Maxine's POV
"Parehas lang pala tayo, pinipilit na kalimutan ang nakaraan"
•Flashback•
"Kuya sige na sama na ako!!" pagmamaktol ko sa kuya ko"
"Maxine hindi nga pwede,panget ang panahon!!"
"Sige na kuya!"
"Hayy! Sige na nga!"
"Maxine kumapit ka ng mabuti!"
Nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na siyang dahilan para magtaasan ang mga alon.
"Maxine, Maxine kumapit ka ng mabuti, kumapit ka ng mabuti kay kuya." sa hindi ko inaasahan ay nahulog ako.
"Kuya di ko na kaya! Kuyaaaa!" at naramdaman ko na may sumasagip sa akin.
"K-kuyaaa!"
"Sige na! Umakyat kana!" ng nakasakay na ulit ako ng bangka ay siya namang pagkawala ni kuya.
"K-kuya kuyaaaa! K-kuyaaa asan ka?"
"Uyyy bata gumising ka!"
"Asan ang kuya ko? Kuya! Kuya!"
"H-huh eh ikaw lang andito e"
"Kuyaaaaaa!!" asan na ang kuya ko.
"Tumahan kana,mahahanap parin natin yung kuya mo"
"Yaya,tulungan natin siya!"
"Nako po, iha ok ka lang ba? jussskooo anong nangyari sayo?"
"Y-yung kuya ko po, hanapin po natin yung kuya ko!" umiiyak na sabi ko dito.
3 DAYS LATER
"Pasensya na po hindi po talaga namin mahanap yung bangkay"
"Gawin mo niyo po lahat ng makakaya niyo,hanapin niyo po ang anak ko!" umiiyak na pakiusap ni nanay sa mga lalaki na ito.
"Bata,wag ka nang malungkot mahahanap pa natin yung kuya mo"
"Salamat sayo"
"Aalis na ako,luluwas na akong pa-maynila"
"G-ganun ibig sabihin di ka na babalik dito?"
"Babalik ako dito, pangako hahanapin Kita!" nakangiting tugon nito at sabay na ginulo ang buhok ko.
•End of Flashback•
"Dahil sa akin nawala ang kuya ko,dahil iniligtas niya ako"