Huminto kami sa isang gubat. Malayo pa ang palasyo ni Grimalkin kaya't magpahinga muna raw kami sabi ni Luna.Sa tulong din ni Luna ay mabilis na kaming nakakuha ng pagkain sa paligid. Masayang nagsasalo-salo ang lahat maliban lang kay Frodo na tahimik na nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno. Ramdam kong may naamoy na naman siyang panganib. Nilapitan ko siya at inabutan ng mainit na kamote na niluto ni Adara. "Tila tahimik ka ata?" bungad kong sabi sa kanya at saka ko siya tinabihan. "Maraming tumatakbo sa isip ko. Marami akong naamoy na panganib. Sa sobrang dami ay hindi ko alam kung sino-sino ang malalagay sa alanganin. Basta isa lang ang masasabi ko, hindi na biro ang huling magiging laban natin na ito." Tila bigla na rin akong nawalan ng ganang kumain dahil sa sinabi niya. Kinabah

