Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Papungay-pungay kong kinuha ang cellphone sa table ko at nakita kong unknown number ang tumatawag sa akin. Sinagot ko 'yun dahil baka emergency ito. "H-hello?" sagot ko agad sa kabilang linya. "Mabuti at sinagot mo." Teka, si Clement ba ito? Parang lasing ata ang boses niya. "C-clement?" tanong ko agad sa kabilang linya. "A-ako nga," sagot niya. Ano na naman kaya ang trip niya at lasing siya ngayon? "Oh, bakit napatawag ka? Saka, saan mo nakuha ang number ko?" tanong ko pa sa kanya. Wala kasi akong natatandaan na hiningi niya ang phone number ko. "Kay Ada, hiningi ko kanina. Alam kong hindi mo ibibigay ang number mo't pagsusupladahan mo lang ako, kaya sa kanya ko na lang hiningi," sagot niya kaya natawa ako. Alam niya agad na

