CHAPTER 4

1701 คำ
Chapter 4: Kapalaran “AYOS ka na rito, baby girl?” my older brother asked me. Nang makarating na kami sa bahay-ampunan. Mas gusto ko kasi rito dahil maraming bata ang makakasama ko at gusto ko rin na magsolo naman sina Kuya at Ate Zedian. Hindi iyong palaging kasama nila ako. “Yup. Salamat dito, Kuya,” saad ko dahil binigyan pa niya ng makakain ang mga bata. Nag-take out pa siya ng cake, eh at drinks. “No worries, baby girl. Sige na aalis na kami.” Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko na ikinangiti ko. Ganito talaga siya kapag nagpapaalam siya sa akin. May pahalik pa siya. Kaya natutuwa talaga ako sa kanya, eh. “Mag-ingat ka po, Kuya,” sabi ko. “Of course, babalikan pa kita rito, Jean,” aniya. Hinaplos pa niya ang pisngi ko saka niya ako tinalikuran. “Sister, nandito po ang kapatid ko. Pakitingnan na lang po siya para sa akin,” paalam pa niya sa isang madre. Naiiling na lamang ako. Ever since ay ganyan talaga siya sa tuwing nagpupunta ako rito. Hinahabilin pa ako sa iba. Isa rin kasi sila ni Ate Kedian ang sponsor ng bahay-ampunan na ito. Kilala sila ng mga madre rito pero may founder din naman talaga. “Sige, Doc. Kami ang bahala sa iyong kapatid,” narinig kong marahan na saad nito. Saka hinawakan ang kamay ko. “Salamat po,” pasasalamat ko dahil ginigiya niya ako sa kung saang lugar naman. “Napakagandang bata mo talaga, hija. Sayang lang at pinagkaitan ka ng nakatataas ng paningin. Hayaan mong bibigyan ka rin ng pag-asa upang muling makakita,” sambit niya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil binibigyan ako ng motivation upang magkaroon ulit ng pag-asa. Pero hindi pa naman ako nawawalan no’n. “Palagi rin po akong nagdarasal,” sambit ko at inalalayan niya akong makaupo. “Mga bata, lumapit kayong lahat sa ate ninyo dahil may dala siyang maraming cake,” pag-aaya niya sa mga bata at narinig ko ang mga ingay nila na tila excited din silang lahat. May mga nag-yes din at tuwang-tuwa sa pinahayag nito. “Binili ito ng kuya ko, alam ninyo ba?” nakangiting tanong ko sa kanila. “Opo, Ate!” sabay-sabay nilang sigaw. Isa rin ang mga batang ito ang pinagkaitan ng magandang buhay—ang kompletong pamilya. Dahil wala na silang mga magulang pa ang mag-aaruga sa kanila. Ang gagabay sa paglaki nila. Ibang tahanan na ang kanilang kinalakihan ngunit alam ko kung tutunton na sila sa tamang gulang ay saka sila makikipagsapalaran sa labas ng tahanang tumanggap sa kanila ng walang pag-aalinlangan at haharapin na nila ang realidad. Mabuti at masuwerte ako dahil may kuya ako. Siya ang naging mga mata ko kaya nakakaya ko talaga ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. Kahit hindi ko sila nakikita ay napapangiti rin ako. Kung puwede nga lang silang panoorin pero sapat na sa akin ang marinig ko lang ang mga bungisngis nila at ang tuwang-tuwang pagpapasalamat nila sa akin. Naramdaman ko naman na may isang batang babae ang umupo sa tabi ko at binalingan ko siya. “Ate, akin na po ang palad mo,” sabi nito sa akin. Kumunot ang noo ko. Kasi ano naman ang gagawin niya sa palad ko? “Ha?” nalilito kong tanong. “Ako po si Lucca, 12 years old na po ako, Ate,” pagpapakilala nito sa akin. I smile at her. May anim na taon na lamang siya maninirahan dito. “Ate Donna, iyon ang itawag mo sa akin, Lucca. Ang ganda ng pangalan mo,” ani ko and I reached her face. Para haplusin sana siya pero hinawakan niya lamang ang kamay ko. Particular na ang kanang palad ko pero tiningnan pa rin niya ang kaliwa. “Ate Donna, ang suwerte mo pa rin po kahit na dilim lang ang palagi mong nakikita,” aniya. I nodded. “Dahil siguro iyon sa kuya ko, ’no? At may maganda rin akong pinagkakaabalahan,” usal ko. Pero kumunot ang noo ko dahil paano niya nasasabi na masuwerte pa rin ako sa kabila ng pagiging bulag ko? “Naniniwala ka po ba na nakikita ko ang kapalaran ng isang tao, Ate?” tanong niya para lang tumaas ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung bakit. Kakaiba kasi ang hatid ng sinabi niya sa akin kahit bata lang siya pero pakiramdam ko ay may kakayahan nga siyang makakita ng kapalaran ng isang tao. “Walang mawawala kung hindi kita paniniwalaan, ’di ba? Ano ba ang nakikita mo sa mga palad ko, Lucca?” tanong ko. “Ate, ang buhay natin ay hindi lang puro saya talaga. May mga pangit na karanasan din, kakambal nito ang sakit at kalungkutan. Masuwerte ka sa mga taong makikilala at nakilala mo na. Tatlong lalaki ang mayroon ka, na mahal na mahal ka,” sabi niya at nagsalubong ang aking kilay. “T-Tatlong lalaki?” gulat kong tanong at naramdaman ko ang pagtango niya. “Unang lalaki na siyang nagbigay sa ’yo ng mga paa at mata. Paanong pati rin mga paa gayong wala ka lang makita, Ate? Dahil po sa isang lalaking iyon kung kaya’t nandito ka ngayon sa tabi ko at kausap ko,” pagbibigay linaw niya sa akin na ngayon ay naintindihan ko na. Si Kuya Hart ang tinutukoy niyang unang lalaki pero sino naman ang pangalawa at pangatlo? At mahal na mahal ako? “Uhm, tapos?” interesadong tanong ko. Gusto ko pong malaman ang mga nakikita niyang kapalaran ko. “Ang pangalawa, katulad ng mundong kinagisnan mo ngayon, Ate. Doon mo siya makikita at darating siya sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Itong pangalawang lalaki na wala pong kasing katulad nino man ang pag-ibig niya para sa ’yo pero siya rin po ang magtutulak sa iyong maagang kamatayan,” seryosong sabi niya at nanginig ang katawan ko. B-Bakit? Bakit naman ganoon ang sinabi niya? Hindi ba siya nagkakamali lang? Dapat ko na bang paniwalaan iyon? Pero katulad nga ng sinabi ko kanina ay walang mawawala sa akin kung paniniwalaan ko rin siya. “M-Maagang kamatayan?” nauutal kong tanong at bumibilis ang t***k ng puso ko. “Minsan ka na rin pong nakipaglaban kay kamatayan at alam kong makaliligtas ka. Ang pangatlo naman po ang siyang magbibigay sa ’yo ng liwanag ngunit mali ang kanyang piniling pag-ibig. Ate sa piling po niya ay mararanasan mo ang isang buhay na prinsesa pero hindi po niya kayang pantayan ang pag-ibig ng pangalawang lalaki. Higit pa sa isang reyna ang ituturing niya sa ’yo. Ililigtas ka niya mula sa panganib kahit buhay pa niya ang kapalit. Ang huling dalawang lalaki ay malaki ang magiging role nila sa buhay mo, Ate Donna. Maaaring magiging masaya ka sa umpisa pero hindi ito magtatagal. Ikaw rin po ang magtutulak patungo sa kamatayan ng pangalawang lalaki. Paghandaan mo po ang mangyayari sa hinaharap at sana piliin mo ang siyang karapat-dapat talaga. Kung alam mo pong mapanganib ay huwag mong pilitin at iyo’y bitiwan agad dahil magsisisi ka rin po sa huli,” mahabang saad niya. Hindi na naglaho pa ang kaba sa dibdib ko. Seryoso ang boses niya at hindi lang siya nagbibiro talaga. Parang isang matanda na nga ang aking kaharap ngayon. “P-Puwede ko bang maiwasan iyon? Ano ba ang puwede kong gawin?” tanong ko. Kung may makikilala man ako na dalawang lalaki pa bukod sa aking kuya at hindi naman magiging maganda ang buhay ko sa kanila ay mas mabuting huwag na lang. Mas mabuting iwasan ko na lamang ang kapalaran ko. Ang mga lalaking iyon kung kapahamakan lang ang idudulot nila sa akin, kahit na kakaiba nga ang pag-ibig ng isang iyon. Sabi niya ay ang pangalawang lalaki ang magtutulak sa akin patungo sa maaga kong kamatayan. Ngunit ganoon din ako sa kanya. Ang pangatlo naman ay ang magbibigay sa akin ng liwanag? Ano kaya ang ibig sabihin no’n? “Sundin mo lang po ang siyang sinasabi ng iyong puso, Ate. Pero ang kapalaran po ay tayo ang gumagawa ngunit hindi natin puwedeng iwasan. Kasi, Ate. Tatlong buhay po ang dadalhin mo,” sabi niya at naramdaman ko ang kanyang pagngiti. Magandang idea kaya iyon, ano? “Ha? T-Tatlong buhay ang dadalhin ko? Ano naman iyon?” nalilito ko na namang tanong at pinisil niya ang aking mga kamay. “Kung iiwasan mo po ang kapalaran mo at pipiliin mo na huwag na lang makilala ang dalawang lalaki ay wala pong mangyayari sa buhay mo. Maaaring kaya po nating tumayo sa sarili nating mga paa pero kailangan pa rin ito ng tulong ng isang tao. Ate Donna, ang buhay mo ay punong-puno ng ligaya ngunit may pasakit, hirap, pangungulila at lungkot pa rin. Isa sa dalawang lalaking iyon ang makakasama mo habangbuhay—iyon ay kung kaya ninyo ang pagsubok na ibibigay sa inyo. Huwag ka lang pong mawalan ng pag-asa.” Doon na ako napangiti at wala na akong kabang naramdaman pa. Sapat na sa akin iyon. “Pero curious ako, Lucca. Ano ang ibig mong sabihin sa tatlong buhay na dadalhin ko? Oh, may ganoon ba akong buhay na kayang-kaya ko ngang labanan ang maaga kong kamatayan?” tanong ko at narinig ko ang paghinga niya ng malalim. “Sa katanuyan po, Ate Donna. Apat, apat po talaga ang dadalhin mo.” “Ha?” “Ngunit mauuna po ang tatlong buhay. Iyon nga lang po ay pansamantala mo lang silang dadalhin at makakasama,” makahulugang saad niya. “Lucca, wala na akong maintindihan pa,” ani ko. “Bibigyan na lamang po kita ng clue,” aniya na tinanguan ko agad. “Ang tatlong buhay na iyon po. Hindi lang ikaw ang nagbigay sa kanila ng sarili nilang mga buhay.” Parang isang tao na ang tinutukoy niya at sino naman kaya iyon? “Ikaw, Ate. Ituturing ka nila na tila isang babasaging palamuti, mamahalin na higit pa sa mga sarili nila. Gagalangin na tila isa ka ring pinakaimportanteng tao sa mundo. Higit sa lahat, Ate Donna. Sila ang mga buhay na magiging sandalan mo at hindi ka nila iiwan kahit ano man ang mangyari. Kaya huwag mong iwasan ang kapalaran mo.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม