Kabanata 2
ANG bilis na naipasok ni Catie ang sasakyan sa loob ng bakuran matapos na awtomatikong bumukas ang gate kahit na dalawang metro ang layo ng kotse roon. Tuloy-tuloy siyang nagmaneho hanggang sa main door. At kung pwede lang niyang ipasok hanggang loob ng kotse ay ginawa na niya, kaya lang bago sila tumigil ay bumangga na muna ang sasakyan sa isang simento.
“Aray mo!” Sambit ng dalaga at saka nagmamadali na bumaba.
“Mga kapitbahay, tulong! Mommy, Daddy, kuya, ate! Kung sinong nasa loob! Tuloooong!” Ang lakas ng sigaw niya matapos na buksan ang sasakyan.
Dilat naman ang lalaki at nakatingin sa kanya. Tumingin ito sa ibaba niya. Ang palda niya ay naging isang buong waistband na. Umakyat na iyon nang tuluyan sa kanyang baywang pero wala siyang pakialam. Naka-short naman siya, napakaikli nga lang.
“Halika na, pogi.” Pilit niya itong hinila pero ang bigat nito hanggang sa siya ang mabuwal sa ibabaw ng lalaki.
“Aww…” daing ng binata pero may biglang humatak sa kanya papalabas ng sasakyan.
Napakabilis ng pangyayari at nailabas na ang lalaki sa kotse. Nanginginig ang mga kalamnan niya sa nangyari pero hindi alam ni Catie ku g paano niya iyon nalusutan na parang balewala lang kanina. Hindi niya kasi ugali na mag-panic sa ganoong mga sitwasyon.
Napalunok siya. Madugo ang lalaking nabaril.
“Iho de puta!” Mura ng isang lalaki mula sa loob ng bahay kaha napaitlag siya.
Dahan-dahan siyang umatras para sana umalis na pero bumangga ang likod niya sa isang bulto ng tao.
Agad na napalingon si Catie, nakatingala siya sa isang lalaking may edad.
“Who are you? What happened to my nephew?!” galit na bulyaw nito sa kanya sa nanlalaking mga mata.
“Po?! Wala po akong ginawa sa kanya!”
Nakatikim kaagad siya ng sampal mula sa lalaki. Para siyang nabingi at halos natumba pa sa may kotse.
“Stop it, Calixto!” Ani ng isa pang matanda na nakatungkod.
Lumabas iyon mula sa main door. Ang tangkad no'n na parang kamukha ng lalaking nabaril. Parehas na napakatangkad ng dalawa. Ito naman ay panot na maputi ng buhok pero halatang magandang lalaki noong kabataan nito.
Kung may pagkakaparehas na sobra ang dalawa ay ang mga ilong na walang kasing tangos.
“Pumasok ka Miss,” anyaya ng lalaking de tungkod pero mas utos iyon sa pandinig ng dalaga.
Siguro nahalata nito na nag-aalangan siya kaya tumingin ito sa isa pang matanda na sumapak sa kanya.
“Hindi mo dapat siya sinaktan basta. You don't know what happened. Pinaiiral mo na naman ang pagiging padalos-dalos mo. Come in, Miss. I just have to ask a few questions. Ibaba mo na rin ang palda mo.”
Ha?
Agad siyang tumingin sa palda niya na naipon na sa baywang. Agad siyang kumilos at sinunod ang sinabi ng matanda na ibaba niya iyon.
“Let's go inside.”
Sumunod siya dahil natatakot siya na masapak ulit. Ni hindi niya nilingon ang lalaking nanakit sa kanya.
A maid was waiting for her behind the door. Napalinga siya sa buong paligid. Napakalaki ng bahay at siguro mawawala siya rito kung maglalakad siya.
“Give her an ice pack for her cheek. Anong gusto mong kainin, Miss?”
“Kape na lang po para madagdagan ang nerbyos ko,” aniya kaya sinulyapan siya ng lalaki.
Baka masampal na naman siya.
“Kulang pa po kasi ang nerbyos ko,” ngisi niya.
“Have a seat,” mwestra ng lalaki sa sofa.
Tumingin siya roon. Parang ayaw niyang umupo. Mahihiya ang Tide powder sa puti ng leather sofa. Kung higante ang mga taong ito, ganoon rin ang mga kagamitan sa loob, magmula sa sofa hanggang sa mga vase na nakalagay kung saan saan.
Dulo lang ng pwet niya ang iniupo niya sa sofa at pormal siyang nakaramdam. The old man sat in front of her, staring at her.
“What happened?” Tanong nito.
“H-Hindi ko po alam, S-Sir. Basta po nang bumaba ang lalaking ‘yon na…na pogi…may sumupot pong sasakyan at may lumabas na lalaki sa bubong, pinagbabaril po siya. Ako naman po, tumago sa may kotse dahil ayaw ko pa pong mamatay. Nakita ko po may tama si mamang pogi kaya po tinulungan ko siya. Marunong naman po akong mag-drive na kahit zigzag ang takbo e nakarating po kami rito nang ligtas. Pakiramdam ko po ay sumuot kami sa karayom na walang butas.”
“Paano mo nalaman ang lugar na ito?”
“H-Ha? Siya po ang nagdikta sa kotse. Itinuro lang po sa akin ng mapa ang daan. Kumusta po siya?”
Hindi niya alam kung paniniwalaan siya ng matandang ito pero pwede naman nitong tanungin ang nabaril kung anong tunay na nangyari.
Bago pa makasagot ang matanda ay lumabas ang isang lalaki mula sa loob ng isang kwarto.
“Don Vittorio,” tawag no'n sa kaharap niya.
Lumingon kaagad ang sinasabing Don, “How is he?”
“He is fine. He will die from his phobia but not from the bullet.”
Ano raw?
“Sa hita lang ang tama niya. Hindi ko muna siya pinalalakad ng ilang araw, mga apat na araw siguro. Mababaw lang ang sugat at natanggal ko na ang bala.”
“You mean he just fainted?”
“Yes.”
Napayuko si Catie. Ang laking mamaw ng lalaking iyon pero nahimatay?
“Must be from the blood he saw.”
“Exactly, Don Vitto. My work is done here. I'll go now. I left the prescriptions. Just call me if you need anything more.”
“Okay.”
Bago umalis ang doktor ay sumulyap sa kanya at ngumiti. Alanganin din siyang ngumiti.
“Bilin niya na huwag paalisin ang kasama niyang babae. He said she was his.”
Nanlaki ang mga mata niya.
Tumango si Don Vitto, “You heard it Miss. My maid will escort you to your room. It was my son's order.”
Tumayo ito at tumalikod, saka siya iniwan nang ganoon na lang. Hindi naman siya kumilos at naghintay lang sa sinasabing katulong.
Nang iyon ay dumating, may dalang kape.
“Pakialog po ng bell kapag tapos na kayo at ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo.”
“Ah tapos na po ako,” aniya saka ininom nang diretso ang kape kahit na mainit.
“Nandito na ang lahat ng ipinahanda ni senyorito,” sabi ng isa pang kasambahay na nasalubong nila.
“Sige, Ramona. Isunod mo sa amin ‘yan,” bilin ng mas matandang katulong.
“Ako si Manang Eva. Ito naman ay si Ramona.”
“A-Ako po si Catie.”
“Bilin ni senyorito na asikasuhin kayo at pupuntahan kayo sa kwarto niyo kapag maayos na ang pakiramdam niya.”
Lumabas sila ng bahay at dumaan sa isang parang mapuno at mabulaklak na lugar. Dinaanan nila ang swimming pool at dumaan sa isang tulay. Natanaw niya ang isang kubo na barnisado ang mga dingding. Gawa sa salamin ang mga bintana at ang pinto. Maganda ang paligid ng kubo, may mga bulaklak at nababalot ng mga halaman.
“Dito po, Ma'am Catie,” ani Eva sa kanya.
“Catie na lang po.”
“Hindi po pwede. Bisita po kayo ng mga de Ravelo kaya po
Pumasok sila sa loob ng kubo. May isang kwarto, may kusina at maliit na mesang pandalawahan at may banyo. Moderno ang pagkakagawa ng lahat.
“Nandito po ang ilang damit, ma'am. Kung may kailangan po kayo ay pwede kayong pumunta sa maid's quarter.”
“Salamat po.”
Iyon lang ang kanyang nasabi at tuloy na rin naman ang dalawa sa paglabas. Naiwan na siyang nakatingin sa kabuuan ng bahay kubo na iyon. Iyon siguro ang pinakamagandang kubo na kanyang nakita sa buhay niya. Kinuha niya ang mga iniwan na gamit ng katulong.
Damit iyon na bestida at mga panloob. Tatlong piraso iyon ng nga bestida, twalya at roba. May tsinelas at medyas pa. Mayroon ding suklay at kung anu ano pa.
Siguro dapat ay maligo siya para mahimasmasan siya. Alas nueve y medya na ng gabi. Hindi naman siya makakatulog sigurado. Hindi siya makaka-move on sa nangyaring iyon. Siya na nga ang nagligtas ng tao, siya pa ang nasampal. Mabuti na lang at mabait ang ama ng lalaking nabaril.
Gusto tuloy niyang matawa. Wala naman palang gaanong tama ang lalaki pero mas mamamatay sa nerbyos kaysa sa tama ng bala. She sat near the window and dried her hair using the towel. Maya maya ay may kumatok sa pinto. Binuksan naman niya iyon at sinilip ang taong nasa labas.
“Ipinatatawag ka ni boss. I'm Timoteo. Ako ang kanang-kamay.”
Ah… tumangu-tango siya sa isip. Ito pala si Timoteo. Ibig sabihin ay tama ang kanyang napuntahan. This is her mission then.
Napapagod man ay tumango siya. Nasisiguro niya na ang lalaking takot sa dugo ay ang sinasabing Fabien. She has to be so submissive to that man to finish this mission. Kailangan niyang makauwi sa kanyang ama sa lalong madaling panahon.
Lumabas siya sa kubo at sumama kay Timoteo. This man doesn't look bad. Magandang lalaki rin ito. He escorted her to the mansion and they headed straight to a room. Kumatok si Timoteo.
“Boss, the talkative lady is here.”
Ano? Masama at nagtatakang tingin ang ipinukol ni Catie sa lalaki.
Binuksan din kaagad nito ang pinto kapagkuwan, “Pasok ka na.”
Pumasok naman siya. Nakita kaagad niya ang lalaking nabaril. Nakaupo ito sa kama.
“Come here,” he commanded in a deep voice.
Sa may gilid nito ay isang wheelchair.
“Kumusta ka?”
“What's your name?” Anito sa halip na sagutin ang kanyang tanong.
“Catie, Cataleya Cruzada.”
“Ikaw ba ang pinadala doon para pick-upin ni Tim?”
Sinalubong siya nito ng titig sa mata.
“O-Oo. Iyong code poison Ivy.”
“Do you have anything to do with the shooting?” Mabalasik ang mukha na tanong pa nito sa kanya.
“Sus maryosep ka naman!” Bulalas niya, “Ako? Itong ganda kong ito mukhang nambabaril ng tao? Baka ikaw!”
His jaws moved.
“Ako ay ordinaryong pick-up girl lang doon. Ano namang magagawa ko para barilin ka? Saka hindi naman kita kilala. Saka buwis-buhay na ako sa pagliligtas sa iyo. Ni hindi ko na nga ininda ang palda kong umabot na sa baywang, pinagbibintangan mo pa ako. Parehas kayo nung matanda sa labas kanina. Tinanong lang ako, hindi pa ako nakakasagot ay umani na kaagad ako ng sapak.”
Natakpan niya ang bibig. Nasobrahan na yata siya daldal. Hindi siya dapat maging at ease sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon pero ang tanging magagawa niya ay tanggapin na ang kapalaran na ito. Walang mangyayari kung susuway pa siya sa utos na kunin ang loob nito. Time is running out.
“Who?”
“E, tawag no'ng Don sa lalaking nanapak sa akin ay Calixto.”
“My Uncle.”
“Ah, may mukha mo siyang ama kasi mapagbintang kayo,” sumimangot siya tapos ay naupo sa gilid ng kama, “A-Ano pang gagawin ko rito? Dinala ako sa kubo. Wala na akong silbi rito dahil hindi ka naman makakapaglakad. Mas mabuti pang umuwi na ako sa amin,” she dramatically said. Kunwari lang iyon para matiyak niya kung ano talaga ang interes pa nito sa kanya.
Ayon kasi sa nag-rehearsed sa kanya, hindi ito kumukuha ng babae na hindi birhen. Ayaw daw nito ng marumi. Ayaw nito ng talagang bayaran na kung sinu-sino na ang gumamit. Ibig sabihin nito ay talagang nakataya ang kanyang unang experience sa lalaking ito.
“I paid them to have you. You're mine,” agad nitong sagot, “The doctor said rest for just a few days. I can stand up. I can even walk.”
“Uhm,” tango niya, “pero kanina kala ko patay ka na. Iyon pala ay takot ka lang sa dugo.”
Napahagikhik siya pero bumuntong-hininga ito at hindi naman nagalit sa pagtawa niya.
“For the meantime, as long as I have to rest, you will be the one who will accompany me. You understand?”
“Oo, naiintindihan ko ang accent mong nakakatuyo ng utak. Saka, dalawang linggo naman ang sinabi sa akin na dapat nandito ako sa'yo kaya wala akong magagawa,” kibit ng dalaga, “kung anong ipag-utos mo, susundin ko.”
Tumango ito. Nakakanerbyos itong kanyang napasukan. Na-involve siya sa isang lalaki na parang may gustong pumatay. Ang dami nitong kagalit. Siya naman ay inuutusan na kunin ang loob nito sa hindi niya alam na dahilan.
“You can go back to your room and rest. You will definitely have a long day tomorrow, Cataleya. Come here when you wake up. I need company in the shower.”
Her eyes mentally widened. That's it. Iyon ang umpisa ng totoong trabaho niya. She has to be ready. Magpapaligo siya ng higante.