THE PLAYER 19

1141 คำ
JAVIER “THEY are safe here. Ayusin mo muna ang problema mo at saka mo sila balikan.” “Salamat, dad. Alam ko na ligtas ang mga bata sa inyo.” Wala akong choice kundi iwanan Kay daddy muna ang mga bata. Alam ko na mas ligtas sila sa powder ni daddy kaysa sa akin. Wala pa akong nakuhang impormasyon sa mga armadong lumusob sa bahay ni Bry. “Mag-ingat ka. Hindi basta-basta ang mga taong lumusob sa inyo. At ni hindi niyo pa alam kung sino sa inyo ang pakay nila,” Saad naman ni dad. “Dad, may alam ba kayo tungkol kay D? Maria Diane Cole. Kapatid niya si Mary, asawa ni Damon.” “Anyways, they're not the same surname, right?” tanong ni Daddy. Tumango naman ako. “Yes. Fernando si Mary. At Cole naman si D. Pero magkapatid sila in real life. It's a long story. Both they're adopted daughters.” “I don't know her personally. She's your girl?” Kahit pala si daddy interesado na rin sa personal life ko. “No, dad. I mean, not yet. I like her, medyo mailap lang ang babaeng iyon.” Tinapik naman ni daddy ang balikat ko. “Makukuha mo rin siya balang araw.” Napangiti na lang ako. Agad din ako nagpaalam at umalis na. Ilang araw din na wala pa akong maayos na tulog dahil nag-alala pa rin ako sa kaligtasan ng mga bata. Pagdating ko sa dito sa Manila, agad naman ako tinawagan ni Jenny at binalita ang pagbitiw ni D sa serbisyo. Last night, nagulat naman ako sa balita ni Bea na patay ang isa sa mga tauhan ko sa isang kilalang club. And sinabi sa akin ni Bea na si D mismo ang pumatay rito. I called her, Pero nagmamaang-maangan pa rin. Hindi naman ako galit sa ginawa niya, dahil sinabi ni Bea sa akin na binastos si D ng tao ko. I called her only to hear her voice. That night nandoon din pala si Bea at ang misyon din pala nito si Mr. Del Frey ay ito rin pala ang target ni D. I want to see her badly. Marami pa akong dapat malaman. Dammit! Nababaliw na ako sa babaeng iyon. Pauwi na ako sa condo nang tumawag naman si Dos. Dumaan daw muna ako sa mansion nila Damon. Nandoon daw sila at ako na lang ang hinihintay nila. Pagdating ko sa mansion, bumungad agad sa akin ang Quadruplets na naglalaro sa Garden. Panay naman ang habol ng kanilang yaya. Binati na rin ako ni Mary. “Bro, saan ka galing?” Tanong naman ni Geo. “Kay daddy. Anong meron?” tanong ko naman. “Naki-breakfast lang,” natatawang sagot naman ni Tres. Tamang-tama naman na naghahain na ng mga katulong. Umupo na ako. Naramdaman ko naman ang pananakit ng buong katawan ko. “Oh. She's here,” nakangising sabi naman ni Drake. Napatingin naman ako sa babaeng kasama ni Mary naglalakad palapit sa amin. Napailing na lang ako dahil napatulala ako ng konti. But I really missed her! Ang ganda-ganda niya lalo sa paningin ko. Umupo ito sa tabi ni Geo. At ang gagong Geo parang sinasadya pa ipakita sa akin ang paglagay ng pagkain sa plato ni D. “How are you, D?” tanong naman ni Dos. Nakikinig na lang ako habang kumakain. Naiinis pa ako kasi parang hindi niya ako nakikita. Ni hindi man lang niya ako sinusulyapan. Hanggang umabot na nagbibiruan na kami at nagwalk out na ito. Nagtatawanan naman ang mga kaibigan ko. “Bro, she's playing with us,” aniya naman ni Drake. “Matalino at tuso si D. Pero hindi yan basta hahakbang kung wala pa siyang plano. Pero isa lang ang masasabi ko, we're safe with her,” aniya naman ni Geller. “We need to trust her. Kahit kaduda-duda minsan ang galaw niya, may tiwala pa rin ako kay D. Alam ko na hindi niya ilalaglag ang grupo at ang samahan na ito,” aniya naman ni Geo. Huminga naman ako ng malalim. “Damon, Bro. Puwede ko malaman ang tunay na pagkatao nila Mary at D?” Malalim naman ang tingin ni Damon sa akin. “Please,” pakiusap ko rito. “Okay. Maging asawa mo rin siya balang araw, di ba?” Nakangisi na si Coloner sa akin. “Let's see,” tanging sagot ko na lang. “Anyway, this old man can help you. Daryo Guzman. I'll give you the address where he lives.” Tumango naman ako. After namin kumain ng almusal, kanya-kanya na rin kaming umalis. Hindi ko na rin napansin si D, umalis na daw ito sabi ni Mary. Hindi na rin ako nag-aaksaya ng panahon. Pinuntahan ko na agad-agad si Daryo Guzman. Medyo malayo pa ang lugar ni Daryo. Napadali lang din ang paghanap ko sa bahay niya dahil mismong kapatid niya din pala ang napagtanungan ko. Hinatid pa ako hanggang sa bahay ni Daryo. “Daryo Guzman?” Tanong ko sa may edad na lalaki. “Ako nga PO, sir. May kailangan ba kayo? Pasok muna kayo sa loob. Ipaghanda na rin kita ng kape,” aniya na hindi ko naman tinanggihan. “Kuya Daryo. I'm Javier Salvacion,” pagpakilala ko naman rito. “S-Salvacion? Anong pangalan ng magulang mo? Ang tatay mo?” parang nagulat pa ito pagkarinig sa apelyido ko. “Ahmm..Caden Salvacion, he's my dad.” “C-Caden Salvacion?!’ “Yes. Why?” “U-Umalis na kayo, sir. Wala akong alam kung may itatanong sa akin.” “Wait. The way you spoke, mas may marami ka pang nalalaman kaysa sa akin.” “W-Wala. Please lang. Gusto pa mabuhay. Ayoko na pati pamilya ko madadamay pa sa gulo niyo.” “Mang Daryo, ang pakay ko sa inyo ay tungkol kay Maria Diane Cole.” Lalo pa ito nagulat nang sinambit ko ang pangalan ni D. “Si Ma'am MD?” “MD or D, yes. May nagsabi sa akin na ikaw ang may alam sa buong pagkatao niya. At ng kapatid niyang babae.” “B-Buhay ang kapatid niya? Buhay ang dalawa niyang kapatid?!” “Dalawa? What? May isa pang kapatid sina Mary at D?!” “Umalis ka na dito, sir! Umalis na kayo!” “s**t! Sabihin niyo sa akin ang totoo! Or else, ako mismo ang makakalaban niyo!” Galit naman na turan ko sa matanda. Nakita ko naman ang takot sa mukha niya. “S-Sir, tatlo silang magkakapatid. Pero si Ma'am MD lang ang alam ko na buhay. Nang gabing minasaccre ang pamilya nila, nandoon ako sa pangyayaring iyon. At si Ma'am MD, ako mismo kumuha sa kanya, dahil matagal na akong tauhan ni Master Cole.” Napanganga naman ako. Hindi alam ni Damon? s**t! At hindi rin ba alam nila Mary at D na may kapatid pa sila nawawala?!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม