Clement's POV Tahimik na ang buong paligid dahil umuwi na ang ilang mga witch sa kani-kanilang mga bayan. Ayon kay Malina na pinuno ng mga secular witch ay marami raw dapat ayusin sa mundong ito dahil maraming napinsala ang mga black witch. Marami pa ring nakailalim sa sumpa nila Grimalkin kaya kailangan daw nilang pag-aralan kung paano maibabalik ang ilan sa dati. Ang daming nasirang mga daan, ilog, mga puno at kung ano-ano pang dapat ayusin. Gusto rin daw nilang magsagawa ng ritwal para sa mga nasawing tao dito. Kumbaga sa mundo ng mga normal ay dadasalan nila ito para makarating na sila sa kanilang tunay na tahanan. Para matahimik na ang mga kaluluwa nilang naliligaw sa mundong ito. Ang mga elemental witch ang naiwan na makakasama ko rito sa palasyo. Sa laki ng utang na loob nila sa a

