Clement's POV Iba talaga ang pakiramdam ko nang ilaglag ko ang isang butil ng buhok ko sa balon na 'yon. Para bang labag sa loob ko ang ginawa kong 'yon. Hindi ako maka-hindi kay Kalina. Basta bigla na lang akong kinutuban ng masama sa Ogat na tumutulong sa amin. Tinitignan ko si Frodo. Parang pati siya ay nag-iisip din nang oras na 'yun. Sana lang ay mali ako. Paglaglag ko ng isang butil ng buhok ko sa balon ay parang may tumusok sa puso ko. Parang may karayom na bumaon sa dibdib ko kaya't nangaray pa ako ng kaunti. Mayamaya ay biglang umilaw ang balon at nagpakita doon ang isang lalaki. Nang makita ko ang mukha niya ay bago ito sa paningin ko. Wala siya sa libro namin kaya inisip ko na mukhang kakampi at mabait siya. Lumapit si Kalina sa kanya. "Ikaw na ba 'yan, Ogat?" tanong agad ni

