MARIA DIANE COLE
“LEAVE them alone!” nanginginig ang boses na turan ko sa matandang lalaki nasa kabilang linya.
Humalakhak naman ito. “Oh, my daughter. I imagined your face now. Relax, okay. Walang masasaktan sa kanila kung susunod ka lang sa gusto ko.”
Huminga naman ako ng malalim. “Okay. Paalisin mo na ang mga alipores mo! Ako mismo ang pupunta d’yan sa lungga mo,” hindi ko na ito hinintay sumagot at binalik ko ang telepono sa armadong lalaki. At sumenyas naman ito sa mga kasamahan niya.
“Inaasahan ni bossing ang pangako mo,’ aniya sa akin at umalis na ang mga ito.
Tumingin naman ako sa mga bata. Nakikita ko sa mga mata nila ang matinding takot. Nagsalubong naman ang tingin namin ni Javier. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya.
“I-I’m so s-sorry,” tanging sambit ko lamang at nilapitan ang mga bata. “You're not safe here-.”
“Shut up! Dumating ka lang dito, lalong lumala ang sitwasyon!” sigaw naman ni Javier sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin. Nilapitan ko naman so Tres at kinalas ng tali rito. At ito na rin ang kumalas ng tali kay Bry at pati na rin kay Javier.
“Ako b talaga? Sa ating dalawa, ikaw ang target, Javier,” sabi ko sa binata at umalis na.
Agad-agad na nag-impaki na ako ng aking mga gamit. Paglabas ko ng silid, nakaabang naman si Gabrielle.
“A-ate,” mangiyak-ngiyak na sabi niya.
“Kung ayaw mo sumama, it's okay,” Turan ko rito.
“Ayoko po iwan ang mga bata. N-natatakot po ako…b-baka babalikan po ulit kami dito.”
Napabuntonghininga naman ako. “I'll make sure na hindi n sila babalik dito.”
Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Mag-ingat po kayo.”
Tinapik ko naman ang balikat ng dalaga at tumalikod na. Dumiretso naman ako s garahe at nilagay ang mga gamit ko sa sasakyan.
“D.”
Nasa likuran ko naman si Bry.
“Sino sila? At sino ba talaga ang pakay nila? Kami ba o ikaw?”
Humarap naman ako rito. “I don't know. Pero kailangan pa rin na maging handa kayo. Kung puwede ilisan niyo muna ang lugar na ito.”
Umigting naman ang panga nito. Tinanguan ko lang ito at pumasok na sa loob ng sasakyan. Palabas na ako ng gate nang napansin ko naman si Javier na nakatingin sa akin. Agad ko naman pinasibad ang kotse ko.
Pagdating na pagdating ko sa Manila, agad ako dumiretso sa bahay ng kapatid kong si Mary.
“It’s too late already. May nangyari ba?” nag-alalang tanong ni Mary. Agad naman niya pinaghanda ng hapunan. At hindi na rin ako tumanggi dahil sobrang gutom na rin ako.
“Diane? May problema ba?” Tanong ni Mary habang pinapanood akong kumakain.
“He's here now in Philippines,” tanging sagot ko lang rito.
“Ha? Sino?”
“My dad.”
Alam ni Mary ang buong pangyayari sa buhay ko. Noong namatay ang parents namin dahil sa isang m******e, kinuha ako at inalagaan ng isang Drug Lord. Pinag-aral sa ibang bansa at ipinasok sa isang organisasyon para mag-insayo. Unang kurso na kinuha ko ay ang pagpupulis para protektahan ang organization ni daddy. Noong bumukod ako ng ilang taon, sinunod ko naman ang gusto kong kurso, iyong ay ang pagmemedisina.
“G-God. Hina-hunting ka ba niya. We need to ask for help. Kay Damon! Or sa mga kaibigan mong pulis. Yeah, kay Ziandra!” tarantang sabi ni Mary.
“No. I can handle him. Ako lang naman kailangan niya,” mahinang sagot ko naman.
“Maria Diane! Hindi ordinaryong tao ang kalaban mo! They're dangerous! Hindi kayo magkadugo ng ama-amahan mo!”
Huminga naman ako ng malalim. “Do you think, ganoon lang niya ako maisahan? Kung lalaban siya ng patas, I will do so. Pero kung may masaktan isa sa mga mahal sa buhay ko, he will pay it.”
“Nakakainis ka talaga! Hindi ka marunong makinig sa akin! Anong silbi ang pagiging ate mo, kung hindi ka naman marunong makinig!” mangiyak-ngiyak na turan ni Mary.
Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Sa iyong asawa ka dapat magsermon ng ganyan. Kung mapapasunod mo si Demonyo, susunod din ako.”
Nakasimangot naman si Mary.
“Alis na ako. Mag-ingat kayo. Saka ingatan mo ang nasa sinapupunan mo,” Saad ko naman at sabay haplos sa maumbok niyang tiyan. Buntis ulit si Mary. Pang-lima na ito. Unang anak niya ay quadruplets.
“Oo naman. At babae na ito,” msayang sagot naman niya.
Napangiti naman ako at hinalikan ito sa noo. “I love you, ate,” sabay talikod ko naman.
Paglabas ko sa mansion nila Damon, bumungad agad sa akin ang kahina-hinalang sasakyan sa hindi kalayuan.
“Hindi ba sila napapagod kakasunod sa akin!” mahinang sabi ko naman at sumakay na rin sa sasakyan ko. Kampante pa ako sa ngayon na hindi ako sasaktan matandang iyon dahil may kailangan pa ito sa akin.
Pagdating ko sa condo, may nakaabang na sa akin.
“Pinapatawag ka ni Master,” aniya ng isang lalaki na naka-black mask.
“It's too late. Puwede ba ipa-bukas na lang?” sagot ko naman at akmang tatalikuran ito.
“Sa bawat hindi mo pagsunod sa mga utos niya ay may kaparusahan!”
Napatigil naman ako. Mabilis naman ako lumapit dito at walang sabi-sabing pinilipit ko ang leeg ng lalaki hanggang nawalan ito ng buhay. Nakanganga naman ang mga kasamahan niya.
“Dalhin niyo ang bangkay ng kasama niyo at ilagay sa mismong harapan ng matanda na iyon. At pakisabi, I'm not his pet!”