3rd Person POV
***
Maliwanag ang sikat ng araw na dumampi sa balat ng batang si Allysandra. Suot ang dilaw na bulaklaking bestida, masayang nagtatakbo ang limang taong gulang na bata sa dalampasigan ng umagang iyon. Payapa ang dagat at maaliwalas ang panahon, kung kayat masarap maglakad lakad sa baybayin. Tuwang-tuwa niyang dinadampi ang paa sa tubig at nagpapahabol sa maliliit na alon sa puting buhangin ng dalampasigan.
Nakangiting tinitigan ni Stella mula sa cottage ng beach resort ang anak na animo'y aliw na aliw sa ginagawa. Tumakbo ito sa buhanginan at umupo doon upang ayusin ang nasirang sand castle. Nakangiti ito ng malawak habang inaayos ang kastilyong nilagyan pa niya ng mga kabibeng napulot niya sa mula sa buhangin.
"Ang cute naman ni Ally" puna ng kapatid ni Stella na si Marga. "Siguro dapat mo siyang isali sa beauty contest kapag lumaki na siya. Oh kaya pag model-in mo. Tiyak sisikat yan."
"Ate, hayaan mo na si Ally. Sobrang bata pa niya pero kung anu-ano na ang naiisip mong ipagawa. Kapag lumaki na siya at 'yon ang gusto niya, eh susuportahan ko naman siya" sagot ni Stella at umupo sa isang silya sa tapat ng nakatatandang kapatid.
"Nga pala, mag aaral na siya sa susunod na pasukan, saan mo planong pag aralin si Allysandra?" Tanong naman ng ina ni Stella na si Mercedes.
"Di'pa namin alam ma," sagot ni Enrique, asawa ni Stella. "Baka sa Maynila na namin siya pag-aralin total nandoon din naman ang trabaho ko sa bangko. Para sama-sama lang din kaming pamilya."
"Ooh nga ma," dugtong ni Stella na tumabi sa asawa. "Nandon din naman si Cynthia kaya may makakalaro naman si Allysandra doon," tukoy niya sa anak ng isa pa nilang kapatid na nasa Maynila.
"Paano ba 'yan, e 'di mami-miss ko yang apo kong 'yan?" Tumaas ang kilay ni Mercedes.
"Ma, pwede pa rin naman naming pagbakasyonin si Ally dito tuwing summer at kapag pasko. Uuwi rin naman kami dito paminsan-minsan. At tsaka ma, lumalago na ang negosyo namin sa bangko. Ayoko rin namang maiwan si Ally dito at malayo sa'min" paliwanag ng 32 anyos na babae.
Bumuntong hininga si Mercedes. "Kayo ang bahala," sa huli ay sabi nito.
"Mommy!" Napalingon silang lahat kay Allysandra na tumatakbo patungo sa kanila at may dala-dalang malaking conch shell.
"Mommy look oh? It's pretty! At may tumutunog po sa loob!" Excited niyang inabot sa ina ang orange na conch shell. Kinuha ni Stella ang conch shell at nakangiting inilapat sa tainga nito. Bahagya pa siyang tumawa ng marinig ang tunog mula roon.
"Lola, look! There something inside! " alok niya sa lola niyang ngumiti lang sa kanya at pinisil ang kanyang pisngi. Inabot ng mommy niya ang kabibe sa lola niya at ginawa rin nito ang ginawa ni Stella.
"Really Lola? Tumutunog ba talaga? Pahiram nga ako lola!" Inagaw ng pinsan niyang si Elsa na mas matanda sa kanya ng apatnapung taon ang kabibe mula sa Lola nila at mariing idinikit sa tainga. Napahalaklak ito ng may marinig. "Hala ooh nga! Ang cool!"
"Ate Elsa, ako rin parinig ako." Sambit naman ni Biboy, ang isa pang pinsan ni Allysandra na halos kasing edad lang niya.
Pinagkaguluhan ng buong pamilya ang tumutunog na conch shell at bahagyang nag-agawan pa. Nagbiro naman ang tatay ni Biboy na si Henry na multo daw 'yon na na-istak sa loob kaya umiyak si Biboy.
Busy ang lahat sa pag uusap at pagkukulitan kaya hindi nila namalayan ang pag alis ni Allysandra mula sa kumpol ng pamilya. Dahan-dahang naglakad ang bata patungo sa dagat at palayo sa pamilya nito. Naisipan niyang balikan ang sira na namang sand castle na naabot na ng alon. Umupo siya sa tapat noon at aayusin na sana ang sand castle ng may isang anino ng lalaki ang nakita niya sa harapan niya. Itinaas niya ang mukha at nakita niya ang isang lalaking kasing edad lang ng ate Elsa niya. Maputi ito at makinis ang balat. Mapupungay ang mata nitong may makapal na pilikmata. Maganda ang pagkakakorte ng kilay at matangos ang ilong. Ang itim nitong buhok ay maayos at may iilang hiblang nililipad ng hangin sa may bandang noo nito. Nakasuot ito ng puting t shirt at maong na pantalon. Nakangiti siya habang pinapanood si Allysandra.
"Hello po!" bati ni Ally sa binata. Kumunot ang noo ng lalaki ng magsalita siya. Mukhang nabigla ito ng kausapin siya ng bata.
"Hello po!" ulit ni Ally sa sinabi niya ng makitang tinititigan lang siya ng lalaking kaharap. "I'm Allysandra po. I'm 5 years old and mag si-six na ako next month. Kayo po? What's your name po? Dito po ba kayo nakatira? How old are you na po ba? Kasi you look like ate Elsa na eh." Sunod-sunod ang pangungulit ni Ally at inilahad pa ang kamay para makipag handshake.
Tiningnan muna ng binata ang kamay ni Ally saka lumingon sa pamilya nitong busy parin sa pagtatawanan at pagkwekwentohan. Walang lumingon sa banda nila kaya hindi napansin ng mga ito si Ally.
"Kuya, nagsasalita po ba kayo?" inosenteng tanong ng bata na bahagyang ikinatawa ng binatilyo. Naaaliw ito sa tinuran ng makulit na bata. Umupo ito sa harapan ni Ally at bumakas ang ngiti sa gwapo nitong mukha
"Ooh naman," sagot nito habang nakangiti parin. "Ang pangalan ko ay. . ." Bahagyang natigilan ang lalaki na animo'y nag-iisip. "Juan Carlos."
********************
"Ally! Ally, gumising ka anak! Ally! Diyos ko!" Hindi mapigil ang pag iyak ni Stella habang isinusugod sa ospital ang anak. Agad isinugod ng mga nakakandarapang nurse at doktor ang walang malay na bata sa loob na emergency room.
"Ma'am hanggang dito na lang po kayo. Kami na po ang bahala," turan ng isang nurse at isinara ang pinto ng ER. Napahugulgol na lamang si Stella sa dibdib ng asawa nito na ngayon ay naluluha na rin dahil sa muntikan ng pagkalunod ni Allysandra sa dagat. Wala silang kamalay-malay na nasa dagat na ang bata at natangay ito ng alon. Mabuti nalang at nakita ito ni Biboy at agad nasaklolohan.
"Enrique, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama kay Ally!" Hindi mapigilan ni Stella ang pag iyak sa dibdib ng asawa na niyakap na lamang siya.
Hindi nagtagal, dumating si Mercedes at si Marga kasama ang asawa nitong si Henry at ang mga anak nitong sina Elsa at Biboy. Pawang gulat at nangangamba ang mga ito sa kalagayan ni Allysandra.
Matagal-tagal din bago lumabas ang doktor mula sa ER. Tinanggal muna nito ang sout na gloves bago humarap sa pamilya.
"Mr. and Mrs. Herrera, your daughter is stable. Ililipat na namin siya na isang private ward. Hindi pa siya gising pero I can assure you that she is fine. Mabuti nalang at may nakapag CPR sa kanya agad at hindi na umabot sa lungs niya ang tubig. But she is fine at pwede n'yo na siyang bisitahin. Maiwan ko muna ho kayo," paalam ng lalaking doktor na agad ring umalis. Lubos ang pasasalamat ng buong pamilya na ligtas na ang bata.
********************
Dahan dahang iminulat ni Ally ang mata. Umaga na pala. Kinusot niya ang mata at bumangon mula sa kama at naglakad papunta sa kusina. Nadatnan niya ang Daddy niyang nagbabasa ng diyaryo sa sofa at lumapit siya dito upang mag-greet at humalik sa pisngi nito. Umalis ang mommy niya. May importanteng lakad raw. Ilang linggo na rin simula ng mangyari ang aksidente sa kanya. At mula noon, hindi na siya pinayagan ng mommy niyang pumunta sa dagat. Na-trauma na yata ito dahil sa nangyari sa anak. Sinabi ni Ally na malayo naman siya sa dagat noon at hindi siya tumapak sa tubig. Sinabi niya rin ang tungkol sa lalaking nakilala niya na nakalimutan niya rin ang pangalan. Ngunit mariing sabi nga daddy niya na walang ibang tao doon dahil private resort iyon ng tita Marga niya kaya sila-sila lang ang naroon ng araw na 'yon. Iginiit ni Allyandra ang tungkol sa nakilala niyang si Kuya Juan Carlos pero walang naniwala sa kanya at sabi ng daddy niya'y baka panaginip niya lang 'yon baka ay isang karakter sa mga cartoons na pinapanood niya.
Kaya lumipas ang mga araw at nilibang nalang ni Allysandra ang sarili sa paglalaro sa malawak nilang bakuran na puno ng sari-saring bulaklak. May mayayabong na puno sa bandang likuran ng malaki nilang bahay. Dinala niya doon ang mga Barbie dolls niyang iba't iba ang laki at disenyo. Maysakit si Biboy kaya wala siyang makalaro. Hindi na rin siya pinapalabas ng mga magulang niya at baka mapahamak na naman siya. Nag-iisa pa naman siyang anak.
Lumipas ang mga oras at nabagot ang bata sa kalalaro ng manika. Pumunta siya sa likuran ng bahay nila kung saan may malaking puno ng mangga. Sa tapat no'n ay may gate na palabas sa hardin at may daan papunta na sa hacienda ng mga niyog ng kapatid ng lola niya na si Alejandro Rodriguez. Lumabas ang bata mula doon sa gate at naglakad papunta sa hacienda ng niyog. Hindi niya namalayan na malayo na pala siya sa bahay nila. Patuloy siyang naglakad at nabighani sa dami ng mga butterfly sa paligid. Hinahabol niya ang mga ito ng makita niya ang isang pamilyar na mukhang naglalakad sa may niyogan. Tumakbo siya at lumapit dito.
"Kuya Juan Carlos!"
Lumingon ang lalaki na halatang gulat ng makita si Allysandra. Pero ngumiti din ito ng makalapit ang bata na agad yumakap sa may binti niya. Matangkad siya kaya't hanggang sa may hita niya lang ang abot ng bata.
"Ikaw nanaman?" tanong nito habang nakangiti. Lumingon-lingon ito sa paligid sa mukhang may hinahanap. "Paano ka napunta dito? Kasama mo ba ang mga magulang mo?"
"Kuya, let's play! May sakit kasi si Biboy and busy sila mommy. Kaya wala akong kalaro."
"Naku Ally pasensya kana. May gagawin pa kasi ako eh."
"Kuya please, pretty please?" Nag-pout pa ito at cute na tumingin sa binata. Bumuntong-hininga na lang ang binata ang umupo sa harapan niya. Halatang may pag-aalinlangan ito pero ngumiti din.
"Sige na nga. Pero 'wag muna ngayon. Pupuntahan nalang kita sa bahay ninyo. Okay ba yun?"
"Talaga po?" nagniningning ang mga matang tanong ni Ally.
"Ooh naman," bigkas nito at hinawakan ang palapulsuhan ng bata. "Pupuntahan kita. . .kahit nasaan kapa."
"Yehey!" Tuwa-tuwang nagtatalon si Ally sa saya at yumakap kay Juan Carlos. Pinauwi na kaagad siya nito dahil dilekado daw sa labas lalo't dapithapon na.
Tulad ng pangako, pinuntahan nga ni Juan Carlos si Allysandra sa kanila. Masaya silang naglalaro sa malawak na bakuran ng bahay. Masayang-masaya si Ally noon. Iyong klase ng saya na hindi pa niya nararamdaman sa buong buhay niya. Lumipas ang mga araw at napadalas na ang pag punta ni Juan Carlos kila Ally at sa mga araw na 'yon, mababakas ang kakaibang ngiti sa mukha ng bata.
"Enrique, wala ka bang napapansin kay Ally?" Tanong ni Stella sa asawa.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ng lalaki habang nagtitimpla ng kape.
"Parang napapansin ko kasing may kinakausap siya doon sa may bakuran. Noong una akala ko, naglalaro lang siya pero Enrique, iba na eh. Wala namang tao doon at mag-isa lang naman siya. Parang hindi na normal ang ikinikilos ng anak natin" kabadong saad nito.
"Baka naman napa-paranoid kalang dahil sa nangyari sa kanya."
"Baka nga." Humugot ng malalim na hininga si Stella.
Ilang oras ang nakalipas at lumabas si Enrique para hanapin ang asawa at ang anak para sila ay kumain na ng pananghalian. Nadatnan niyang umiiyak si Stella habang tinatanaw ang anak na nasa damohan sa labas ng bahay. Napansin ni Enrique ang kakaibang ngiti at liwanag sa mukha ng anak na tila may kausap.
Tumatawa ito ng malakas at hinahampas-hampas ang hangin na animo'y may kalarong nakikipagkulitan dito. Tahimik na napaluha ang ama na niyakap ang asawa niyang tahimik ring humihikbi.
"Allysandra," mahinang sambit niya sa anak. Lumingon ito na malapad parin ang ngiti.
"Mommy! Daddy!" bulalas nito at tumakbo papunta sa mga magulang. Agad pinunasan ni Stella ang mga luha mata niya.
"Mommy, I'm playing with Kuya Juan Carlos po. Look mommy oh! Kuya come here!" sambit nito, ngunit nang lumingon siya ay wala na doon si Juan Carlos.
"Where did he go?" takang tanong ng bata at nilingon-lingon ang paligid para hanapin ito. "Kuya! Kuya! Come and meet mommy and daddy. Kuya where are you?" Tumakbo ito at hinanap ang lalaki ngunit bigla nalang itong nawala. Hindi na napigilan ni Stella ang pag-iyak.
"Mommy, did you see Kuya Juan Carlos? He was here playing with me." Napansin ni Ally ang mga luha ng ina. "Mommy why are you crying?"
Niyakap ni Stella ang anak habang patuloy na umiiyak.
"Mommy what's wrong?"
"Baby." Pinunasan ni Stella ang mata at mariing tinitigan ang mata ng anak. "Listen to mommy okay? Wala kang kasama dito anak. Mag-isa kalang. Kuya Carlos is not real baby," humihikbing paliwanag ni Stella sa bata.
"No mommy! He is real. Nakigpalaro pa nga siya sa akin eh," giit ni Ally.
"Baby please. . . listen to mommy okay? It's just you, daddy and me anak. Wala ng iba."
********************
Mahimbing na natutulog si Ally sa kama ng ospital. Nasa Maynila na siya ngayon at kasulukuyang nagpapagamot sa isang mamahaling psychological clinic dahil sa sakit na schizophrenia, isang bihirang sakit sa utak na nagreresulta sa iba't ibang ilusyon. Ilang buwan na siyang sumasailalim sa theraphy at ayon sa doktor niya ay bumubuti na daw ang lagay ng bata.
"Magiging okay din si Ally, 'wag ka ng mag-alala," saad ni Enrique sa asawang masuyong hinahaplos ang buhok na natutulog na anak.
"Sana nga," mahinang sagot nito.
"Kailangan lang natin siyang alagaan ng mabuti. At dito na lang siya sa Maynila mag-aaral. I think it's better for her here. New place, new friends, new environment, new life."
Napatango nalang si Stella habang hawak ang kamay ni Allysandra. Ilang theraphy nalang at makakalimutan na ng bata ang lahat.
She will soon forget about him.
Everything about him.
His face.
His voice.
His laughter.
But her young heart will never forget the warmth that he brought to her life and the happiness that it felt around him. . . even just for a while.