Chapter 17: Competition For Two

2743 คำ
Nagpabalik-balik ang tingin ni Keith mula kay Juan Carlos patungo sa'kin. He had an expression I couldn't read pero mas nangingibabaw sa mga mata niya ang gulat at pagtataka. Carlos just stood there in front of him with an emotionless face, pero matalim ang tingin niya kay Keith at wait, sa'kin? Hindi ako sanay na tinitignan niya ako ng ganyan. His stare was piercing, parang kinikilatis ang buo kong pagkatao. Then he shifted his gaze at Keith who stared at him the same way. Ewan ko pero ako ang kinabahan sa pagtititigan nila. It was so intense kaya ako ang hindi mapakali. Ano bang meron,  magsalita naman kayo mga gegongs! "And you are?" Biglang tanong ni Keith kay Juan Carlos. I decided to step infront of Keith. "Uhm, Keith this is Juan Carlos...ano...kaibigan ko. Juan Carlos, si Keith kaibigan ko rin from Manila" Inilahad ni Keith ang kamay niya kay Carlos. "Nice to meet you, pre" Tinitigan lang muna ni Carlos ang palad ni Keith kaya napalunok ako. Pero nabunotan ako ng tinik ng abotin niya yun at nakigpag-handshake. Yung tipong nasobrahan sa diin ang pagkakamay nila. "Nice to meet you too" Nanlaki ang mga mata ko. Parang may mali, ah? Nagsalita ba siya ng English? Tama ba yung dinig ko o guni-guni ko lang yun! And d*mn, he had an accent! He never spoke English infront of me. Nasanay ako sa puro niyang pananagalog. Ang weird lang. But I won't deny the fact that it sounded great. Sa wakas, binitawan din nila ang isa't-isa. Pero hindi parin ako naging komportable na kasama silang dalawa sa iisang lugar. Then there was silence. Nagtititigan parin yung dalawa at hindi ko na nakayanan kaya binasag ko ang katahimikan. It was very, very awkward! "Weeww! So ano ba? Are we just gonna stand here?" I chuckled unsteadily. "Maupo nga tayo" turo ko mga malalaking bato sa ilalim ng lilim ng mga puno ng niyog na parang mga stool. Hindi ko maalalang may ganito dati sa lugar na ito. Naglakad si Juan Carlos at nilagpasan ako. Pero ng dumaan siya sa harapan ko, may sinabi siya na ikinabigla ko. "Kaibigan pala, ah" walang emosyong tugon niya at hindi manlang ako tiningnan. Dumiretso lang siya at lumayo sa akin. Ano'ng ibig niyang sabihin? "I didn't knew you had a friend here" Keith suddenly said behind my back so I turned to him. "Ahh, we just met recently" I smiled. "Really..." he said and like Juan Carlos, he walked past me. Anong bang mga problema nila? Sumunod na lang ako sa kanila at naupo sa isang malaking bato. Si Juan Carlos nakatayo at nakasandal sa isang puno habang nakaupo sa tapat ko si Keith. "So where are you guys headed?" He asked. Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. "Wala, maglalakad lakad lang" I uttered. Hindi ko naman kasi talaga alam kong saan kami pupunta. "Cool! Can I come?" Tanong ni Keith, hindi ako sure kong naeexcite ba talaga siya o ano. Hindi naman kasi siya mukhang excited. "It wouldn't be a problem, right?  I mean, you promised to show me around" Si Juan Carlos na nakatingin sa malayo kanina ay biglang napaharap sa amin. Nakakunot ang noo niya at may bahid ng inis sa mukha niya. He looked straight into my eyes as if waiting for my response. Bigla tuloy akong kinabahan sa dapat kong isagot kay Keith. I faced Keith, managing a smile. "Yeah, s-sure. T-that w-would be great" I saw Juan Carlos heaved a breath then looked away. He looked disappointed pero bahala na. Hindi ko rin kasi magawang ayawan si Keith. I hope my decision won't cause me trouble. Bigla tuloy akong napadasal ng tahimik. 'Ang sabi ko sa'yo pumunta ka dito. Porke't hindi ko sinabing 'mag-isa' ay magdadala kana ng kasama!' Napaayos ako ng upo ng marinig ang boses ni Juan Carlos sa isip ko. Gulat akong napatingin sa kanya pero hindi niya man lang ako nilingon. Napansin ni Keith ang inasal ko. "Are you okay?" He asked. "You look like you've seen a ghost" I tried to act normal and smiled at him. "Yes, I'm fine. May naalala lang" I said and glanced at Juan Carlos na malayo pa rin ang tingin. I still can't believe that he communicated with me telepathically. It was really odd and it felt strange. "Ano pa bang inuupo-upo natin dito, nasasayang ang oras!" Untag niya sa'min. "Halina kayo!" Then he walked away just like that. Agad akong napatayo. "Let's go Keith" I tried to catch up on Juan Carlos kasi ang bilis niyang maglakad. Napatakbo tuloy ako. Sumunod lang sa amin si Keith na kalmado lang ang mukha. Or that's what I thought. "So where are we headed?" Tanong niya sa'kin. Binilisan ko ang lakad ko kasi si Carlos animo'y nagmamadali. "Wag ka nang magtanong. Sumunod ka nalang!" Sagot niya kay Keith. Narinig niya y'on? Ang layo niya na, ah? At ang sungit niya ngayon. Ano kayang problema nito. Wala ng nagsalita sa amin habang papalayo kami sa dagat. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Carlos dahil hindi pamilyar sa'kin ang daang tinatahak namin. Matagal-tagal din kaming naglakad at hinihingal na ako pero si Juan Carlos mukhang hindi napapagod. Then I remembered that he is a god. But do gods don't get tired? Napalingon ako kay Keith na pinagpapawisan na rin. "Are we there yet?" Tanong niya kay Carlos. Carlos turned to us. Hindi ko makita sa mukha niya ang pagiging kalmado niyang tao. "Malapit na" He replied then he turned his attention to the road again. Paliit ng paliit ang dinadaanan namin at maraming mga sanga ng puno. Medyo maputik din yung daan kasi umulan kagabi. Bigla akong natisod kaya bumunggo ako sa likod ni Juan Carlos at muntik ng matumba. Buti na lang mabilis niya akong nahawakan at napakapit ako sa kanya. Hawak ang braso ko, I met his eyes, dark and piercing pero dahan-dahan ring lumitaw sa mga mata niya ang hinahanap ko kanina pa. The  mystery and that impish gleam in his eyes. Keith cleared his throat. Napaayos ako ng tayo. I saw how Keith's eyes went down to my arm na hawak ni Carlos. Pero imbis na bitiwan, hinigpitan niya ang hawak doon. Walang pasabi siyang naglakad ulit na parang walang nangyari. Pero hindi niya na binitiwan ang kamay ko. Ewan ko kung may kataposan pa ang nilalakaran naming daan. Hindi ko na makilala ang sandals ko dahil puno na ito ng putik. Ilang beses pa akong muntikan ng madulas pero hinihigpitan ni Juan Carlos ang pagkakahawak sa akin. "Are you guys sure na tama ang dinadaanan natin?" Keith said in an irritated tone. Juan Carlos turned around. "Baka gusto mo ikaw na ang mauna. Lead the way then" Carlos fired back, still keeping his grip on my arm. Naninibago talaga ako sa pagsasalita niya ng English. "I didn't said anything like that" "Ganun naman pala eh. Edi 'wag mo akong tanongin kung tama ba ang dinadaanan ko kasi ako ang nakakaalam kung saan tayo papunta. Hindi ikaw" Then he turned his back on Keith and walked away, letting my arm loose. I gave Keith an apologetic smile before running after Carlos who walked extra fast. Sinasadya niya bang maiwan kami? Nang maabotan ko siya, agad ko siyang kinalabit sa tagiliran pero walang epekto yun dahil hindi siya kiniliti. "Ang init naman yata ng ulo mo ngayon" I told him. No response. "Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" Pangungulit ko. "Wala! Kalimutan mo na y'on!" "Ang sungit mo naman" Napairap ako. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi lang pala siya galit ngayon, naging snob pa. Bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya bumunggo ako ulit sa likod niya. "Bakit? May problima ba?" Takang tanong ko. Tinignan niya ako ng kakaiba at kabadong nagpalinga-linga pa paligid na animo'y may pinakikiramdaman. Tapos lumingon siya kay Keith na kakalapit lang sa amin. Nagtaka din ito. kung bakit kami tumigil. "Dito muna kayo. May titingnan lang ako." He said to me. He sounded calm but he's face said otherwise. Then he turned to Keith "Wag kayong aalis hanggat hindi ako bumabalik. Sandali lang ako" He left. Sumuong siya dun sa damohan at sa mga sanga ng puno at naglaho sa paningin namin. Hindi ko alam kong bakit ako kinabahan. Ano kayang problima? "So he was a friend huh?" Keith said when Juan Carlos was gone. "I already told you that" I said, not looking at him. "I don't like him. And I don't trust. You're. Friend" Direstsa niyang sabi. "Why?" I asked kahit ang totoo kanina ko pa yun ramdam. "Dunno. I don't trust a guy like that. Do you even know him? I mean the 'real' him?" Hindi na ako nakasagot dahil bumalik na si Juan Carlos. Maliwanag na ang mukha niya kaya nawala ang kaba sa dibdib ko na baka may kapahamakan na namang naghihintay sa amin. "Tara na!" Sabi niya. "Nandiyan na ang ilog sa likod no'ng malaking acacia" To my surprise, he grabbed my hand again and walked, slightly dragging me along because of his long stride. At tama siya, ng makalagpas kami sa malaking acacia, naroon nga ang isang malaki at magandang ilog. Nakaramdam kaagad ako ng pagkamangha. Pati si Keith na kanina lang ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ay namangha din sa  ganda ng lugar. Nakita ko siyang ngumiti. Ang linis-linis ng tubig na animo'y kristal. Kitang-kita ang mga bato sa ilalim noon dahil sa napakalinaw nito. May malalaking bato sa gilid ng ilog at di kaluyuan mula sa kinatatayoan namin ay may mga batang naliligo at nagtatampisaw sa malamig at preskong  tubig ng ilog. Isang batang babae ang nakapansin sa pagdating namin. Gumuhit sa maliit niyang mukha ang ngiti at tumakbo ito papunta sa amin. "Kuya Carlos!" Masayang bulalas nito at lumapit kay Carlos. Kahit basa ay yumakap ito sa kanya. Hindi naman inintindi ni Carlos kung mabasa ng bata ang shorts niya. "Bakit ngayon lang po kayo bumalik? Ang tagal na po namin kayong hindi nakita!" "Pasensya kana Grace, naging abala lang ako" Masuyong hinaplos ni Carlos ang pisngi ng bata. Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Ganyang-ganyan ding makitungo sa'kin si Juan Carlos. Ang daya lang niya kasi simula nong una ko siyang nakilala hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang hitsura niya. Kasi nga imortal siya. Hindi siya tumatanda. Hindi ko pa natatanong sa kanya kung ilang taon na siya. Saka na lang pag nagkaroon ako ng chance. Curiosity kills kaya. "Okay lang po!" Nakangiting saad ni Grace. "Erik, Sarah, Chito! Si Kuya Carlos!" Tawag pa nito sa ilang batang naliligo din doon. Nasa pito ang mga batang nagsitakbohan sa amin. At sa tantiya ko, nasa mga pito hanggang walong-taong gulang ang mga ito. Nag-agawan pa sila sa pagyakap kay Juan Carlos na tuwang-tuwa sa pagkikigpagkulitan sa kanila. Napangiti ako. Mahilig pala talaga sa bata itong si Carlos. Ipinakilala din niya kami ni Keith sa mga bata na kinulit naman kami tungkol sa mga sensitibong bagay. "Mag-jowa po ba kayo?" Turo no'ng maliit na batang lalaki na tinawag nilang Erik sa amin ni Juan Carlos. Napaigtad ako sa tanong na yun. Tumawa ng malutong si Juan Carlos at umupo sa harapan nung bata. "Ah hindi Eric" Tapos humarap siya sa'kin "Magkaibigan lang kami" Napakunot ang noo ko. Yung pagkakasabi niya kasi sa 'kaibigan' parang may panunumbat. Inis akong tumalikod sa kanya. Si Keith sa tabi ko kasalukuyang may on-going interview kay Sarah at sa isang bata na ang pangalan ay Karl na kung ano-ano lang ang itinatanong sa kanya. Like ano ang Manila. Anong meron sa Manila. Bakit may Manila?  Buti na lang hindi mainipin itong si Keith pagdating sa makukulit na mga tsikiting. Naghanap ako na mauupoan sa lilim na isang malaking puno ng narra. Sobrang nangalay ang mga paa ko at puno pa ng putik. Naglakad ako sa ilog at naglinis ng madumi kong paa bago ako bumalik sa inuupoan ko. Hays, ang sarap ng simo'y ng hangin. Ang lamig. Kahit papaano, naibsan ang tensiyong namamagitan kay Juan Carlos at kay Keith dahil na-busy sila sa mga bata kaya nakahinga na ako ng maluwag sa wakas. Napapikit ako, nilalanghap ang sariwang hangin. "Ate Ally pinapabigay po" Napadilat ako ng mata at nakita sa harapan ko si Grace na hawak ang isang puting daisy. Nakangiti siya ang malapad. I smiled and took the flower from her. "Sa'n galing 'to?" "Kay kuya Carlos po" she smiled and ran back to Juan Carlos na may ibinubulong kay Chito na tumawa ng malakas. "Ate para sa'yo daw po" Untag naman sakin ni Karl, hawak niya rin ang dalawang orange na daisy at isang dilaw na bulaklak na hindi ko kilala. "Bigay po ni Kuya Keith" Tinanggap ko ang bulaklak at umalis na si Karl. Saan nila nakuha ang mga 'to? Saka ko lang napansin na napakarami pala ng mga bulaklak ang nasa paligid na natural na tumutubo sa damohan. May mga daisy na iba't iba ang kulay, may mga yellow na bulaklak at may mga puti din. "Ate" nakangiting tawag ulit ni Grace. This time she's holding pink orchids na alam kong galing na naman kay Juan Carlos. Nang makaalis si Grace, sumulpot naman sa likuran ko si Karl na may hawak na birds of paradise. Nagpabalik balik ang dalawang bata na ginawang flower delivery nina Carlos at Keith hanggang sa nakabuo ako ng dalawang bouquet! Grace and Karl came back at the same time, each carrying a rose. Natawa ako sa kanila kasi parang ginawa na nilang competition ang bagay na ito. Kinuha ko yun sa kanila. "Sabihin niyo sa mga nagpapabigay nito na tama na ha? Ako ang napapagod sa ginagawa niyo eh! Sabihin niyo, okay na 'to" turo ko sa dalawang bouquet na ginawa ko. "Sabihin niyo na i-inform ko nalang sila kapag magpapagawa na ako ng floral shop" Tumango naman ang dalawang bagets at nagsilayas sa harapan ko. Buti na lang at walang kapagoran ang mga batang kagaya nila. I happen to glance at Grace as she ran towards Juan Carlos. She whispered what I said to him that made Carlos laughed and glanced and smiled at me. "Ate Ally, hindi po ba kayo maliligo?" Tanong sa akin ni Erik na kakaahon lang. Tumutulo pa sa katawan niya ang tubig. "Naku Eric wala akong dalang damit panligo eh, at tsaka, hindi pwedeng panligo itong suot ko ngayon" Nakadress kasi ako kaya hindi talaga ako pwedeng maligo kahit kanina ko pa gusto. Nakita ko si Juan Carlos na hinahatak ni Chito at Grace patungo sa ilog. Tumatawa siya at pilit tinatangihan ang dalawa. Wala na siyang nagawa ng pagbabasain siya ng mga ito. "Ate Ally, sige na please?" Nag puppy eyes pa si Erik sa akin kaya natawa ako. Lalaki 'ata itong may future sa pagiging dalaga at hindi sa pagiging macho. "Erik, pasensya kana ah pero hindi talaga pwede eh" Tangi ko parin. "Sige na po" pilit niya pa rin. "Nandoon naman si Kuya Carlos oh" Napatingin ako kay Juan Carlos na tawa ng tawa habang binabasa nung dalawang bata. He looked so happy and carefree playing around with those kids. Hindi ko tuloy namalayan ang paglapit sa akin ng dalawa pang bata na nakilalang kong sina Grey at Ethan. Hinatak nila akong tatlo patungo sa ilog kahit pilit akong tumatanggi pero sa huli wala na akong nagawa. Natatawa na lang ako sa ginagawa nila dahil hawak-hawak ni Eric ang hemline ng bestida ko. Mabuti na lang at may shorts ako sa ilalim. Kundi jusko!   Nang makalapit sa pampang ay tinulak nila ako sa tubig. Ang lalakas nila ah! Napatili ako ng bumagsak ako sa tubig. Splash! Wala na akong nagawa ng mabasa ako at tumama ako sa likod nanaman ni Juan Carlos na basang-basa na at tawa ng tawa. Napaharap siya sakin ng mahulog ako sa tubig dahilan para mapakapit ako sa kanya. Hanggang tuhod lang naman ang lalim ng kinatatayoan namin pero pakiramdam ko lumulubog ang buo kong katawan. Nanatili siyang nakangiti habang nakatitig sa akin. "Ayiiieeee!" Kutya ng mga bata sa paligid namin at pinagbabasa kaming dalawa. "Tama na yan!" Tumatawang saway ko pero hindi sila tumigil. "Hayaan mo na sila" Juan Carlos said and stared at me. Tuluyan na nga akong nabasa. Pero wala na akong pakialam dun. Napangiti na rin ako habang nakatingin sa kanya, water dripping on his face. I just met his gaze as the kids splashed water on us. He kept his eyes locked mine, still keeping that smile on his face. My heart fluttered. At this moment, nothing else seemed to matter. It was just me and him. Right here and right now...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม