Chapter 19: Burn to Ashes

2713 คำ
I stopped and just stared at him. I can't believe that he told me what he just told me. "Paano kung ayoko?" mahinang tanong ko. Iniisip ko na sana bawiin niya ang sinabi niya. Humarap siya sa akin. "Ally, hindi mo ba naiintindihan? Narinig mo ba ang sinabi ni Keith? Totoo ang sinabi niya! Mapapahamak ka lang dahil sa akin" Umiwas siya ng tingin.  "Dahil simula pa lang hindi na dapat tayo nagkakilala. Pero nandito na tayo eh. At kahit ipagpilitan natin hindi talaga maaari. Mas makabubuti sa'yo na layuan na kita" Hindi ko alam kong ano'ng dapat kong isipin. Nasasaktan ako, nalulungkot, naiiyak at nagagalit. Hindi ko na alam kong ano pang dapat kong isagot sa kanya. Parang ang dali naman yata para sa kanya na sabihin ang mga bagay na lumalabas sa bibig niya ngayon. "So iiwan mo ako?" Pumiyok pa ang boses ko. "Ganun gan'on na lang y'on? Tatalikuran mo lang pala ako pagkatapos ng lahat?" I felt a bitter taste on my lips. Paulit ulit akong napapabuga ng hangin para kumalma ang sarili ko. "Dahil yun ang dapat nating gawin!" He said firmly, eyes filled with extreme emotions. "Alam na ni Maguayen ang totoo tungkol sa'yo! Sa ating dalawa! At hindi siya titigil hanggat hindi niya tayo napapapatay!" "Pero anak ka niya! Hindi ka niya maaaring patayin" sigaw ko sa kanya. "Matagal niya na akong itinakwil bilang anak" Juan Carlos said in a cold voice. Tumingin siya sa malayo at napapikit na lang. Then he heaved a deep breath na para bang iyon na ang huli. Napatingin na lang ako sa kanya, still hoping that he would change his mind. "Hindi rin naman ako nagsisisi at wala akong pakialam kung ano pa ang gawin niya sa'kin" he mumbled. Then he faced me, grabbed my hand and gently pressed it. "Pero kung may mangyaring masama sa'yo hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kaya please, makinig ka sa'kin. Hindi ako makakapayag na saktan ka niya. Ayokong idamay ka niya sa kong ano mang parusa ang inihanda para niya sa'kin" Extreme emotion filled my entire body, each nerve shivering in pain, anger, sadness. Lahat na. Napabuga ako ng hangin. Gusto kong matawa. "Ayaw mo akong madamay?" I asked sarcastically. "Eh Carlos matagal na akong damay dito simula pa nung landiin ng tatay mo ang lola ko! Kahit anong gawin mo damay na ako rito! Hindi na natin matatakasan yun!" Totoo naman kasi eh! Kung may dapat mang sisihin dito, yung tatay niya y'on dahil masiyado siyang maharot! Ooh maharot siya! Kung marunong sana siyang makuntento sa asawa niyang maitim ang budhi hindi sana nangyari  'to lahat!  Nakilala ko pa sana ang lolo Eduardo ko, nakasama pa sana ni Brent ng matagal ang daddy niya. At higit sa lahat hindi sana namatay ng maaga ang daddy ko. Tuluyan ng tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko ng maalala ang nangyari sa pamilya namin dahil sa sumpa ng diyosang si Maguayen. Hindi nila deserve and lahat ng ito. None of them deserved such a fate. Pero wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Pero sa pagkakataong ito hindi ko isusuko ang isang taong mahalaga sa akin. Kung hindi ko man nagawang maipaglaban ang pamilya ko, ipapaglaban ko ang kung ano pang natitira sa puso ko. "Carlos, mahal kita" I admitted, tears flowing on my eyes. "At wala akong pakialam kahit ano pang gawin sa'kin ng nanay mo!" I saw the sudden surge of surprise on his face pero nawala din yun agad. Nangibabaw pa rin sa kanyang mukha ang lungkot. "Ally, hindi ito ang oras para pairalin mo ang pride mo" he said. "Walang awa si Maguayen. Hindi malaking bagay sa kanya ang pumatay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag...kapag nangyari sa'yo ang nangyari kay Ariella" I felt a sting. "Hanggang ngayon ba siya pa rin ang iniisip mo? Mahal mo pa rin ba siya?"  Hindi siya sumagot. His face just fell. Pain was clearly visible on his dark brown eyes. That same pain that has always been inside him. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin pala si Ariella. At natitiyak kong sa kinikilos niya, mahal niya pa rin ito. Tumalikod siya sa akin ng hindi nagsasalita. Humarap siya sa mga bata na nilalamig na dahil pagabi na. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nasasaktan ako. Kahit naiiyak pa, pilit kong pinunasan ang mga luha ko. Nakailang hinga ako ng malalim. "Naiintindihan ko" I whispered. Hindi siya kumibo at nanatiling nakatalikod sa akin. I forced a smile. Mukhang wala na akong magagawa. Hindi ko na rin gustong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako sigurado kong mahal ba ako. "Paalam Aglawin" Tawag ko sa kanya sa totoo niyang pangalan. Hindi ko ikakaila na umasa akong haharapin niya ako ulit pero walang nangyari. Pinili niyang talikuran ako. Kahit mabigat sa kalooban, tumalikod ako at humakbang palayo. Kung hindi pa ako aalis ay mas masasaktan lang ako. Sa una ay dahan dahan lang ang paglalakad ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ang bigat na katawan ko dahil halos hindi ko na magawang maihakbang ang mga paa ko. Nagdesisyon akong tumakbo. Ayoko nang manatili pa rito. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa may dagat. Kung anong bilis kong narating iyon ay hindi ko na alam. Napatigil ako sandali upang harapin ang dagat. High tide ngayon at malalaki ang alon. Tila nakikisabay sa nararamdaman ko ang dagat. Lumakas ang simoy ng hangin kaya tumakbo na ako agad pabalik sa resort. Sira sira na ang sandals ko dahil sa kakatakbo pero hindi ko na yun namalayan. I just want to get back inside my room. Ng makarating sa beach house, tumakbo agad ako papasok sa loob. Nadaanan ko si Tita Marga sa living room na nagulat sa biglaan kong pagdating. "Ally? Sa'n ka galing?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ko na sinagot si Tita at nag dere deretso lang ako papuntang kwarto. I noticed her following me. Nakita niya siguro ang hitsura ko kaya baka napag-alala ko siya. Agad kong ni lock ang kwarto ko at isinandal ang likod ko doon. "Ally? Are you okay?" Tanong ni Tita sa kabilang side ng pinto. I tried to conceal my sobbing. "Ahh yes Tita" "Umiiyak kaba? Sabihin mo, may problima kaba?" "It's nothing Tita. I was watching this movie early on and I got carried away. You know, with all the drama and everything" I tried to sound cheerful kahit ang totoo gusto ko ng mag breakdown. I know it was a lame excuse but it was the only thing that I could think of at the moment. "Are you sure?" Paninigurado niya. "Opo" "Okay then. Hay nako kayo talagang mga kabataan. Ang dami niyong mga drama sa buhay. Kung gusto mo palang kumain ija, may pagkain sa ibaba. Help yourself na lang okay? Aling Susan is not around kaya tayo lang munang dalawa ang nandito"  she said. Then I heard footsteps moving away. Nakahinga ako ng malalim ng umalis na siya. Napaupo ako sa kama ko, still trying to process everything. "Ally...ayokong may mangyari pang masama sa'yo. Hindi ko kakayanin yo'n. Lalo na at...at ako ang dahilan. Hindi ko gusto pero...mas mabuting hindi na tayo magkita. Itigil na natin to" "...kung may mangyaring masama sa'yo hindi ko mapapatawad ang sarili ko..." Parang sirang plaka na paulit-ulit nag pi-play sa isip ko ang mga sinabi ni Juan Carlos. Hindi ko pa rin kasi nag si-sink sa akin ang lahat. Pagkatapos ko siyang balikan rito, tatalikuran rin naman pala niya ako. Alam ko namang may pakialam siya sa'kin. He cares for me and I know that.  I've felt that. Pero hindi niya ako mahal. Isang babae lang ang minahal niya at hindi ako yun. It was Ariella. Siya pa rin ang mahal ni Juan Carlos kahit matagal na itong nawala. Ang sakit lang. Siguro ginagawa lang ni Carlos ang lahat ng ginagawa niya sa akin dahil naaalala niya sa'kin si Ariella. Para akong sinasaksak. My tears started falling down again, racing down of my face. And again, I can't help but blame Maguayen for her insanity and Kaptan for starting all of this. At higit sa lahat, hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko dahil sa kahinaan ko. Ang rupok ko eh. Pinagsabihan na akong 'wag ng bumalik dito pero ginawa ko pa rin. Because I was a selfish person. The realization hit me hard, sending me crying myself to sleep. *** I woke up at about 2 am. I felt a terrible heat. Sobrang init. Dahil dito, pinagpapawisan ako. Basang-basa ang damit ko at pati ang bedsheet ng kama nabasa na rin ng pawis ko. Habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay, I decided to get up para mas palamigin pa ang aircon. I slowly stepped towards it and increase it's power to cool down my room but it was no use. Walang nagbago. I still felt so hot. Bigla akong nakaramdam ng matinding uhaw. My mouth felt dry. Dahil na rin siguro sa init nararamdaman ko ngayon. Lalabas na sana ako ng kwarto ng hindi ko magawang buksan ang pinto. I shook the doorknob a couple of times pero mukhang na lock yata ako. Pero imposible. Sino namang magla-lock sa akin gayong wala si Tita sa bahay dahil nagpaalam siyang sa hotel mag-i-stay dahil maraming kailangang asikasuhin doon. Pilit ko pa ring binubuksan ang pinto pero ayaw nito. Kaya naghanap ako ng susi. Pero panglabas ang susing naroon. Parang nakapadlock ito sa labas. Uhaw na uhaw na talaga ako at hindi ko na ito makayanan. Then just as I turned away from the door, the wind blew hard. But it was hot. Napakainit nito na parang sinusunog ang balat ko kaya napaatras ako. Tumama ang likod ko sa pinto. Anong nangyayari? Then my fiber glass window cracked slowly  and creaked hard. Hinanda ko ang sarili ko sa maaaring mangyari. I kept myself alert, grabbing whatever that is on the table beside me to defend myself from this threat infront of me. Napasigaw ako. The glass shattered, splattering the room with splinters and broken pieces. I covered myself with my arms immediately, some pieces successfully piercing my skin kasi naka nightgown lang ako. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko. Then there was  a blinding light. So bright it hurts my eyes. Then I saw her. A figure of a woman, slowly forming infront of the shattered window. The wind blew hard, hotter than ever and making me sweat both because of the humidity and nervousness. The woman's appearance turned visible. She is tall, hair as black as the night with streaks of red and orange. Her lips were as red as blood and  her face as pale as a bloodless corpse. Her eyes gleamed, burning with rage and hate. And when I say burning, I mean literally. Her long dress are flame-colored, matching her eyes. Her flame crystal headdress made me realize that she is a goddess. But no, hindi siya si Maguayen. The Goddess of Death exudes a different aura unlike this one. "S-sino ka?" I asked, trying to sound tougher. Her lips curved into a smirk as the flame in her eyes subdued. "Nakakalungkot. Hindi man lang ba ako nabanggit sa'yo ng mga hangal kong mga kapatid?" She stepped closer in front of me, eyeing me noxiously. I can see her resemblance to Juan Carlos s***h Aglawin. May kapatid din pala silang mana sa ina nilang masama ang ugali. Sinubukan kong salubongin ang mga titig niya pero para akong nasusunog sa tindi ng silaw ng mga y'on. "Aaminin ko nakakapagtampo na hindi man lang nila naalala ang ate nila" she acted hurt and even held her chest to dramatize. "'Di bale, ako na ang magpapakilala sa sarili ko sa'yo" she faced me, smiling like she's about to do something detrimental yet satisfying. "Ako si Lalahon, ang Diyosa ng Apoy. Ikinagagalak kitang makilala Allysandra" But our acquaintance didn't felt so warm like her presence. She radiates so much power, so much strength. The calmness of Juan Carlos and the sweetness of Dalikamata cannot be seen in her eyes. All I can feel is extreme energy that could explode any second, carrying me with it into my ultimate demise. She laughed, probably pleased to see my reaction on her presence. "Nakakapag salita ka ba Ally? Hindi ko ikakait na maganda ka nga pero hindi ka naman siguro bingi o pipi, diba?" "Anong kailangan mo sa'kin?" Matapang kong tanong. Hindi ako pwedeng magpahalata na natatakot ako sa kanya. "Napakagandang katanongan" she paced around my room, glinting like a bonfire. "Narito ako para sabihin sa'yo na sukdulan na ang kahangalan ninyong dalawa ng kapatid ko. Pero hindi ako napunta rito para balaan ka. Nandito ako para patayin ka" Her hands glowed, then I saw fire balls forming inside them. Napalunok ako. Papayatin niya ako sa isang karumal dumal na paraan. Ano pa bang aasahan ko kay Maguayen? Hindi ko na hinintay si Lalahon na sunogin ako. Before she could throw me her fireballs, I grabbed the flower vase and splashed her the water that's inside it. She gave off a loud scream as the water hit her. I saw the smoke that escaped from her fiery body. Even angrier now, she started throwing fire balls at me. Dahil may kalakihan din ang kwarto, ginawa ko ang makakaya ko para ilagan yun. Tumama sa kurtina ang apoy, sa lamesa, sa closet hanggang sa nagliyab na ang boung kwarto. Humalakhak si Lalahon. "Hindi man kita direktang patayin, mamamatay kapa  rin sa sunog. Paalam Allysandra. Hindi kana maililigtas ni Aglawin dahil bago niya pa magawa yun, abo kana!" Her loud echoing laughter send shivers around my spine despite my flaming room. Lalahon set my room in flames and disappeared in a blast of radiance. My skin felt searingly hot. Pakapal ng pakapal ang usok at palaki ng palaki ang apoy. I managed to pick the lock pero hindi ko parin ito mabuksan. "Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko. Surely people would notice the house on fire. I grabbed my blanket and covered it around myself. I yelled and shouted inside my room. Kinuha ang isang metal stool and attempted to hit the door but it won't open. "Help! Help me please!" I kept on yelling. Hindi na ako makahinga dahil sa usok. Then I saw the window open. I needed to get out of here! But I lost all hope when I stepped near the window, the broken pieces pieced themselves together, leaving me with no way out. Bumagsak na rin ang kesame sa harapan ko at muntik na akong matamaan. "No, please! Help! Tulongan niyo ako parang awa niyo na!" Doon sa may pinto na lang ang nanatiling hindi pa nakakain ng apoy kaya doon ako napaluhod, sinipa ko ito, tinadyakan, tinulak pero ayaw parin bumukas. Panay pa rin ang sigaw ko kahit nauubo na ako at halos hindi na makahinga dahil sa kapal ng usok. "Ally! Ally nasaan ka?" I heard Keith voice mula sa baba. "Keith? Keith! Tulongan mo ako! Nandito ako sa loob! I'm stuck! Keith!" Sigaw ko kahit halos wala ng boses na lumalabas ss bibig ko. "Ally!" Sigaw ni Keith. Nasa ibaba siguro siya. Sa living room ng beach house. "I'm up here! Keith?" "Ally? Hintayin mo ako papunta na ako diyan!" "Keith hurry!" I cried, kaunti na lang at ma leletchon ala Allysandra na ako rito. I covered my mouth, trying so hard to breath. May narinig akong bumagsak sa may sala. Probably the chandeliers. Napadasal ako. Sana mailigtas ako ni Keith dito. Ayoko pang mamatay. Hindi ako pwedeng mamatay. Paano si mommy? Hindi ko siya pwedeng iwan. Hindi. Napaiyak na lang ako habang hinihintay si Keith, nagsisibagsakan na ang mga debris at napapaso ang ibat ibang parte na katawan ko. Tanging ang kumot na lamang ang natitirang panangga at proteksyon ko. "Ally!" Keith yelled from outside the door. "Keith! I'm stuck!" I yelled kahit nauubo na ako. "Gagawa ako ng paraan para makalabas ka diyan" sagot niya. "Mag-iingat ka" uubo-ubo kong sigaw. Pero hindi na kinaya ng katawan ko ang usok at ang init. Nahihilo na ako. Pero pinilit kong lumaban. Si mommy. Hindi ko siya pwedeng iwan. Pero bumagsak na ako sa nasusunog na sahig at nabitawan ang kumot. Pero bago ko naipikit ang mga mata ko, I saw it. The mark on my hand was glowing... Then everything went dark.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม