Kabanata 3
FABIEN sighed the moment the door shut. Inalis niya ang nakatakip na kumot sa kanyang hita na tinamaan ng bala. Here are the people again who wanted to see him dead. Kung sino sa mga kalaban nila sa black market ay hindi niya alam. Maraming beses na kasi siyang napagtangkaan na patayin.
Sermon pa ang inabot niya sa kanyang ama kanina. Kasalanan ba niya kung napapagod na siyang buntutan ng mga tauhan niya? Since he was kidn*pped when he was still a kid, Vitto always wanted him to be surrounded by lots of bodyguards. High school siya ay pinagtatawanan siya ng mga kaklase niyang lalaki. Crush siya ng mga kababaihan dahil maangas siya, pero nasisira ang imahe niya sa tuwing susulpot ang mga tao ng kanyang ama.
Pinagkakamalan tuloy siyang bakla na nagtatago sa bad boy image. Ang iba ang tawag sa kanya ay Papa's boy.
His mother promised him a normal life, behind the reality of being the next don of de Ravelo clan but it didn't happen. As soon as Luciana brought her to the city where she grew up, kidnappers got him and that was the reason for his undying fear of blood.
Ang kanyang takot sa dugo ay hindi simpleng bagay ang pinagmulan at iilang tao lang ang nakakaunawa no'n. Ang iba ay pinagtatawanan siya dahil ang laki niyang mamaw daw ay takot siya na sobra sa dugo. He was bullied because of it. Napapagalitan pa siya ng Papa niya dahil doon. Pina-therapy naman siya pero talagang hindi nawawala sa kanya ang phobia. His father always encourages him to fight his fear and forget everything that has happened but his mind couldn't. Hindi ganoon kadali lalo na at sa kamay niya namatay ang sarili niyang ina.
ANG sarap ng tulog ni Catie. Taliwas iyon sa kanyang inaasahan. Akala niya ay hindi siya makakatulog pero pati na pwet niya siguro ay humihilik. Dahil iyon sa pagod, nasisiguro niya.
Uminat siya at kumamot sa kili-kili pero isang tikhim ang nagpatigil sa kanya. Agad na napatigil ang dalaga sa gagawin sana na pag-amoy sa kuko niya.
“Hoy!” Agad niyang sabi rito sabay hila niya ng kumot at itinakip sa dibdib niya.
Napaupo siya sa maliit na kama, “A-Anong ginagawa mo rito?”
“Picking you up,” sagot ng lalaki.
Noon lang niya napansin na nakatayo ito, medyo nakahawak sa hita na may benda. She immediately stood up and grabbed his arm.
“Maupo ka. Hindi ba at bilin ng doktor na huwag kang tumayo. Nasaan ang wheelc—”
Nakita niya ang wheelchair sa labas ng kubo, sa may pinto.
“Halika na. Ano bang kailangan mo sa umagang ito at sinundo mo ang yaya mo?” Aniya rito saka ito inakay papalabas.
Napakalaki nitong lalaki at inaakay ng isang unano. She's not that small. 5’3 ang kanyang height pero kung itatabi siya rito ay walang-wala pa rin ang kanyang tangkad.
“I need sex.”
Naubo siya at napatingala rito. Sa halip na kabahan siya sa kanyang narinig at natawa siya.
“Seryoso ka?”
Tila nainis ang itsura ni Fabien dahil sa tanong niya pero talaga namang nakakatawa.
“Ni hindi mo nga maiapak nang maayos ang isa mong binti tapos ‘yan ang nasa isip mo?”
“Who says I will use my legs? You will use yours.”
Napaawang ang kanyang labi. Naupo ito sa wheelchair at wala siyang nagawa kung hindi itulak na lang ito. Papasok sila sa mansyon nang salubungin sila ng ama ng binata. Tumingin sa kanya ang matandang lalaki.
“Fabien,” aniyon sa anak, “Don't tolerate yourself sitting on that chair. I need you to come to me more often to our business meetings. The election is coming and I badly need you.”
“Papa, you heard the doctor. Four days.”
Napabuntong-hininga si Don Vitto at sinulyapan muli siya. She just smiled a bit.
“I am reminding you. Baka i -enjoy mo na ang buhay mo riyan sa de gulong na upuan na ‘yan. Hindi ka lumpo. I know what you want. You're a grown up man now. You're thirty- five.”
“Thirty-five na?” Agad na tanong niya sa binata. Sumilip pa siya sa mukha nito, “Ang tanda mo na pala.”
“You know, Kuya Vitto, you don't have to force Fabien to stand up so easily. Masakit ang mabaril,” sabat ng isang lalaki na sumulpot mula sa may makakapal na halaman.
Nakapamulsa ang lalaking sumapak sa kanya kahapon kaya ganoon na lang ang kaba niya.
“S-Siya ‘yong sumapak sa akin,” bulong niya kay Fabien at bigla na lang itong napailag nang saglit na dumikit ang labi niya sa tainga nito. Tingin niya ay nakiliti ito sa ginawa niyang pagbulong.
In fairness. Hindi ito amoy tutuli.
