MARIA DIANE COLE
MADILIM. Napakaingay. Maraming tao ngayon sa club dahil araw ng linggo. At kapag ganitong araw, dinadayo talaga ang lugar na ito. Nakatingin naman ako sa entablado. May mga babaeng nakahubad at sumasayaw para akitin ang mga nanunuod.
“Drinks?” Alok naman ng lalaking nasa tabi ko.
Nginitian ko ito at sabay yaas ng baso ko na may laman pa itong alak. “No, thanks,” sabay sabi ko naman at tumayo. Habang naglalakad papuntang entablado, malikot ang aking mga mata na nakamasid sa paligid. Tumigil naman ako sa isang lamesa, kung saan maraming lalaking nag-uumpukan. Halatang may tama na rin ang mga ito.
“Miss.” Kinulbit naman ako ng lalaki habang inaabot sa akin ang isang boteng beer.
Walang sabi-sabing kinuha ko naman ito at diretsong nilagok ito. Nakatingin naman ang mga ito sa akin at nakangisi. Nandito ang target ko ngayong gabi. Ilang gabi na pabalik-balik ako sa club na ito, ngayon ko lang natyempuhan.
“More?” tumayo naman ang isa pang kasamahan ng mga ito at inabot sa akin ang basong may lamang wine. Pa simple na may nilagay na tableta sa wine.
“Thanks,” nakangising sabi ko naman at kinuha ang baso. Naghihintay ang mga ito na inumin ko ito.
“Drink it,” madiin na utos niya sa akin.
Mahina naman ako napatawa. Lumapit lalo ako rito at sabay abot sa kanya ang baso. “You first.”
Pasimple naman ako nakatingin sa aking relo. May sampung minuto pa ako.
“No, Lady. That's for you,” aniya sabay himas sa aking braso. Naka-black sando ako at lantad ang sobrang kinis at napakaputing braso ko.
“No, thanks.” sagot ko naman at ibinaba ang baso sa mesa nila. Akmang tatalikod na ako nang may humablot sa aking braso.
“Stay,” diin na lalaking umalok sa akin ng alak.
Huminga ako ng malalim. At hinawakan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Mahigpit ko ito hinawakan at pinisil hanggang namilipit ito sa sakit.
“Oh f**k! Damn!” Sigaw niya at hinila ang kamay.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at tinalikuran. Lumabas ako sa club at dali-daling pumunta sa parking lot. Mabilis akong pumasok sa sasakyan at ngbihis. Sinuot ko na rin ang black mask ko at kinuha ang baril. Agad din ako bumalik sa club at nilapitan ang target.
“Mr. Del Frey,” Sambit ko naman sa lalaking nakatalikod at may kalampungan na babae.
“What?!” Singhal niya at humarap ito sa akin.
“Maniningil ako ng utang,” sabay sagot ko naman at walang pakundangang binaril ito sa ulo. Isang bala, pero siguradong hindi na ito mabubuhay. Nakahandusay na ito sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Nagkagulo na rin ang mga tao. Nagsisigawan at nagtatakbuhan palabas. Pero bago ako lumabas, dumaan muna ako sa lamesa ng mga kalalakihan kanina na nakabangga ko.
“Hey,” nakangising sabi ko naman. Tinutukan ko naman ng baril ang lalaking nambastos sa akin at binaril ito. The same thing what I did to Mr. Del Frey. I killed him too.
Parang wala lang na lumabas ako sa club. Tinanggal ko naman ang maskara ko pagdating s parking lot. Pagkapasok ko sa kotse ko, agad ko na ito pinaharurot ng mabilis. Dumiretso na ako sa condo ko at doon magpalipas ng gabi.
Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na tunog galing sa aking cellphone. Pangalan agad ni daddy ang bumungad sa akin. Tamad ko naman kinuha ang cellphone ko at sinagot.
“Dad.”
“Bakit si Del Frey ang pinatay mo?!” galit n saad niya.
Napapikit na lang ako. “He's a traitor. And sagabal rin siya sa mga negosyo mo.”
“Dammit, MD! He's only a small businessman! Paano siya naging sagabal! Ang gusto ko na patumbahin mo ay mga Geller, Salvacion at Coloner! They're big-time businessmen! Mga malalaking negosyante sa business world!”
Napabuga naman ako ng hangin. “Give me more time, dad. Hindi madali ang trabaho kong ito,” diin na sagot ko naman.
Humalakhak naman ito. “Always! Okay, take your time, anak. Huwag mo ako biguin!” Aniya at nawala na ito sa kabilang linya.
Fuck!
Si Mr. Del Frey ay isang big-time businessman din ito. Kilala ito sa napakarami niyang negosyo sa loob at labas ng bansa. Kaya nagagalit ang matandang ito dahil naging kasosyo nito si Mr. Del Frey. Napailing naman ako at napangisi. Hindi ang kalaban ang unang papatayin ko, kundi ang mga kasosyo!
Napainat naman ako at tumayo na. Another day, another mission again.
Nakatingin ulit ako sa cellphone ko. May tumatawag na naman. Hindi si Daddy, kundi si Javier.
“Yes, Javier?”
“You killed one of my men,” aniya.
Nakakunot naman ang noo ko. “What?”
“Last night. At the club!”
“Wait. Anong club?” tanong ko rito.
“Huwag kang magmaang-maangan, D!”
“Kailangan ko ng proof, okay. At-..”
Napanganga na lang ako dahil pinatay na niya ito ang tawag.
Iyong mga lalaki kagabi na iyon ay tauhan ni Javier? Hindi ko naman alam at mukhang mga mayaman ang mga itsura.