Chapter 3: His fate
I DON’T know why I feel this way. As if something is going to happen, something is really wrong. I just don’t know what that is. I’m not like this when I go to another place just because of my work.
Kaya hinabilin ko na lang kay Kuya Markus na huwag niyang pababayaan si Mikael. Na sana protektahan naman niya ito habang wala ako. Hindi ko kasi mapapatawad ang sarili ko kung mapapahamak siya. Ako ang kuya niya kaya dapat ko lang siyang ipagtanggol.
Kaya naman niya ang sarili niya pero babae pa rin siya at alam kong malambot din ang puso no’n. Sa akin nga lang siya kumukuha nang lakas ng loob.
Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto kong huwag na lang tumuloy at sumunod na lang ako sa sinabi ng nakatatandang kapatid ko pero hindi ko na lang din pinansin pa iyon. Para rin naman ito sa bunso namin. Para tumayo matuto naman siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Wala namang nangyari na kakaiba pagdating ko sa port na patungo Palawan. Medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Bumaba ako mula sa kotse ko at nagtipa ako sa keyboard para tawagan sana si Kuya Markus pero may bigla na lamang ang humampas sa batok ko.
Halos mawalan ako ng malay dahil sa tindi ng kirot nang pagkakapalo sa akin. Bumagsak din ako sa sahig. Nagsimula ng mandilim ang paningin ko hanggang sa hindi ko na nga nakayanan pa ay tuluyan akong kinain ng kadiliman.
Hindi lang naman iyon ang nangyari sa akin dahil nang nagising ako ay matindi rin ang sinapit ko sa mga kamay ng mga lalaking nakatakip ang mga mukha. Hindi ko sila kilala at mas mahirap din silang kilalanin dahil sa mga ayos nila.
Ilang beses nila akong binugbog at ang binti ko mismo ang pinuntirya nila. Pakiramdam ko ay may nabaling buto sa kanang paa ko. Tinigilan lang nila ang pananakit sa akin ng makita na hinang-hina na ako at wala na ring lakas pa upang lumaban.
Naramdaman ko lang na pabagsak nila akong inilapag sa isang basurahan. Umaalingawngaw ang malansang amoy nito. Mabigat ang talukap ng mga mata ko at sa pamamanhid ng katawan ko ay nagawa kong gumapang.
Akala ko ay katapusan ko na sa mga oras na iyon pero may naanigan pa rin ako na maliit na liwanag kaya ginawa ko ang lahat. Gumapang ako kahit nahihirapan pa rin ako.
“H-Help! H-Help me...” I uttered at nagawa ko ring tumayo saka ko pinara ang isang sasakyan na palapit sa direction ko.
Hindi na rin ako sigurado pa kung sila pa rin ang mga taong iniwan na lamang ako sa lugar na ito pero nag-take pa rin ako ng risk. Baka kasi hindi rin. Hanggang sa huminto na nga ito at doon lang ako natumba.
Mayamaya lang ay narinig ko ang maliit na boses ng isang babae. Honestly speaking ay kanina pa talaga sila nagsasalita pero halos hindi ko na sila marinig pa.
“Stay away from him, Jean!” narinig kong sigaw nito at sunod-sunod na yapak din ang lumalapit sa akin.
“Jean! Get inside!”
“Jean! This might just be a trap!”
“No, Kuya... He needs our help!” Naramdaman ko lang na may nag-angat sa ulo ko at pinahiga ako nito sa hita niya. Malambot ang palad nito nang dumapo sa pisngi ko. Nalalanghap ko rin ang mabangong halimuyak nito.
“Donna Jean! Bakit ang tigas ng ulo mo?!”
“Jean, come on! I-report na lang natin iyan sa pulis!”
“Kuya, may sugat po siya... T-Tulungan ninyo na lang po siya!” sigaw nito. Hindi ko alam kung bakit ganito siya, na gusto pa rin niya akong iligtas.
Kung sa bagay ay naiintindihan ko ang mga taong kasama niya ngayon. Nakikita nila na hindi maganda ang kalagayan ko at punong-puno pa ng dugo sa katawan maging sa mukha ko.
Tama nga naman sila, sa panahon ngayon ay mahirap na talagang magtiwala pa sa isang tao. Lalo na kung ganito ang makikita mong eksena.
“Just what if masamang tao pala siya? Jean!”
“Sige na po, Kuya! Iligtas na po natin siya!”
“No!”
“Hold on...please. We’ll going to save you...” Iyon lang ang mga katagang lumabas mula sa bibig niya at nawalan na ako ng malay ulit.
Wala na akong nararamdaman na panganib dahil sa malambing na boses niya at sa mga oras na iyon ay hindi ako sigurado kung bumalik na rin ba sa normal ang t***k ng puso ko. Dahil sunod-sunod ang pagtibok nito na parang may humahabol din sa akin.
DONNA JEAN’S POV
“KAILAN po tayo babalik sa Pangasinan, Kuya?” tanong ko sa aking kuya. Nang minsan kaming kumain ng breakfast namin sa umaga.
Doon kasi talaga kami nakatira at hindi rito sa Manila. Ang bus namin ay isinasama rin namin sa tuwing lumuluwas kami.
Nagpunta lang kami rito sa Manila dahil sa promotion ni kuya sa hospital. Nandito kasi ang main branch ng hospital na pinagtatrabahuhan niya. Ayaw naman niya akong iwan doon dahil wala raw akong kasama kahit nandoon naman si Ate Zed. Kaya napasama na rin ito ng wala sa oras. Na isa pa ay ulila na rin ito.
“Bakit? Gusto mo na ba talagang umuwi sa atin?” tanong niya na mabilis kong tinanguan.
“Sino naman po ang hindi, Kuya? Nandoon po ang bahay natin, ’no. At saka mas sanay akong gumalaw roon. Kabisado ko po kasi,” sagot ko at naramdaman ko lang ang paghaplos niya sa ulo ko.
“Uuwi rin tayo soon. Wala ka bang gustong puntahan dito? Ipapasama kita kay Zed, Jean,” sabi niya para lang maalala ko ang nangyari kagabi.
“Baka po kayo ang may date ni Ate Zed, Kuya? Kahit doon na lang po muna ako sa bahay-ampunan,” ani ko at narinig ko lang ang pag-hiss niya. “Alam ko naman po na may feelings ka sa kanya, eh. Nahihiya ka lang pong magsabi.”
“Jean?”
“Bakit po, Kuya?” tugon ko.
“Ang daldal mong bata ka,” sabi niya lang at pabirong pinitik niya ang noo ko. Napanguso ako.
“Kuya naman kasi, eh.”
“Pero sigurado ka ba na wala kang gustong puntahan bago tayo babalik sa Pangasinan?” tanong niya.
“Uhm... Gusto ko pong kumain ng cake rito at saka coffee. Punta po tayo? Isama natin si Ate Zed.” Natawa siya bigla. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
“Cake with coffee? Parang hindi masarap ipagsabay na kainin ang dalawang iyon, Jean,” sabi niya na kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong umiiling siya.
“But I want that, Kuya Hart,” giit ko.
“Okay, baby girl,” sabi niya lamang.
After our breakfast ay sinabihan na niya ako agad na maghanda na para makaalis na kami. Mabagal nga lang ang pagbibihis ko. Pero kung sa ganitong pagkakataon ay mahaba talaga ang pasensiya ni Kuya Hart.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay kumatok na si kuya sa pintuan ng aking silid. Condo niya lang ang tinutuluyan namin ngayon.
“Tapos na po ako, Kuya,” sambit ko at naglakad ako patungo sa pinto. Bumukas ito at naramdaman ko agad ang paghawak niya sa siko ko. Nakaalalay rin ang isang kamay niya sa likuran ko. “Nasaan na po si Ate Zed, Kuya?” I asked him habang palabas na kami.
“Doon sa lugar na gusto mong puntahan,” sagot niya.
“Paano po kung doon mo na lang ako dalhin? Tapos bilhan ninyo na lang po ako ni Ate Zed ng cake at coffee na gusto ko?” suggestion ko sa kanya.
“Gusto mo lang yata kaming ireto sa isa’t isa ni Zedian,” aniya na ikinangisi ko lamang.
“Nasa sa ’yo naman po kung susubukan mo lang siyang i-date, Kuya. Wala pong pumipigil no’n sa ’yo, ha.”
“Oo na. Ikaw talaga ang daming alam, eh. Kung sabagay ay isa ka ngang DJ,” komento niya.
Pero hindi nga lang sa bahay-ampunan ang punta namin dahil sa isang café pa. Gusto niya raw na rito mismo ako kakain ng gusto ko. Strawberry cake ang in-order niya and iced tea naman.
“Hi. Kanina pa ba kayo?” Speaking of Ate Zed ay dumating na rin siya. Hindi na siya sinundo pa ng aking kapatid. Dahil mas gusto rin ng isang ito ang pumunta na lamang dito ng mag-isa.
Ayaw niya rin naman ako na maiwan dito ng mag-isa. Dahil na rin sa kalagayan ko.
“You’re just on time, Zed,” sagot ni kuya.
“Nope po, Ate. Malapit ko na ngang maubos ang kinakain kong cake,” ani ko.
“Hmm, tama ka nga,” sabi niya lamang.
“What do you want, Zed? Ako na ang o-order para sa ’yo,” ani kuya.
“Kuya, after ko nito ay ihahatid mo na ako sa pinanggalingan ni Ate Zed, okay po?”
“Sa pinanggalingan ko.” Natawa pa si Ate Zedian. “Bakit gusto mong pumunta roon, Jean?” ang kanyang tanong naman.
“Basta po, Ate. Gusto ko lang,” mahinang saad ko. “Tapos babalik po kayo rito ni Kuya Hart, Ate. Mag-date po kayo—”
“Donna Jean!” Nag-peace sign lang ako at nagsimulang kumain ulit.
“Hayaan mo na ang kapatid mo, Daiz.” Kahit siya ay dinaanan niya rin sa tawa.