Chapter 18: Dominion of Air

2859 คำ
His smile was genuine and I can almost hear his breathing. He leaned closer down on me and my heart raced crazily. He was too close it's making me uncomforatable. Then he whispered something in my ear. "Puntahan mo na yung kaibigan mo. Mukhang masama na ang timpla ng mukha eh. Baka maya-maya maging dragon na yan" Juan Carlos said then turned his back from me. Sinaway niya ang mga bata na tumigil naman at nagsisunuran siya kanya. Naiwan akong nakatanga. Anong nangyari? Gano'n na lang y'on? Pagkatapos nila akong basain iiwan nila ako dito? My gaze went to Juan Carlos na tuluyan ng naligo kasama ang mga bata. He managed to stay in the shallow parts to keep the kids safe. Good thing the current of the water isn't swift. Hinarap ko si Keith. Hindi ko maipaliwanag  ang ekspresiyon ng mukha niya. Ng humarap ako sa kanya,   umiwas siya ng tingin at humarap sa malayo. It was awkward that he had to witnessed "that churva ek-ek" between me and Juan Carlos. Nakaramdam tuloy ako ng hiya at guilt. Keith admitted that he loves me and here I go, keeping my attention to Juan Carlos, the person who never told me his feelings. I don't have any idea if he loves me or not. Umahon ako sa tubig at dahan-dahang naglakad palapit kay Keith. He still wasn't looking at me. He kept himself busy on throwing pebbles on the water. Nasa likod niya sina Sarah at Karl na kasalukuyang nagbabarbecue ng dahon. The wind blew on me, making me chill. Lumingon lang si Keith sa akin ng makalapit ako sa kanya. Ngumiti siya ng pilit. Then he gestured me to sit beside him. "Are you cold?" He asked. "Cover this to yourself" Inabot sakin ang jacket niya. " Bakit ka kasi naliligo na nakaganyan baka magkasakit ka. Hindi ba yo'n alam ng friend mo?" I saw how his eyes went to Juan Carlos na umahon na sa tubig kasama ng mga bata. "It wasn't his fault" I defended. I didn't know why I was doing this but I felt the urge to do so. "It was the children" Napangiti ako ng maalala ang ginawa ng mga bata sa akin. Umirap si Keith at tumingin muli sa malayo. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin siya kanya. I'm running out of words to say. Which is a usual case since I'm not the talkative type. "Ate Ally, ito daw po muna isuot mo. Baka ka daw kasi lamigin at magkasakit sabi po ni Kuya Carlos" Nakangiting abot sa'kin ni Eric ng isang puting bestida. "Sa'n niya nakuha 'to?" Nagtatakang tanong ko. Wala naman kasing dala si Juan Carlos ng pumunta kami dito. The three of us carried nothing but ourselves because this trip wasn't planned after all. Kaya nakakapagtaka kung saan niya nakuha ang bestida. Pero nagkibit balikat lang si Eric kaya hindi niya rin siguro alam. "Sabihin mo thank you, ah?" I told the little kid. He gave me a cute grin and walked away merrily. "Get changed" Keith said, eyes staring on the dress I had on my hand. "Where'd he get that anyway?" The question sounded really wrong. Ako rin naman nagtataka pero alam kong magkaiba ang laman ng isip namin ni Keith. Though I already had my suspicions, I managed to smile at Keith and tried to sway his thoughts away. "I'll  just change" Nagpatulong ako kay Sarah sa pagpapalit na damit doon sa may damohan, ginawa ko na ring tapis ang malambot na jacket ni Keith. Saka ko lang na realize na ang ganda pala ng bestidang binigay sa'kin ni Juan Carlos. It was made of soft cotton and fine linen. The look of the dress comfirmed my initial thoughts. Juan Carlos used his powers to provide this dress that's why he was able to give me something kahit wala naman siyang dala. I didn't knew he had such good taste on dresses. Maaliwalas yo'n sa katawan. Kahit basa pa ang ibang kasuotan ko sa katawan, sinuot ko parin ang bestida. Mas okay na ang ganito kaysa magkasakit ako. I would admit that I felt special wearing it. Nang makabalik kami ni Sarah sa may ilog, magkaharap ng nakaupo sina Keith at Juan Carlos at parang may pinag-uusapan sila. Then I sensed na parang nagtatalo sila. I saw Juan Carlos smirking playfully habang nagsasalita si Keith na nakatalikod sa akin. Ng mapansin nila ako, bigla silang natahimik na dalawa. Na curios tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa, nakakunot ang noo. Tiningnan ko silang dalawa. "Are you guys okay?" "Ooh!" Sabay nilang sagot. At pareho silang tunog...galit. "Ang cute niyo" I laughed. Juan Carlos raised his brow at me. Keith just looked chill with a hint of irritation. I laughed at their faces again because they really look adorable when grumpy. And it was when my stomach rumbled. Oopps! Juan Carlos laughed at me kaya nawala ang ngiti ko. Keith's lips also started to form a curve. "You're hungry" I grinned. Ang totoo niyan, kanina pa talaga ako nagugutom eh. Sa nilayo-layo ng nilakad namin sino ba namang hindi gugutomin. Hindi ko lang yun napansin agad kasi masiyado akong natuwa sa magandang tanawin ng ilog at sa kakulitan ng mga bata. Idagdag pa ang presensya ng dalawang lalaking parang maya-maya lang magbabangayan na. May kanya-kanya pa silang alalay na bata. "Hindi ka ba kumain bago ka pumunta dito?" Tanong ni Juan Carlos. I shook my head. Pero bago pa ako makasagot, nagsalita si Keith. "Ally, you like buko, right?" Keith suddenly asked, making Juan Carlos and me turn to him at the same time. How I wish Keith never brought that up. Besides the fact that I was really, really in love with buko, gutom rin ako sa kasalukuyan. Ang problima lang kasi, nag presenta si Keith na siya ang aakyat sa puno ng niyog. I was really never sure of this and the idea made me feel nervous. Alam ko naman n sa buong buhay niya, hindi niya pa nagawa yun kasi ano ba namang alam sa buhay probinsiya? Eh laking Manila siya. Juan Carlos even told him na siya na lang ang aakyat sa niyog which is pabor sa akin dahil alam kong kaya niya yung gawin ng walang kapagod-pagod. Hindi naman sa masiyado akong bilib sa kanya pero simulat sapol nandito na siya at sanay sa ganitong pamumuhay. Pero nag-insist parin si Keith. Nagkibit balikat na lang si Juan Carlos at hinayaan siya. "Let's see what you've got then" he whispered on that accented English that made me twitch. I saw the smirk that formed in his lips even if he tried to conceal it from me. I wanted to freak out when Keith started to climb the coconut tree. Nako talaga! 'Pag ito talaga nahulog diyan ewan ko na lang. Sana lang may pagka Apollo 'tong si Juan Carlos at bigla siyang mag-transform into a god of medicine. Incase...alam niyo na. Keith started his ascent on the tree after taking off his shoes. Unang hakbang palang yun pero kita ko na sa mukha niya na nahihirapan siya. Pero pilit niya yung itinago sa amin. Tumayo sa tabi ko si Juan Carlos na nakatitig din kay Keith. May pilyong ngiti siya sa labi kaya siniko ko siya. He moved a step away from me. "Ano?" "Why are you looking at him like that?" Saway ko sa mahinang boses at baka marinig pa ni Keith. "Bakit ba? Wala naman akong ginagawa ah! Tinitingnan ko lang yang kaibigan mong walang kaalam-alam sa pinaggagawa niya" Bulong niya sa'kin. Tiningnan ko siya ng masama. "Oh, ba't ganyan din tingin mo sa'kin? Totoo naman ang sinabi ko ah! Pag yan nahulog ewan ko sa kanya!" Sasagot pa sana ako ng biglang may nangyari. Nahulog nga si Keith sa puno ng niyog. His landing was painful since his face contorted. He crouched on the ground and held his back. Agad namin siyang sinaklolohan ni Juan Carlos. Pati yung mga bata napatakbo na rin kay Keith. "Hey! Are you okay? Oh my god! Nabalian kaba?" Nagpa panic na ako kasi mukhang malakas talaga ang bagsak niya. "Juan Carlos tulungan mo ako! Tulungan natin siya!" Sigaw ko kay Juan Carlos na nakatayo lang sa likoran ko. Aba! Walang planong tumulong? "Ang oa mo! Eh pangalawang hakbang niya pa lang yun eh! Ang baba pa no'n no!" May bahid ng inis ang mukha niya. "Kahit na! He's hurt!" Sigaw ko. "No Ally, I'm okay!" Keith said, trying to stand up. "'Wag ka ng tumayo" I stopped him, making sure he was really fine. "Omg, are you sure you're okay?" Pagnagkataon at nabalian 'to parang kasalanan ko pa yata. Juan Carlos just rolled his eyes. "Pabida kasi" bulong niya sa sarili niya na narinig ko parin. "Okay lang siya. Ang layo no'n sa bituka, eh! Sabi ko na kasing ako na lang" And just like that, he walked towards the tree and started climbing. He did it with ease, bawat hakbang at kapit ay parang wala lang sa kanya. He didn't need to be a god to climb a coconut. Ng makarating siya sa tuktok, pumili na siya pwede naming makain dun. Tinulungan ko naman si Keith na makatayo. Hindi naman pala malala yung injury niya. Oa nga lang pala talaga ako. "Umalis kayo diyan kung ayaw niyong sa mga ulo niyo ang bagsak nito!" Juan Carlos yelled from up the tree. May hawak na siyang isang buko. Dumistansiya kami sa puno na inakyat niya. Pati yung mga bata pinalayo ko doon. Juan Carlos threw the coconut on thd ground, followed by another and another. He moved around the tree to get more kasi marami-rami kaming nandito. "KUYA CARLOS! KUYA CARLOS!" Napalingon kaming lahat ng dumating si Sarah na tumatakbo. Ngayon ko lang napansin na hindi pala namin sila kasama ni Karl kanina pa. "KUYA CARLOS! SI KARL NALULUNOD!" "Ano?" Tanong ni Carlos mula sa taas ng niyog. "SI KARL NALULUNOD! KUYA TULUNGAN MO PO SIYA!" mangiyak-ngiyak na balita ni Sarah. Agad nanlamig ang katawan ko dahil sa tinuran ni Sarah. Si Karl...Dahil sa gulat at marahil ay dahil na rin sa pangambang mapahamak ang bata, tinalon ni Juan Carlos ang puno ng niyog. It was almost as tall as a two-storey building but he landed on the ground with extreme ease. Hindi niya kami pinansin at tumakbo na siya papunta sa ilog. Gumuhit sa mukha ni Keith ang matinding gulat. Napatingin siya sa'kin na nanlaki ang mga mata at namutla. "H-how did he do that?" I was tempted to say "adrenaline" pero masiyado akong kinakabahan sa kapakanan ng bata kaya tinalikoran ko siya at tumakbo sa ako papuntang ilog. Wala na akong pakialam kong anong iisipin ni Keith sa nasaksihan niya. Juan Carlos hurriedly dived into the water to save the drowning child. Karl was already sinking into the bottom when Carlos reached him. Nang mahawakan ito, nilangoy niya agad ang bata sa pampang. Sinalubong ko sila agad. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Inilapag niya sa buhangin ang bata na wala ng malay.  Napaluhod ako sa tabi nila, abot langit ang kaba at takot. "Karl? Karl! Karl gumising ka, andito na si kuya" Hindi gumalaw ang bata kaya nag CPR si Carlos sa kanya. Nakakailang press na siya at bigay ng hangin sa bata pero hindi parin ito gumagalaw. Maputlang-maputla na ito na parang nalalantang gulay. Napaiyak ako, takot sa pwedeng mangyari. Pati ang mga bata nag-iiyakan na rin sa nangyari sa kalaro nila. Lalo na si Sarah na siyang kasa-kasama nito parati. "Karl sige na gumising kana parang-awa mo na! Nandito na ako!" Carlos continued doing CPR but Karl showed no signs of progress. "Karl..." pag-iiyakan ng mga bata. Napayakap na lang ako kay Sarah at nagdasal  na sana maging okay na si Karl. Nakatayo lang si Keith sa tabi ko, namumutla parin. Nakatitig lang siya kay Juan Carlos habang pilit inililigtas ang bata. Pero wala pa ring nangyari. Mas lalong nag-iyakan ang mga bata. Tinigil ni Juan Carlos ang pagsi-CPR. Akala ko susuko na siya. Pipigilan ko sana siya para sigawang may pag-asa pang mailigtas ang bata ng itapat niya ang kamay niya mukha ng bata. Humugot siya ng malalim na hininga, parang nagdadalawang isip sa gagawin niya. Ilang segundo at nagliwanag ang kamay ni Carlos. He closed his eyes, still keeping his palm over Karl's face. Then suddenly, the water came out of Karl's mouth. Hinigop ito ng kamay ni Juan Carlos hanggang sa umubo ang bata. Carlos' palm stayed on Karl's face hanggang dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata kahit nauubo parin. "Kuya...Carlos..." Karl groaned weakly. Carlos sighed in relief. Gano'n din kaming lahat. Then he smiled and pulled Karl into a hug. "Gising kana! Salamat at gumising ka. Karl 'wag mo ng uulitin yo'n ha ? Pinag-alala mo ako" yakap niyang mahigpit sa bata. Napapikit pa siya sa sobrang pasasalamat. Hinimas ko ang likod ni Karl. Naiiyak na rin ako kanina sa takot. Nagpasalamat ako sa Diyos at sinagot niya ang panalangin ko. "Diba ang sabi ko sa inyo 'wag na 'wag kayong pupunta sa malalim? Bakit mo ginawa yun? Pinag-alala mo ako Karl! Anong sasabihin ko sa mga magulang mo kung may nangyari sa'yo" hinaplos-haplos niya ang ulo ng bata. "Nagpapakuha po kasi si Kuya Keith ng rosas dun sa kabilang pampang, hindi ko naman po alam na malalim pala yung nadaanan ko..." mahinang sagot ni Karl. Agad nagdilim ang mukha ni Carlos na parang bagyo. Binitiwan niya si Karl at marahas na tumayo. Pero bago ko pa siya mapigilan, sinuntok niya na Keith. Napaatras si Keith at natumba sa buhangin. "Hayup ka! Muntik ng mapahamak si Karl dahil sa'yo walang hiya ka! Hindi kaba nag-iisip?" Singhal niya kay Keith na napasapo sa bibig niyang dumugo sa tama ni Juan Carlos. "Hindi ko sinasadya! Hindi ko naman alam na-" "Na ano? Na malulunod siya? Ang bata bata niyan! Alam mo ang ginagawa mo ha?" Aambahan niya pa sana ng suntok si Keith pero pinigilan ko siya. "Carlos kumalma ka. Please. Hindi maaayos to kung ganyan ka" "Kumalma? Muntik ng mamatay si Karl  Ally! Tapos kakalma ako? Anong gusto mo? Pasalamatan ko pa yang gago mong kaibigan?" "Carlos, please...kumalma ka muna. Walang mabuting idudulot kung ganito ka!" Pilit kong hinawakan ang kamay niya. "Hayaan mo na siya Ally, kanina pa naman talaga siya galit sa'kin eh dahil sinira ko ang date niyo!" Sagot ni Keith na ngumisi lang. "Wag mong ibahin ang usapan!" Galit na sigaw ni Carlos. "Bakit, totoo naman diba? Kanina mo pa ako pinag-iinitan! Ako ba kasing problima mo sa'kin ha?" "Ikaw ang may problima sa akin! Wala akong ginagawa sa'yo pero ikaw ang nagpapahiya sa sarili mo!" "Gago ka,ah!" Keith said and punched Carlos  in the face who also punched him back. Mukhang wala na silang planong tumigil. "Ano ba!" Sigaw ko dahilan para mapatigil silang dalawa. "Tumigil na kayo! Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Sa harapan pa ng mga bata kayo magpapatayan? Sige magpatayan kayo! Pero parang-awa niyo na 'wag sa harap ng mga bata!" "Pagsabihan mo kasi yang kaibigan mo na h'wag niya akong-" "Keith tama na! Please lang magsitahimik kayo!" Nagagalit na rin talaga ako sa kanilang dalawa. "Really Ally? So ngayon kinakampihan mo pa 'tong gagong 'to!" Turo niya kay Carlos sa sa tingin pa lang ay gusto na siyang balatan ng buhay. "Wala akong kinakampihan! Ano bang pinagsasabi mo?" Pati ba naman ako kakalabanin niya? Juan Carlos tried to step forward but I blocked him as I faced Keith. Keith just smirked. "Ally, do you even know this guy? Nakita mo ba yung ginawa niya kanina? There's something not normal about him! Paano kung may gawin siyang masama sa'yo o sa'tin! Sa kahit kanino! You don't know this guy Ally! Kapahamakan ang dala niya sa'yo!" "Umalis kana!" I yelled at him, anger ruining my urge to stay calm. "What? No way! Hindi kita iiwan kasama ang taong yan!" "I said umalis kana!" I yelled again, finally losing my cool. Keith scoffed. "I can't believe I'm hearing this sh*t from you!" With a fierce face, he stormed off. Ng mawala si Keith sa harapan ko, hinarap ko ulit si Juan Carlos. Nawala na ang galit sa mukha niya. Napalitan na ito ng lungkot. He turned his back from me and faced the kids. "Kuya, uuwi na po kami" paalam ng pinakamatanda sa kanila na si Ethan. "Hinahanap na po kami ngayon sa hacienda" "Hindi, ihahatid ko kayo. Hindi kayo uuwi ng kayo-kayo lang" mahinang tugon ni Juan Carlos. "Carlos..." I called, dahan-dahan ng kumakalma. "Umuwi kana. Sundan mo na si Keith" sabi niya, hindi ako hinaharap. "Ano? So ganun-ganun na lang yo'n ? Basta-basta mo nalang ako papauwiin? "galit na singhal ko. "Tama si Keith Allysandra. Mapapahamak ka kapag kasama mo ako. Wala akong ibang dala kundi yun" he said, eyes gleaming with sadness. "Hindi na sana kita pinuntahan ulit. Hindi na sana ako nagpakita pa sa'yo. At higit sa lahat, sana hindi ka na lang bumalik" "What do you mean?" "Ally...ayokong may mangyari pang masama sa'yo. Hindi ko kakayanin yo'n. Lalo na at...at ako ang dahilan. Hindi ko gusto pero...mas mabuting hindi na tayo magkita. Itigil na natin to"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม