Chapter 15: Decieved

2606 คำ
Lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa DZR Airport ng Tacloban City. Hawak ang luggage ko, naglakad ako papunta sa Arrival area kung saan ako hinihintay ni Tita Marga. When she saw me, agad niyang tinanggal ang suot na shades and smiled at me. "Welcome back ija" yakap niya sakin. "Hello, Tita" I greeted back. "I was hoping your mom could join you pero alam naman nating walang magmamanage ng banko niyo. Nando'n naman si Brent so you have nothing to worry about" she exclaimed and tapped my shoulder. I just smiled at Tita Marga habang tinutulongan ako ng driver na ipasok ang maleta sa loob ng kotse. *** Hindi ako natulog sa buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang malalim ang iniisip. I'm not really sure if coming back here is a good idea after Carlo's father told me not to come back. Pero kapag hindi ako bumalik, mas masasaktan lang ako. Sigurado na ako ngayon na may nararamdaman ako para sa kanya. Kahit hindi niya pa yun kayang ibalik. I just want him to know para hindi na masyadong masikip sa dibdib ko ang ikimkim ang lahat. I know it's risky. Not just for me but for my family. Nagiging selfish na yata ako na hindi ko ikinatuwa. Wala naman kasing nakakatuwa sa lahat ng nangyayari. Everything went wrong so fast kaya mahirap mag adjust. But there is one person who can calm me down at kailangan kong makausap ang taong yun. Nakarating kami sa beach house mga alas dos ng hapon. Aling Susan greeted me with a smile. She seemed blooming today. Ako lang ba o talagang gumanda siya? I mean maganda naman talaga siya kahit may edad na pero parang mas na enhance yata. I went to my room at agad kong inayos ang mga gamit ko. Nagpaalam ako kay Tita na tatambay ako sa resort pero iba naman talaga ang pupuntahan ko. After Tita Marga gave me a thumbs up, I went out of the house at mabilis na naglakad sa may dagat. Maraming tao lalot hapon na. Pero may kakaiba sa ihip ng hangin. Masyadong malamig kahit tirik pa naman ang araw. Naalala ko si Carlo. Diyos siya ng hangin kaya nandito siguro siya. "Aray!" I yelled out when I got bumped by a tall man wearing white sweater. Inis ko siyang hinarap pero nakalayo na siya sakin. Wow! Di man lang nag sorry? "Hoy!" Irita kong sigaw. Lumingon siya sa'kin at ngumiti ng kakaiba. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino siya. "C-carlo?" Kunot-noo kong saad. Tumalikod siya at naglakad palayo. Agad ko siyang hinabol pero masyado siyang mabilis maglakad papunta sa isang direksyong hindi ko alam. Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya tumakbo ako para maabutan siya. Malayo layo na ang natakbo ko pero wala na siya. Saka ko lang na realize na nasa banda ng gubat na ako. "Carlo!" Tawag ko. I called out for his name a number of times pero walang sumasagot. Nawala nalang siya bigla at naiwan ako. Ba't ba siys nawawala na lang bigla. Teka, nasaan na ba ako? Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko na alam kong saan na ako napunta. Oh no, hindi naman yata ako nawawala sa lagay na ito diba? Sinubukan kong hanapin ang daan pabalik sa resort pero paulit ulit lang akong napapadpad sa malaking puno ng Narra kung saan ako nakatayo kanina. Natigilan ako, hindi kaya eneengkanto ako? Hindi ko alam kung dapat ko pa bang paniwalaan ang mga ganoong bagay pero pabalik balik lang ako sa mismong lugar na ito. Kinalma ko ang sarili ko at nag isip kong anong maaari kong gawin. Minsan na rin naming napag usapan sa klase nung highschool ang tungkol sa mga pamahiin. Babaliktarin yata yung damit eh. Nagdalawang isip ako, para kasing may nakatingin sa akin. Naglakad na lang ako ulit. Pag hindi pa rin ako nakauwi, saka ko na gagawin yung sa damit ko. Bahala na si Carlo, importante makauwi ako. I walked forward when I hit a man. I looked up and saw Carlo with the same weird and somehow creepy smile he gave me kanina sa beach. "San ka pupunta, Allysandra?" Tanong niya. May kakaiba rin sa boses niya. Malamig at basta hindi ko maintindihan. Pero hinayaan ko na lang yun. "San ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap" untag ko sa kanya. Hindi ako komportable sa tingin niya sakin. May kakaiba talaga eh. Parang may mali. Nabigla ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila ako. "Halika, sumama ka sakin" malamig ang boses na sabi niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya nasasaktan ako. "Carlo san ba tayo pupunta? Nasasaktan ako" Pero hindi niya ako pinansin. Dinala niya ako sa isang kwebang hindi pamilyar sakin. Pagkapasok namin sa loob, binitawan niya ako kaya nadapa ako sa lupa. Napatingin ako kay Carlo habang hinihilot ang braso ko at bigla akong kinabahan. He walked deeper inside the cave at hinayaan akong maiwan. Nung una naming tagpo, ganito din ang nangyari pero hindi siya ganyan sa'kin. Galit ba siya dahil n'ung huli naming pag uusap, iniwan niya ako. "C-carlo" I called him. He faced me while smiling creepily. Napansin ko ang hawak niyang lubid sa isang kamay kaya mas kinabahan ako. "A-anong gagawin mo?" Kabado kong tanong. Gusto kong tumakbo palayo pero kumontra ang katawan ko sa isip ko. He didn't say anything. When he got closer, he grabbed me by my shirt and dragged me to the wall of the cave. Napasigaw ako dahil nasaktan ako sa ginawa niya. "Carlo! Anong ginagawa mo! Bitiwan mo ako!" Tumawa lang siya at itinali ang mga kamay ko sa may ulo ko. "Tumahimik ka babae! Baka gusto mong padaliin ko ang pagpatay sa'yo" banta niya. Natahimik ako. Anong pinagsasabi niya? Papatayin niya ako? Hindi ko gustong paniwalaan ang ginagawa niya sa'kin pero kung pairalin ko pa ang katangahan ko, baka nga patayin niya ako. Hindi ko alam kong anong nangyayari sa kanya pero mukhang wala na akong oras para alamin pa. Mahal kita Carlo pero ayaw kong mamatay sa kamay mo. Magpasensyahan na lang tayo. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya pero malakas siya. I did the only thing I know I could do. I hit him in his most precious spot. Napasigaw siya sa sakit at napaatras. I grabbed the oppurtunity. Tumakbo ako kahit may tali pa ako sa kamay. Hindi pa ako nakakalayo ng madapa ako. Buysit talaga! Bat ba ang lampa lampa mo Ally? Nakalabas ako sa kweba at tumakbo sa gubat. Pero hindi ko alam kong saan ako pupunta puro puno ang nakikita ko. Mabilis akong nagtago sa isang malaking halaman. Naririnig ko ang mga sigaw niya na palayo sakin. Ng hindi ko na siya marinig, dahan dahan akong lumingon lingon. Akala ko wala na siya pero nagkamali ako. "Saan ka pupunta ha?" I screamed when he pulled my hair and grabbed me. Naiiyak na ako sakit. Sinubukan ko siyang sipain pero masyado akong mahina. "Tulong! Tulungan niyo ako! Saklolo!" I yelled. I kicked, punched, bit, and everything I could do just to stop him but it was no use. "Tumahimik ka!" Sigaw niya sakin. "Walang makakarinig sa'yo kahit anong sigaw pa ang gawin mo!" Nakakatakot ang boses niya. Hindi na yata siya yung Carlo na nakilala ko. Ibang iba siya ngayon. Ibinalik niya ako sa loob ng kweba at itinali ako sa isang upuang gawa sa kawayan. Naubos na ang lakas ko sa kakasuntok sa kanya pero wala paring epekto. "Carlo ano bang ginagawa mo sakin!" Tiningnan niya ako ng nanlilisik ang mata. "Sinong Carlo ang hinahanap mo? Si Agawilan?" Ngumisi siya. "Wala siya rito babae! At bago ka pa niya matagpuan, sisiguraduhin kong patay kana!" Humalakhak siya ng nakakatakot. "H-hindi ka si Agawilan? S-sino ka?" Dahan-dahang nagbago ang anyo niya. Isang lalaking kasingtangkad at mga kasing edad ni Carlo. Maputi siya din siya at makinis ang balat. Mapag kakamalang gwapo but he exudes dark and evil aura. "Ako si Sariwali, diyos ng Pagpapanggap, Pandaraya at Paghihiganti. Ang makisig na tapapagsilbi ni Reyna Maguayen. At nandito ako para tapusin ka. Pero bago ko gawin yun, paglalaruan muna kita" Lumapit siya sakin and smiled crookedly. Takot na takot na ako at pinagpapawisan. Talagang seryoso na si Maguayen na alisin ako sa landas niya! Kaptan was right, I shouldn't have come back. Now I'm dead. Inilapit ni Sariwali ang mukha sa mukha ko, nakangisi pa rin. "Hindi mo makukuha ang gusto mo!" Singhal ko. Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Matalim ko siyang tiningnan. "Sayang ka Allysandra, ang ganda mo pa naman. Hindi na ako magtataka kung bakit napalapit sayo ang diyos ng Hangin. Pero ako parin ang makikinabang sa'yo" Naramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko kaya nagsitayoan ang mga balahibo ko sa katawan. This is worse than my biggest nightmares. Halos hindi ako makahinga sa takot. Nanginginig ang mga laman ko. Hinawakan niya ang katawan ko. Pero bago niya pa matanggal ang damit ko, isang napakalakas na hangin ang umihip sa loob ng kweba dahilan para tumilapon siya sa kabilang side ng kweba. The impact caused cracks on the walls at natabunan ng mga bato si Sariwali. Napalingon ako sa b****a ng kweba kung saan nakatayo si Juan Carlos na galit ang mukha pero napalitan ng pag aalala ng makita ako. Tumakbo siya palapit sakin at agad akong kinalagan. "Ally, okay kalang ba?" Nag aalala niyang tanong. Pero bago pa ako makasagot at makatayo, sumabog ang banda ng kweba kung saan natabunan si Sariwali at lumabas ang diyos na parang walang nangyari. Humarap siya sa amin, that creepy smile still plastered on his face. "Ah, Agawilan! Napasyal ka yata? Naglalaro lang naman kami ah?" Tumawa siya ng malakas. Tumayo si Juan Carlos at hinarap siya. "Tumahimik ka!" Sigaw ni Carlo. Ramdam ko ang galit sa boses niya. Kinuyom niya ang kamao habang kausap ang kapwa niya diyos. "Alam kong si Maguayen ang nagpadala sa'yo rito Sariwali!" Juan Carlos walked towards Sariwali and grabbed him by the collar of his shirt. The god of Deciet just smiled at him at hinayaan lang si Juan Carlos sa ginagawa nito. "Hawakan mo siya ulit at papatayin kita!" Banta ni Juan Carlos. "Alam mo kung anong kaya kong gawin sa'yo, wag mo akong susubukan!" Marahas niyang binitawan si Sariwali na nakangisi parin. Tinalikuran niya ito at naglakad siya papunta sakin. "Pagsisisihan mo ito Agawilan. Alam mo ang kayang gawin ng Reynang Maguayen" Hinarap siya ulit ni Juan Carlos. "Isa lang ang pinagsisisihan ko sa boung buhay ko. At yun ay ang maging anak ng reyna mo! Umalis kana!" Humalakhak si Sariwali at dahan dahang naglaho kaya naiwan kaming dalawa sa loob ng kweba. Umupo sa tabi ko si Juan Carlos at hinawakan ang kamay kong nanginginig. "C-carlo? Ikaw na ba yan?" Panigurado ko. Pinisil niya ang kamay ko at inilapat sa dibdib niya. "Ako na 'to Ally" Ngumiti siya sakin. The same smile that calms me down. Hinawakan ko ang mukha niya. Gusto kong maiyak. Siya na nga ang kaharap ko ngayon. Inilapit niya ako kanya at niyakap ako. Then I felt so safe, so secure like no one can ever harm me again. Naluha ako at niyakap siya pabalik. Kararating ko lang tapos ganito na agad ang mangyayari. He rubbed my back to comfort me. "Shhhh. Nandito na ako. Wala ng makakapanakit sa'yo" he whispered. I hugged him tighter and silently thanked him for saving my life. Kung hindi siya dumating hindi ko na alam kung saan na ako pupulutin. "Patawarin mo ako kung iniwan kita ng gabing yun. Nabigla lang ako" I heard him speak again at kumalas siya pagkakayakap ko para makita ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. I stared at his eyes. They were filled with emotions I couldn't read. "Umasa ako na sana hindi kana babalik para malayo ka sa kapahamakan pero masaya ako na nandito kana ulit. Hindi ko lang alam kong anong magagawa ko kung may mangyaring masama sa'yo ulit" malungkot niyang sabi. "Paano mo ako natagpuan?" Nagtatakang tanong ko. "Nakikita mo yan?" He pointed to a small birthmark on my right hand. "Inilagay ko yan sa'yo nung bata kapa. Tanda ng pangako sa'yo" Inalala ko ang sinabi niya dati sakin na dapat ay hindi ko na matandaan. "Pupuntahan mo ako kahit nasaan pa ako" sabi ko habang nakatitig sa kanya. Tumango siya. "Naka konekta ka sa akin Ally. Nararamdaman ko kung kailangan mo ako. Kaya patawarin mo ako kung hindi kita natulungan agad" Napatango ako. Kaya pala nung muntik na akong matuklaw ng ahas bigla nalang siyang sumulpot. At noong tinawag ko siya sa kalaliman ng gabi ay dumating siya agad. "Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kapag may nangyari ulit sayo. Kaya umasa akong hindi kana babalik ulit" His eyes were full of pain na hindi ko maintindihan. "N-nakausap ko si Kaptan" pag amin ko. "Ano?" Gulat na tanong niya. "Matagal ng hindi nagpapakita si ama sa kahit kanino. Ano'ng sabi niya sayo?" "Binalaan niya ako na mapapahamak ako kapag hindi kita nilayuan. P-pero bumalik ako kasi..." hindi ko nasabi agad ang kadugtong. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para aminin sa kanya ang totoo. "Juan Carlos bumalik ako kasi m-ma-" Pinigilan niya ako sa sasabihin ko na ikinabigla ko. Naging seryoso ang mukha niya. "Ally makinig ka, ihahatid kita pabalik sa resort. Wag kang aalis doon hanggat hindi ako ang pumunta sa'yo. Naiintindihan mo ba? Delikado ang buhay mo kaya mas mabuti ng nandon ka lang. May pupuntahan akong importante na pwedeng makatulong sa'tin" diretsa niyang sambit. "P-paano kung balikan ako ni Sariwali at magpanggap ulit siya na ikaw?" "Kilala ko si Maguayen. Alam ko ang takbo ng utak niya. Hindi niya na gagamitin si Sariwali ulit. Maaaring may iba siyang ipadala para patayin tayong dalawa. Kaya mag iingat ka. Wag kang sasama sa kahit na sino lalot hindi mo kilala. Naiintindihan mo?" Seryosong tanong niya. Tumango ako. "Halika ka na. Ihahatid na kita" tinulungan niya akong makatayo. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na kami sa kweba. Ng makalabas kami iba na ang nadatnan kong lugar. Nasa may likod lang pala kami ng resort. Pero sigurado akong hindi ito ganyan kanina. Naisahan nga talaga ako ni Sariwali. Nakarating kami sa gilid ng resort kung saan niya rin ako hinatid dati. Ngumiti siya sakin bago siya nagpaalam. "Mag-iingat ka Ally" And without warning, he went close to me and kissed me on the forehead. It was light like a feather. Hindi ako nakapagsalita. He gave me a smile then he wave his hand and he glowed and started to disappear. Naiwan akong nakatulala. Did he just do that? Impit akong napatili. Did he really kissed me? Ang hirap i explain ng nararamdaman ko pero alam kung kinikilig ako. Hays. Lumingon lingon ako sa paligid. Baka may makakita nanaman sakin at isiping engots ako. Tinago ko nalang ang nararamdaman ko at kahit gusto kong magsisigaw, I stopped myself. Parang kailan lang malapit na akong mamatay tapos ngayon mamatay na nga ata ako. Mamatay sa kilig. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa beach house ng makakalma ang puso ko. Ilang metro palang ang layo ko sa porch ng lumabas si Tita na naka orange sundresss. Malawak ang ngiti niyang lumapit sakin. "Ally, nandiyan ka lang pala. Bilisan mo sa loob at may bisita ka" Ha? Sino naman kaya 'to? Wala akong ibang kaibigan kaya walang ibang pwedeng bumisita sakin. "Sino Tita?" "I forgot the name! Kaibigan mo raw. And oh honey, wag kang mag alala. Diko sasabihin sa mommy mo" she winked and kissed me goodbye. Mas lalo akong na curious sa huling sentence niya. Binilisan ko nalang ang paglalakad papasok sa bahay. I opened the door and my eyes went straight to the person sitting on the couch. Napatayo siya ng makapasok ako at ngumiti. "Hi Ally!" he greeted. Napakunot ang noo ko. "K-Keith?!"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม