Clarance POV
"Gusto kong makita yung bata na iyon," pagtutukoy ko sa babaeng bata na iyun.
"Ako naman, gusto kong makita ang lalaki na Bata na iyon, kasama ko siya noong panahon na hinahanap namin si kuya noon"
"Matanong ko lang kakay, asan ang kuya mo?" ng bigla siyang nagbaba ng tingin at kita sa mga mata niyang malungkot siya.
"H-hindi n-namin nahanap, ang sabi ng mga rescue noon ay posible daw na inanod na ang bangkay ng kuya ko."
"Nung sinabi ng mga rescuer na hindi na daw mahahanap ang bangkay ni kuya hindi namin kinaya lalo na si Lola, na siyang dahilan kaya inatake siya, sinisisi ko rin ang sarili ko noon dahil kung hindi ako nag pumilit na sumama ay hindi ako ililigtas ni kuya, kung hindi ako ililigtas ni kuya hindi siya mapapahamak at mawawala, at hindi din aatakihin sa puso si lola, naging mahirap sa akin na kalimutan ang lahat dahil hindi isa ang nawala sa akin kundi dalawa" pagtutuloy niya.
"Kaya ikaw, magbago kana! Wag ka nang magtanim ng galit sa daddy mo, huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Buti nga ikaw kompleto ka, mayaman ka, buo ang pamilya mo! Eh ako dakilang dukha lamang kami, Wala pa ang kuya at Lola ko, kaya simula nung araw na iyon itinatak sa isip ko na magiging mabuti ako sa Pamilya ko, babawi ako sa kanila pupunan ko ang pagmamahal ko sa kanila" pagkasabi niya noon ay tumayo na siya at tinalikuran ako.
"Ang sama ko na ba? Hindi ko iniisip ang nararamdaman ng iba, hindi ko alam na may mas pinagdadaanan pala siya ng mas mabigat sa akin."
Maxine's POV
Tinalikuran ko na siya dahil kahit ano mang oras magbabagsakan na ang mga luha ko, dahil sa tuwing naaalala ko ang mga nangyayari noon ay para bang kasalanan ko ang lahat.
Aaminin ko hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko, hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari noon.
Gustong gusto ko din makita ulit ang batang lalaki na iyon dahil isa siya sa mga nasandalan ko noong mga panahon na wala na akong pagasa, at higit sa lahat gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil isa siya sa mga nagligtas sa akin.
"Maxine!"
"Nash"
"Umiiyak ka ba?"
"A-ah ano wala ito" ngunit imbis na sumagot siya sa akin ay tinititigan niya lang ako.
"Alam mo maxine may na aalala ako, naaalala ko sa iyo yung batang babae na nakita ko sa-" naputol ang kaniyang sasabihin ng pumasok si Ma'am Clare Anne na may kasamang isang binatang ubod ng gwapo, bakit ganoon ang naramdaman ko, bakit biglang bilis ng t***k ng puso ko.
"Hi Nash! He's my boyfriend, Paulo" nakangiting tugon nito.
"Hi!" nakangiting pagbati nito.
Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko, para bang may kung ano akong nararamdaman na hindi ko, maintindihan.
"Excuse lang po" pagpapaalam ko sa kanila, ng pumunta ako sa kusina ay naramdaman ko na lang na may,
"L-luha" bakit ganoon ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag.
️