MARIA DIANE COLE
“WHAT? WHY?!” gulat at naguguluhan na tanong ni hepe sa akin. Hawak-hawak nito ang puting envelope na kung nakalagay ang resignation letter ko.
Huminga naman ako ng malalim. “Napagdesisyonan ko na lumipat sa ibang bansa, chief. At kayo na po bahala magsabi kay General.”
“Sergeant Cole, isa ka sa napakagaling na pulis sa departamento na ito. Sayang rin dahil balak na taasan ang ranggo mo.”
Pilit naman ako ngumiti. “Chief, mas mahalaga pa rin sa akin ang nais at gusto kong gawin sa buhay ko. Simula kasi na pumasok ako sa pagpupulis, nakalimutan ko na ang personal life ko.”
Malungkot naman na tumango si Hepe. “Good luck, Sergeant.”
Ngumiti naman ako at sumaludo rito. “Thank you, sir!”
Paglabas ko sa opisina, malungkot naman nakatingin ang mga kasamahan kong pulis.
“Serge!” tumayo pa silang lahat at sumaludo sa akin.
Mabigat sa loob ko ang desisyon na ito pero kailangan ko itong bitawan.
Paglabas ko ng presinto, isang ordinaryong babae na lang ako. Pero ang sarap sa pakiramdam na maging isang ordinaryong tao na lang. Iyong wala ka ng obligasyon sa bansa. Well, I missed my old self.
Bago ako umuwi sa condo ko, dumaan muna ko sa palengke. Bibili lang ako ng stock sa ref. Naninibago pa ako at hindi ako sanay mamalengke.
“Napakaganda mo, ineng,” nakangiting sabi naman ng tindera ng manok. Bumili kasi ako ng isang kilong to manok sa kanya.
“Salamat po,” nakangiting turan ko naman. Nakasuot lang ako ng simpleng t shirt at kupas na maong. At ang sapatos ko naman ay luma na rin ito. Kanina sa presinto, gulat na gulat ang mga kapulisan sa itsura ko.
“Mukhang mayaman ka,” ulit na sabi niya.
Tumawa naman ako ng mahina. “Ito po ang bayad ko at sa inyo na po ang sukli,” saad ko naman at kinuha na ang manok na nakabalot na ito sa plastic.
Habang naglalakad ako palabas ng palengke, halos nasa akin ang mata ng mga tao. I don't know why. Malapit na ako sa kotse ko nang humarang sa akin ang mga grupo ng kabataan.
“Palimos po!”
Napanganga na lang ako. Naalala ko kasi ang mga bata na inalagaan ni Javier. These kids need a home.
“Nasaan ang mga magulang niyo?” tanong ko naman.
“Wala na po. Ate, pahingi po kami ng pambili ng pagkain.”
Isa-isa ko naman silang tiningna. At isa sa napansin ko ay may tali ng itim ang kanilang kamay(pulsohan).
“Araw-araw ba kayo dito?” Tanong ko ulit.
“Opo.”
Parang mailap ang mga mata nila sa akin. Parang natatakot sa bawat salita at galaw nila. Kumuha naman ako ng pera at binigyan ko isa-isa.
“Mag-ingat kayo at bumili kayo ng pagkain,” Sabi ko na lang at pumunta na sa sasakyan ko.
Babalikan ko sila. Alam kong hawak-hawak ito ng mga sindikato. Puwede ko rin pakisuyuan sa mga kaibigan kong mga pulis. Sa ngayon, kailangan ko muna pagtuunan ang problema ko.
***************
“PASSWORD?”
“M.D,” tamad na sagot ko na lang.
Nandito ako ngayon sa underground kung saan hawak ng aking ama-amahan.
Ilang segundo lang ang hinintay ko at humarap ulit sa akin ang guwardiya.
“Get in!”
Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang mga armadong tauhan ni daddy. May nakasunpd rin sa aking likuran. Hanggang nakapasok kami sa loob ng mansion.
“Welcome back, my lovely daughter!” Malapad ang ngiti na bati ng isang matandang lalaki sa akin.
Nakatingin lang ako rito. Nakangisi na ito sa akin. Bantay-sarado talaga ito. Sa isang maling kilos lang, isang bala agad ang babaon sa ulo mo. Maraming bodyguard si daddy at mostly, highly trained assassin's ang mga ito.
“It's been awhile since I left here. Well, it's nice to see you again, dad.”
Pumalakpak pa ito at naglalakad ito ng dahan-dahan palapit sa akin.
“Yeah. And I missed you, my daughter. I'm glad that you're coming back to us.”
Alam ko ang laro niya.
“Thank you, dad. I missed this place. I missed to work you again,” nakangising sabi ko naman.
“Really? Nice to hear that from you. And by the way, how about your work?” tanong niya na nakataas ang dalawang kilay.
“I already quit. Gusto ko mag-focus sa misyon niyo na ibigay sa akin.”
Humalakhak naman ang matanda at sabay pumalakpak.
“Very good! Iyan ang gusto ko sa’yo. But for now, go to your room and rest. I'll call you later for dinner. Okay?”
Tumango naman ako. Akmang tatalikod na ako at bigla niya hinawakan ang aking kamay.
“Maghanda ka sa unang misyon mo, M.D. Unahin mo tanggalin sa landas natin ang magkakaibigang drug Lord na sina Salvacion, Coloner, Geller, Bright at si Smith!”
Diretso naman ang tingin ko sa mga mata niya. Umigting bahagya ang aking panga at sabay tango dito.
Nakangisi naman ang matanda at tinalikuran ko na ito.
Ang mga taong gusto niyang tanggalin sa landas niya ay napaka-imposible na patayin ito. At hindi-hindi basta na drug Lord lang, they're a Mafia's group. They are Dangerous and scariest association group!
Of course, I knew it. Matagal na akong nakasubaybay sa mga iyon. At isa sa mga protector nila ay mismong mga kaibigan ko at kaibigan din nila. Lalo na ang mga Geller. No one can touch them. Binansagan ng halos lahat ng mga kalaban nila sa negosyo na untouchable brothers ang magkapatid na Geller. They are powerful businessmen in the whole world.