“Libre si Fred. He can accompany us to these people. Sa ibang araw, busy na siya, kuya. For the meantime, siya na muna ang isama natin kung nagpapahinga pa si Fabien. We can't pause the business just because he was shot. Let him rest first.”
Kitang-kita sa mukha ni Vitto na hindi iyon sang-ayon sa sinabi ng kapatid.
“Let's go. I'll talk to Fredrin,” ani Vitto saka nag-iwan ng makahulugan na titig sa anak.
“Fix yourself.”
Iniwan sila ng ama ni Fabien. Ang tiyuhin nito ang lumapit at tinapik ang balikat ng pamangkin.
“Just understand your father. Your obligation is tight, Fab.”
Hindi naman umimik ang isa kaya umalis na lang si Calixto. Nagpatuloy na siya sa pagtutulak. Maraming tumatakbong kaisipan sa utak niya. Parang inoobliga ni Vitto ang anak na pamahalaan ang lahat. Si Calixto naman kahit na nananapak ay mabait kay Fabien. Ang tingin niya sa binata ngayon ay parang ayaw nito sa buhay na mayroon ito. Hindi naman ito mukhang tamad. Baka iresponsable ito at ang alam lang ay s*x. Baka doon lang ito magaling.
“Saan tayo?” Tanong niya kapagkuwan.
“In my room.”
Malamang.
“Alam mo, mas mabuting saka mo na gawin ang masa isip mo dahil baka lalo kang mapilay, magalit sa akin ang Papa mo. Ayaw ko ng masapak. I had enough!” Aniya at tinarayan pa ang pagkaka-english.
“Was he the one who slapped you?”
“Yes, on my super pretty face!” Aniya rito sabay tsek sa ere. Natinagala siya nito tapos ay nagsalubong ang mga kilay. Parang maya-maya ay ito na ang sasapak sa kanya kapag hindi siya tumigil.
“Napakasungit mo naman tumingin. Ipinaglihi ka ba sa sama ng loob?”
“Why you? You act as if you don't care? Did your mother crave a clown when she was pregnant with you?”
Humagikhik siya, “Hay naku, magbabago ba ang mundo kapag sumimangot ako?”
Bumuka ang bibig nito pero agad niyang tinakpan, “Hep! Huwag ka ng sumagot. I can read your handsome mind. Sa isip mo, magbabago ba ang mundo kapag ngumiti ka? Let's get inside and do the thingy,” aniya sabay tulak sa pinto ng kwarto nito.
“What thingy?” Taka nitong tanong sa dalaga.
“Sabi mo kagabi maliligo ka.”
Itinulak niyang muli ang wheelchair pero may kasambahay na umabala sa kanila.
“Senyorito, si sir Tim po nasa portico.”
Umalis din kaagad ang maid matapos na yumuko.
“Let's go to Tim first,” utos nito sa kanya.
“Yes, boss!” Aniya sabay paikot dito papunta sa labas ng bahay.
Naroon nga sa portico ang Timoteo.
“We will have a minute,” ani sa kanya ni Fabien kaya tumalikod siya at pumasok pero tumayo lang siya sa may likod ng pinto. Hindi niya gaanong isinara ang pinto para may pumasok na hangin, dala ay tsismis.
“The total damage of your Chiron is 200 thousand USD.”
Nanlaki ang mga mata ni Catie.
“We have to expect more than that. It will take two weeks since you're a VIP. Wearnes Automotive can handle the damages.”
“How about these men who caused the damages? How much do I have to pay for the funeral?”
“You killed two of them. Apat sila sa kotse.”
Lalong napasinghap si Catie at napahawak sa dibdib. May napatay ito sa barilan na iyon kagabi?
Asintado pala ito at nakapatay ng dalawa. Siguro dahil pulis ang kuya niya kaya normal na lang din sa kanya na makarinig ng ganito. At syempre, lalaban naman talaga ng barilan si Fabien dahil may baril itong dala. Kahit naman sino ay hindi papayag na basta na lang mamatay nang walang kalaban-laban.
“It was already settled. Magpagaling ka na. I will get the car now and ship it to Singapore. You will have to use the Stradale for now. Not bad for a 290M car.”
Diyos ko. Muli siyang napasinghap habang napanganga. Naghihintay pa siya ng ibang sasabihin ng dalawa pero nakita niyang nasa may siwang na ng pinto si Fabien.
Agad siyang huminga dahil mamamatay na siya sa pagpipigil. Isinara niya ang bibig.
“S-Sabi mo ay a minute lang kaya bumalik na ako,” palusot niya sa binata.
“Don't do that to my father and uncle or else it will cost your ears.”
Pinagulong nito ang wheelchair kaya napahawak siya sa tainga niya.
Ha? Tatanggalan na siya ng tainga ng mga iyon kapag nakinig siya ng tsismis?
“A-Ako na ang magtutulak sa iyo. Baka magasgas ang maganda mong kamay,” hahabol-habol na sabi niya kay Fabien.
Hindi niya matukoy ang paraan kung paano kukunin ang loob nito sa loob ng dalawang linggo. Mas pormal pa ito kaysa sa commander ng ROTC nila noong hayskul.
Bahala na. She must try her luck. Kapag naman inakit niya ito nang inakit ay baka mas lalo itong makahalata.