Chapter 12

315 คำ
Maxine's POV Hindi na ako pinapansin ni Sir Clarence,hindi niya na din ako inuutusan. Kaya nakatunganga lang ako ngayon sa favorite spot ko dito sa mansion,garden. Nang biglang may tumatawag sa akin, "Ikaw na naman po?, Nako po baka pagalitan na naman ako ni Sir Clarence niyan!" "Pasensya na tungkol doon sa nakaraan, pero pwede ka bang sumama muna sa akin saglit? Mag kape lang muna tayo diyan sa kanto" pag aaya nito. "Ay nako po, may trabaho po kasi ako na dapat tapusin,saka po baka hanapin ako ni Sir Clarence" pagtanggi ko dito. "Sige na iha, may importanteng sasabihin lang ako" "Miss pa order, anong gusto mo?" Sumama na rin ako dahil sa sobrang kakulitan nito,bahala na pero ngayon nandito kami sa coffee shop na sinasabi niya. "Bahala na po kayo" "Paorder ng 2 espresso 2 red velvet cake!" nakangiting tugon nito sa waitress na ito. "Matanong ko lang ho, sino po ba kayo? Anong koneksyon niyo po ba sa Pamilya Beunavista?" "Ako si Eduardo Beunavista, daddy ni Clarance" nagulat ako, kaya pala ganoon na lamang ang mga reaksyon nila nag makita nila. "Hindi ako naging mabuting ama at asawa iniwan ko sila nung panahon na nahihirapan sila, tinalikuran ko sila ng mga panahon na may pinagdadaan kami, naging duwag ako, naging mahina ako, hindi ko kayang nakikita yung anak ko na nahihirapan sa sakit niya,tapos nahihirapan pa siya sa mga paghihigpit ng mommy niya, naging duwag ako kaya tinalikuran ko sila, alam kong hindi dapat ako sumuko dapat nagpakatatag ako, pero iniwan ko sila, humihingi ako ng tulong sa iyo, sana matulungan mo ako" "A-anong t-tulong po ba?" "Tulungan mo akong mapalapit sa asawa at anak ko, tulungan mo akong makabawi sa iyo" "Sir,hindi ko po alam kung Kaya ko po ba iyang hinihinging tulong mo, pero sa abot lang po ng makakaya ko," "Salamat"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม