Clarence POV
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni maxine,gusto kong humingi ng tawad sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
"M-maxine"
"S-sir may kailangan po kayo?"
"A-ano pwede tayo mag usap?"
Nandito kami ngayon sa garden, walang gumagawa ng ingay sa aming dalawa kaya ako na lang ang magsasalita.
"Maxine,sorry nga pala nung mga nakaraang araw"
"Bakit ba ganyan ka? Bakit ang sungit mo?"
"Nung nag 7 years old ako, simula noon inayawan ko na ang mundo, naiirita ako sa mga tao gusto ko magisa lang ako, gusto ko tahimik lang ang paligid ko ayoko sa mga mararaming tao" pagsagot ko sa mga tanong niya.
"Galit din ako sa mga probinsyana" ng bigla siyang napatingin sa akin at nag salubong ang mga kilay niya.
"B-bakit?"
•Flashback•
"Mommy! Mommy!" pagiyak ko, natatakot ako dahil sobrang dilim dito sa loob, ng biglang may nag bukas ng bintana na siyang dahilan kaya ako nasilaw.
"Ay,bakit ka umiiyak?" pagtatanong sa akin ng batang babae na ito, nang maaninag ko ang muka niya ay sobrang dumi ng muka niya.
"Sino ka?" pagtatanong ko dito pero hindi siya sumasagot dahil parang sinisipat niya ang kabuuan ng muka ko.
"Eh ikaw sino ka?"
"Ako si Clarence,ikaw?"
"Ako naman si-"
"HOY BUMABA KA DIYAN!!" ng biglang pagsigaw ng yaya ko sa bata na ito,
Kumaway pa siya sa akin bago niya isara ang bintana na siya namang pagdilim ulit nitong kwarto na ito.
Maya Maya lang ay bumukas na ang pinto at iniluwal nito ang Yaya ko.
"Tumayo ka na diyan, at isasauli na kita sa mga magulang mo!"
"Talaga Po?"
"Oo,binigyan ako ng malaking pera ng magulang mo! Ibinigay niya sa akin ang hinihinging presyo ko!"
•End of Flashback•
"Simula noon ay tumatak sa isip ko na mga mukang pera ang mga probinsyana, masasamang tao sila"