Maxine's POV
"Ano bang nangyayari dito?" pagsigaw ni madam Scarlett.
"Tss," at tinalikuran na kami ni Sir clarence.
"Maxine,kakausapin ko muna yung anak ko" at tanging pagtango lang ang isinagot ko.
"Ano bang ginawa mo?" biglang pagsabi ni Ma'am Clare Anne
"Ma'am Clare" ng bigla niya akong sampalin
"M-maam"
"Probinsyana, mga mukang pera! Mga manloloko! Alam mo naman diba na may sakit ang kapatid ko? Ano ginawa mo!" gigil na sabi sa akin ni Ma'am Clare Anne
"Wala po ma'am" at nagumpisa nang tumulo ang mga luha ko, na siya namang pagtalikod sa akin ni ma'am Clare Anne
Pumunta muna ako sa garden,at doon ko nilabas ang luha ko.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
"Ang ganda ganda mo tapos umiiyak ka lang?" pagharap ko,Sino to?
"Owww! Ms,Bus?" napangiti naman ako.
"Mr,bus! Ikaw pala!" ng bigla siyang tumabi sa akin
"Bakit ka umiiyak?"
"Wala ito"
"Dahil ba Kay Clarence? Bata pa lang kami ganyan na iyan,lagi siyang nagkukulong sa loob ng kwarto niya, tapos lagi naming naririnig na sinisisi niya ang sarili niya, ng dahil daw sa kanya ay nasira ang pamilya niya, hindi niya kami pinapansin lagi siyang may sariling mundo,hanggang dumating yung araw na lumabas siya sa loob ng kwarto niya dahil dumating ang daddy niya" pagkukuwento niya.
"Biglang may sumilay na ngiti sa kaniya,dahil nga nakita niya ang daddy niya,bigla niya itong tinanong kung babalik naba ito,pero biglang humupa ang ngiti nito ng sinabi ng daddy niya na kaya daw siya pumunta dito dahil, magpapaalam na nga daw dahil kahit kailanman ay hinding hindi na daw siya babalik dito,iyak siya ng iyak hanggang sa sumakay na ang daddy niya ng sasakyan hinabol pa rin niya ito,hanggang sa biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, at hanggang sa umalis na ang daddy niya andun parin siya,pilit siyang pinapapasok ng mommy niya dahil basang basang na ito pero lagi niyang sinasabi na, babalik pa ang daddy niya, simula yung araw na iyon ay wala na siyang pakielam sa nararamdaman ng ibang tao" nanatili parin akong walang kibo.
"Ang dami ko nang sinabi, ako nga pala si Nash Beunavista, pinsan ni Clarence!" Nakangiting saad nito.
"Zeanna Maxine Quirion, Maxine for short!"