"Anong ginagawa mo dito?" I asked Keith when we reach one of the cottages. Inaya ko siyang lumabas ng beach house para doon na kami mag-usap.
Nakapamulsa niya akong hinarap. Pa'no niya ba nalaman na nandito ako. Hays, si Freya na naman. Pag nagkataon talaga at kriminal ako tapos tinanong siya ng pulis kung asan ako, malamang nakulong na ako ngayon.
"I wanted to talk to you" he simply replied at naupo sa isa sa mga round chair doon.
"About what exactly?" Ganun ba talaga ka importante ang sasabihin niya at sinundan niya pa talaga ako dito?
He took a deep breath at lumapit siya sa akin. He reached out for my hands na ikinagulat ko. Keith is acting really weird. He lightly pressed my hands and stared straight into my eyes. There was something in them that made me uncomfortable.
"I know it's too soon to say this to you pero I think if I let this go then I may not be able to grab another chance. Umalis ka agad ng hindi nagsasabi kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon" malumanay niyang sambit.
"What do you mean?"
"Ally, do you remember what I told you back in Manila? About fighting for what you feel? About facing it? Hindi ko yun magawa sa sarili ko kasi natakot ako. But trust me. I'm doing it right now... Ally, I like you"
My eyes widened, hoping I didn't heard what I think I hear.
"What are you talking about?" Kunot noo kong tanong. I attempted to pull my hands back pero hinigpitan niya ang pagkakahawak.
"Look, naiintidihan ko Ally. Alam kong binigla kita. The truth is matagal na kitang gusto. Since highschool pa. Parati kitang nakikita na kasama ni Freya but I never tried to approach you kasi alam kong ayaw ng parents mo na may kaibigan kang lalaki" he smiled.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. I don't know what to do or what to say. I feel nothing but shock and surprise.
"Keith ano kasi...p-parang ang bilis naman yata" mahinang sabi ko.
He pressed my hands. "Ally, I'm not pressuring you and I don't want to. Gusto ko lang malaman mo. Ally I'm willing to wait. Kahit gaano pa katagal. Just when you're ready"
****
Nagpaalam ako kay Keith pagkatapos ng tagpong iyon. Sabi ko sa kanya may gagawin pa ako pero ang totoo gusto ko lang talagang mapag isa. Magulong magulo ang isip ko. My life is already complicated and here goes Keith adding complexity to my already stressful life.
Naglakad ako papunta sa dalampagisan at naupo ako sa boat dock. The sea was peaceful which is a total contrast to my stormy mind. Bumuntong hininga ako. Ngayon pa talaga Keith? Ngayon pa na sigurado na ako sa sarili ko na si Juan Carlos ang mahal ko? Siguro kung noon niya inamin sa'kin ang feelings niya baka pinatulan ko siya. Keith is a nice guy. Mabait siya, gwapo, matulongin, and a very thoughful person. He's also kind of funny. Mula din siya sa isang magandang pamilya which makes him quite a catch. Kahit naging masaya ako sa kaunting panahong nakasama ko siya, it was never that kind of feeling. Not the same feeling that Juan Carlos makes me feel.
Para kasing ang bilis ng mga nangyayari. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Hindi ko rin naman magawang ipaliwanag kay Keith ang mga kaganapan sa buhay ko dahil sigurado akong hindi niya ako paniniwalaan. Magmumukha lang akong tanga. Hays. Ano kayang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya na kalimutan niya na lang ang nararamdaman niya para sa'kin? Hindi kaya yun offensive pakinggan? I pinched my cheek a number of time to be able to think straight.
"Nag iisa ka yata, ija"
Napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko at nakita si Aling Susan. She's wearing her usual plaid dress and sunny sandals. Nakapusod ang buhok niya and she's smiling sweetly at me. May dala dala siyang basket ng mga gulay.
"Ah, wala po. May iniisip lang" I smiled back at her.
"Mukhang ang lalim niyan ah" sabi niya. "Halika na sa bahay at ipagluluto kita ng sinigang"
"Talaga ho?" Lumiwanag ang mukha ko sa narinig. Nagugutom pa man din ako. Hapon na ako nakauwi at hindi pa ako kumakain.
Bumalik ako sa rest house kasama si Aling Susan. Kaagad siyang naghanda ng mga lulutuin niya. Nag presenta akong tumulong sa paghihiwa ng mga rekado.
"May problema kaba Allysandra? Napapansin kong parang kanina kapa malungkot" Her voice was soothing and gentle which made me miss my mom.
I managed a smile. "Wala po ito Aling Susan. Maliit lang po" sagot ko kahit ang totoo gulong gulo na talaga ng isip ko.
Nagluto si Aling Susan ng sinigang at caldereta. The delectable smell occupied the entire kitchen, making my stomach rumble. Mga ilang minuto din ang hinitay namin bago ito tuluyang naluto.
"Wow! Smells yummy!" Tuwang tuwa kong sambit ng ihain na ni Aling Susan ang sinigang.
"Oh, kumain kana!"
"Can you please join me po? Ang po nitong mga niluto niyo" Sabi ko.
"Ha? Eh 'wag na ija" tanggi niya. Pero pinilit ko parin siya. Kumuha ako ng plato, kutsara't tinidor at inilagay sa harap. Mabuti na lang at pumayag din siyang samahan ako.
"Aling Susan nasaan po ba ang pamilya niyo?" Curious kong tanong. Siya lang kasi ang nakikita kong pumupunta dito sa resort araw-araw. N minsan ay hindi ko siya nakitang nagsama ng asawa o anak.
Tumikhim si Aling Susan so I realized na baka masyadong sensitive yung topic. "Nako ija, wala akong pamilya. Mag-isa lang ako sa buhay"
She sounded fine, ni walang bahid ng kalungkotan. Pero kung ako ang tatanongin, parang ang hirap naman yatang mamuhay mag-isa. Wala kamanlang mayayakap na anak o makakapitang pamilya sa mga dagok ng buhay. Hindi ko yata kaya ang ganung set-up.
Life is way too cruel to deal with alone. And it's way harder when you're facing tribulations on your own. May panahon talagang maghahanap at mangangailangan ka ng kasangga sa mga pagsubok. Pero mukhang masaya naman si Aling Susan sa buhay niya.
Hindi na lang ako nagtanong ulit at baka ma offend ko pa si Aling Susan. Ang bait bait niya pa naman sa akin. Baka hindi niya na ako ipagluto ulit ng sinigang. Speaking of sinigang, damn! Ang sarap! Hiyang hiya ang magic sarap at ajinomoto sa luto ni Aling Susan. Hays, mukhang mapaparami ang lamon ko nito. Mamaalam mona ako sa pinakamamahal kong diet.
"Kain kang mabuti ija" sambit ni Aling Susan habang humihigop ako ng sabaw. Nakangiti siya ng malawak habang pinagmamasdan akom Nahiya tuloy ako. Napansin niya yata ang lakas kong kumain. Ikaw ba naman ma-kidnap ng alagad ng kasamaan tapos may susulpot pang isang taong bigla-bigla nalang aamining mahal ka niya, hindi kaba gugutomin sa gulat?
Ngumiti na lang ako kay Aling Susan at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Tumulong ako sa pagliligpit at paghuhugas sa mga pinagkainan namin kahit nag-insist si Aling Susan na kaya niya. Pero nagpumilit parin ako tumulong kaya hinayaan niya na lang ako. Pagod na pagod ako ng makaakyat sa kwarto. Grabe, ang daming nagyari sa araw na ito kaya napahiga na lang ako sa kama.
Habang nakatitig sa kisame, naalala ko si Juan Carlos. Saan kaya siya pumunta? Okay lang kaya siya? Well he's a god. He can take care of himself. Matagal pa kaya bago niya ako balikan? Sinabi niya pala sa'kin na wag munang umalis ng resort hanggat hindi niya sinasabi. Kailangan ko ring mag-ingat dahil palala ng palala ang galit sa'kin ng bruhilda niyang ina.
Naalala kona naman ang mga napanaginipan ko at ang mga nakita ko noong pumunta kami ng mag-Waterfall Resort kami ni Keith. Hindi ko pa nababanggit ang tungkol do'n kay Juan Carlos. Masyado akong na occupy ng takot kaya hindi ko naalalang sabihin sa kanya yun. Matagal tagal din akong nakatulala sa kisame. Hindi kona namalayan ang oras at nakatulog ako agad.
Nagising ako mga alas dyes ng gabi. Hindi na ako nakapag hapunan dahil sa pagod. Biglang nag beep ang phone ko. Ng buksan ko iyon, may nag text. It was Keith asking me to go out for dinner. Gusto ko sanang matulog ulit pero hindi ko naman siya gustong i ditch after niya akong sundan dito sa Samar. Sayang naman yung effort niya tapos hindi ko pa siya papagbigyan. Ang sama ko naman yata. At saka hindi pa rin ako kumakain kaya right timing lang siya.
Nagbihis ako. I just wore a simple black fitted dress and black pumps. Nakabun lang din ang buhok ko para hindi makalat tingnan. I applied minimal make-up, just enough to enhance my features.
Lumabas ako ng beach house at naglakad papunta sa restaurant ng hotel. Keith was already there when I arrived, wearing a white dress shirt and a pair of black pants. He looked great, I would say. Maraming leeg ang napapalingon sa lalaking ganito kalakas ang s*x appeal. Pero hindi talaga ako makaramdam ng kakaiba sa kanya. Hindi pa rin kagaya ng bolta-boltaheng kuryenteng naipaparamdam sa'kin ni Juan Carlos.
He stood up to greet me. I smiled as he pulled out the chair para makaupo ako. It was a usual dinner gesture which I find, ewan, cliché?
"I already ordered for us if you don't mind" sabi niya.
"Yeah sure"
Then there was an awkward silence. Nakatingin lang siya akin. Ako naman, hindi makatingin sa kanya. Ang weird ng ganito na walang nagsasalita. Hindi ako sanay kaya hindi ako naging komportable sa set-up. Mabuti nalang at dumating na yung waiter at nagserve na ng food.
He ordered steak for us which is a specialty of this restaurant. Nagsimula kaming kumain, tahimik pa rin. Hindi ko na natiisan kaya binasag ko na ang katahimikan.
"Nakapaglibot kana ba sa resort?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin at umiling. "About that, I was actually hoping you could show me around."
Napanguya ako sa steak. "Ah sure. I could show you around" I smiled thinly, nariring parin sa'kin ang mga salita ni Juan Carlos na nagpapasirko-sirko sa utak ko na parang sirang plaka.
"Wag kang aalis hanggat hindi ko sinasabi. 'Wag kang magtitiwala sa kahit na sino, naiintindihan mo?"
"Ally"
"Yeah!"
"Okay kalang? I called your name thrice" Kieth said.
"Sorry, may naisip lang ako" Curse my distracted little mind.
Napatigil ako sa pagkain ng hawakan ni Keith ang palad ko. He gently pressed it. "Ally, you don't have to think too much. I just want you to be comfortable with me. Hindi naman kita minamadali"
Tiningnan kong mabuti ang hitsura ni Keith. He is the definition of an ideal guy. Matalino, gwapo, mabait, maasikaso, masarap kasama. Pero hindi ko talaga kayang tingnan ang sarili ko na maging girlfriend niya. I just responded a smile. Wala pa akong tapag para sabihin sa kanya na may mahal na ako at hindi ko rin alam kong saan ako dapat magsimula. Hays, ang hirap ng ganito.
****
After dinner, hinatid na ako ni Kieth sa bahay. Nagpaalam na rin siya kay Tita na impit na tumili ng makaalis ang binata.
"He's handsome ija" puna niya na akala mo nama'y teenager. Natawa tuloy ako.
"Tita, we're just friends"
"Friends? How sad" Ngumiwi siya pero tumawa din at kinurot ako sa tagiliran.
Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang tinuran dahil umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. It was a nice night with Kieth pero si Juan Carlos ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Nakatulogan ko nalang ang pag-iisip sa kanya.
Nagising ako sa malakas na tagaktak na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Dahan dahan akong bumangon, may kung anong kaba akong naramdaman. Lumingon ako sa wall clock na nasa ibabaw ng kama. Alas singko y medya palang ng umaga. Nagpatuloy ang tagaktak sa glass ng bintana kaya kumuha ako ng walis para gamiting pamalo. Mabilis kong hinawi ang kurtina at ambang bubuksan ang bintana para pukpokin ang naroon pero nawala ang kaba ko ng makita ko ito.
A pure white dove was knocking it's beak on my glass window. Binuksan ko ang bintana at lumipad ito sa loob ng kwarto ko. It had something on its talons that it dropped on my bed tapos agad din iton lumabas at lumipad paalis.
Kinuha ko ang bagay na inihulog nito doon na isang nakalukot na papel. Napangiti ako sa mensaheng nakasulat doon.
'Puntahan mo ako sa lugar kong saan tayo unang nagkita mga alas dos ng hapon. Hihintayin kita'
Juan Carlos
My heart fluttered. Halos hindi kona mapigilan ang tuwa at nagtatalon pa ako. Hindi na ako mapakali sa paghihintay na mag alas dos. Mabuti na lang at mabilis na tumakbo ang oras. Alas dose palang at nag ayos na ako. Para akong tanga sa harapan ng salamin. Paulit ulit kong inaayos ang get-up para mag mukhang presentable. Shuta talaga oh, ganito ba talaga kapag inlove? Required mabaliw?
Sa huli ay napag desisyonan kong magsuot na lang ng simple baby blue flowy dress at blue flats. Naka ponytail lang din ang buhok. I just want to keep it fresh and simple.
Lumabas ako ng bahay at nagpaalam kay tita. Pumayag naman siya agad kasi akala niya si Kieth kasama ko. Hindi ko na lang itinanggi kasi baka iba pa isipin no'n. I was smiling so huge habang naglalakad sa bandang pool ng resort. Binilisan ko pa ang lakad ko para makarating agad sa lugar ng tagpuan namin ni Juan Carlos. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na excitement.
Tahimik ang lugar ng dumating ako. Wala pa siya roon at tanging hangin lang ang gumagawa ng ingay sa mga puno ng niyog. I stared down at my wristwatch 1:40 palang. Napaaga yata ang dating ko. Sobrang excited, mem?
"Carlos! Carlos asan kana andito na ako!" I called out. Ilang minuto na akong naghihintay, wala parin siya. 2:10 na.
"Carlos!"
"Ally!"
Excited akong humarap sa nagsalita pero nawala ang ngiti ko ng ibang tao ang makita ko.
"Keith? A-anong ginawa mo rito?" Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kunting inis. Kunti lang naman. Pero still, I'm a little bit disappointed too.
"I'm sorry. Nakita kasi kitang dumaan sa hotel so I decided to follow you. Kanina pa kita tinatawag eh pero hindi mo yata ako narinig. May kasama kaba? You were calling someone" pagsasalita niya pa.
"Ahh, ano kasi..." Hindi ko alam kong anong sasabihin sa kanya. Ba't ba kasi siya nandito!
"Ally sinong kasama mo?" Tanong niya ulit, nakakunot ang noo at naghihintay sa isasagot ko.
"Ako"
Keith and I both turned to the person who spoke. Hindi ko alam kung saan siya galing pero trip niya naman talagang sumulpot kahit saan. Matalim ang titig niya kay Keith.
"Ako ang kasama niya" Juan Carlos told Kieth, voice cold and firm
"...may problema ba?"