na itinago namin sa iyo ito, halos magdadalawang buwan nang may sakit sa cancer ang tatay mo, anak humihingi kami ng tulong sa iyo".
Nanay Nena"
"Maxine, ok ka lang ba? May problema kaba?" pagtatanong sa akin ni Madam Scarlett.
"M-madam, pwede po ba ako mag leave ng kahit ilang araw lang po, madam sige na po." kailangan kong umuwi dahil kailangan nila ako doon.
"Bakit may problema ba?"
"Madam yung tatay ko po kasi, kailangan niya na daw maoperahan, kailangan po ako ng pamilya ko madam" pagmamakaawa ko dito.
"M-maxine pasensya na pero pagiisipan ko muna, kasi alam mo naman diba, may sakit yung anak ko hindi siya pwedeng mapagod, pasensya na maxine pagiisipan ko muna" at umalis na siya.
"M-madam"
CLARANCE POV
"Mom, narinig ko po yung paguusap niyo ni m-maxine"
"Bakit? May problema ba?" pagsagot nito habang nakatingin sa binabasa niyang papel.
"Pauwiin natin si maxine, kailangan siya ng pamilya niya" ng bigla siyang napatingin sa akin, at may sumilay na ngiti.
"At pwede din natin siyang tulungan, diba may kakilala kang doctor sa isang ospital sa probinsya? Ilapit natin ang tatay ni maxine" pagpapatuloy ko.
"Ahmmm maganda nga iyang naisip mo, pero kaya nga kita kinuha ng yaya diba kasi ayaw kong mapagod ka"
"Pero mom, mas may problema si maxine ngayon, pauwiin natin siya, tapos tulungan natin siya."
"Ok,ok, oo na, pauuwiin na natin siya, then tulungan natin siya!"
"Thanks Mom!" ng bigla ko siyang yakapin.
SCARLETT POV
Nagulat ako ng biglang may pumasok at mas lalo akong nagulat ng nakita Kong si Clarence pala iyon, dahil ni minsan ay hindi siya napasok ng opisina ko.
"Mom, narinig ko po yung paguusap niyo ni m-maxine"
"Bakit? may problema ba?" pagsagot ko habang may binabasa.
"Pauwiin natin si maxine, kailangan siya ng pamilya niya" kailan pa siya nagkapakielam sa paligid niya, kaya naman napatingin ako sa kaniya at pasimpleng napangiti.
"At pwede din natin siyang tulungan, diba may kakilala kang doctor sa isang ospital sa probinsya? Ilapit natin ang tatay ni maxine" nakakapagtaka lang, bakit ganito ang reaksiyon niya.
"Ahmmm maganda nga iyang naisip mo, pero kaya nga kita kinuha ng yaya diba kasi ayaw kong mapagod ka"
pagkukunwari ko na ayaw kong pumayag,
"Pero mom, mas may problema si maxine ngayon, pauwiin natin siya, tapos tulungan natin siya."
"Ok,ok, oo na, pauuwiin na natin siya, then tulungan natin siya!"
"Thanks Mom!" nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, ngayon lang uli ako niyakap ng ganito at ngayon ko lang siyang nakita ng ganito kasaya, hindi ko mapigilan na maging emosyonal dahil sa nararamdaman ko, thanks to kakay dahil mukang magbabago na ang anak ko at dahil sa kaniya ito.