THE PLAYER 20

748 คำ
JAVIER SOBRANG palaisipan sa akin ang mga nalalaman ko sa pagkatao nila Mary at Maria Diane. Alam kong hindi nagsisinungaling si Kuya Daryo. Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Pagkagaling ko kanina sa bahay ni Kuya Daryo, dumiretso muna ako sa condo ko. Pero hindi talaga ako mapakali. Kailangan ko makausap si Damon. Nagpalit lang ako ng damit at pinuntahan si Damon sa opisina niya. Pagdating ko sa opisina ni Coloner, nadatnan ko naman ito na kausap si Kier Harrison. “Hey, bro,” bati naman ni Harrison. “Hindi na rin ako magtatagal. Bonding din tayo sometimes.” Tinapik ko naman ito sa braso. “Sure. Pakisabi kay Sheena, single pa rin ako.” Tumawa naman ang gago at pabiro akong sinuntok. Muntik na rin kasi kami i-arrange marriage ni Sheena. Pero matinik din itong si Harrison, binakuran ng mahigpit si Sheena na asawa naa niya ngayon. Pagkaalis ni Kier, nag-usap naman kami ni Damon. “Galing na ako kay Daryo Guzman. Bro, may alam ka pa ba tungkol sa asawa mo?” “Ang alam ko, she's adopted. The same with D. At wala naman natandaan si Mary noong bata siya. Iyong mag-asawang Fernando ang nakagisnan niyang mga magulang.” “Damon, may isa pa silang kapatid na nawawala! Noong araw na minasaccre ang pamilya nila, kinuha si D sa kampo ni Mr. Cole, samantala si Mary napapunta sa mag-asawang Fernando. Ang nawawala pang kapatid nila, nasaan siya?” “Kailangan muna natin i-confirm kung buhay o patay pa ang kapatid nila. Ako mismo magpa-imbestiga,” Turan naman ni Damon. “We need to ensure the safety of Kuya Daryo and his family. May alam pa siya na hindi sinasabi sa akin.” “Of course. Marami tayong tauhan, bro. We can use our connections. And about Mr.Cole, I know Maria Diane can handle him,” sagot naman ni Coloner. That f*****g old man! May araw din yan sa amin. Pero may dapat pa kaming aayusin at may banta sa buhay ko. Ang sumugod sa amin doon sa farm ni Bry, hindi pa kumpirmado kung ang matandang Cole nga ang nag-utos sa mga armado na iyon. Hindi na rin ako nagtagal sa opisina ni Damon. Nagpaalam na rin ako at dumaan rin ako sa opisina. “Omg, Sir Javier! Mabuti naman pumasok ka. Ang daming investor ang pumunta dito at hinahanap ka. Marami-rami na rin kayong dapat permahan,” bungad agad ng aking sekretarya. Napahilot na lang ako sa aking batok. “Marami pa akong problemang hinaharap. Cancel all the investors. And please prepare all the papers that I need to sign.” “Sayang naman po kung i-cancel ang mga investors. Ang gwapo pa naman iyong si Mr. Collin. Pabalik-balik dito sa kompanya mo at panay rin ang tawag.” “I don't care. Gawin mo na lang ang pinapagawa ko, okay?” “Okay, sir. Hindi naman ako malulugi, kundi kayo naman. Basta sahuran niyo na lang ako ng maayos, goods na ako,” aniya na tumalikod na ito. Napailing na lang ako sa inaakto ng sekretarya ko. Matagal na ito nagtatrabaho sa akin. Sobrang maasahan ito sa lahat at mapagkakatiwalaan. For now, hindi ko pa naman kailangan ng investor. Kumikita pa rin naman ako ng milyones buwan-buwan. “Ito na po ang pirmahan niyo and Sir Javier, ang bonus ko this month nakalimutan niyo.” “Okay, ipasok ko na lang sa bank account mo. And Kaylee, you can have your vacation too.” “Sure ka? Baka pagbalik ko, wala na akong trabaho dito or baka palitan mo ako. Almost 10 years rin ako dito.” “Puwede ka magbakasyon. Kung ayaw mo, it's okay. I will increase your salary.” “Pag-iisipan ko pa, sir. Ahm..sir, may babaeng naghahanap sa Inyo. Naka-s*x mo daw iyon eh.” Nanlaki naman ang mga mata ko. “R-Really? Who's she?” “Lovely ang pangalan niya. Nagagalit sa akin kasi nga hindi kita maituro kung nasaan ka. Sadyang hindi ko naman alam kung saang lupalop ka!” Napabuga na lang ako ng hangin. “Wala akong natandaang Lovely. Sige na, iwanan mo na ako.” Napakamot na lang ito ng ulo. “May amnesia ka palagi kapag may babae pumupunta dito,” aniya at tumalikod na ito.” “Kaylee?!” Agad naman bumalik ito sa akin. “Yes, sir?” “Iyong sinasabi mong mga investors, akin na ang mga informations nila.” Ngumiti naman ang dalaga. “Right away, sir!”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม