Clement's POV Tapik ni Flarion sa braso ko ang gumising sa akin. Umaga na at nakita kong nasa loob ng kwarto ko sina Flarion, Glacius at Mistral. Nakangiti sila sa akin. Sa sahig na ako tuluyang nakatulog kagabi. Hawak-hawak ni Flarion ang maliit na box na binigay sa akin ni Fairy Dariyah kagabi. Inalalayan nila akong tumayo. Nakapagtataka lang dahil pakiramdam ko ay malakas na ako. "Kamusta ang pakiramdam niyo ngayon, mahal na Hari?" tanong agad ni Glacius. Umupo ako sa kama ko. Inalala ko ang mga nangyari kagabi bago ako nawalan ng malay-tao. Natuwa ako dahil alam kong may bago akong kapangyarihan. Tandang-tanda ko ang mga nasa hangin na elements kagabi. "Ang dami kong nakitang elements na nagkalat sa kwarto ko bago ako nawalan ng malay kagabi," kwento ko sa kanila. Inabutan ako ng m

