CHAPTER 16

290 คำ
Chapter 16: Friendship SI LEVIA lang ang kasama ko buong maghapon dahil hindi na natuloy ang plano ni Mergus na ipapakita niya sa akin ang working place ko. Na-guilty rin yata siya sa ginawa niya. Na wala nga siyang kaalam-alam na may allergy ako sa mga pusa. Halos hindi na nga ako matingnan pa ng diretso. Tapos si Dr. Zero-hian ay pinapaalala pa talaga sa kanya ang nangyari. Gusto niya lang talaga itong pagsabihan at dapat daw mas maging maingat pa sa mga kilos niya lalo na kung kasama ako nito. Sana lang ay mapagsasabihan nga niya ito at magbabago na. Nag-enjoy naman akong kasama ang best friend ni Mergus, si Levia. Hindi ito katulad niya na walang manners. Masayang kausap at kahit hindi pa kayo magkakilala ay hindi ko ma-fe-feel ang pagkailang namin sa isa’t isa. Professor nga siya, madaling pakisamahan at hindi siya nahirapan sa akin katulad na lamang ng sinabi ni Mergus sa kanila noong isang gabi lang. “Ako na muna ang bahala sa outfit mo, May Ann,” tuwang-tuwang saad pa ni Levia. Tumango ako. “Sige lang,” nakangiting sabi ko. Nasa isang boutique na nga kaming dalawa. Kanina pa umaaligid-ligid sa amin ang sales lady para i-entertain kami pero si Levia lang ang nakakausap nila. Nagtungo ako sa isang white couch at doon umupo habang hinihintay ko ang kasama ko na makakapili ng susuotin namin. Wala naman sa akin kung ano ang mapipili niyang damit. Lahat naman sinusuot ko, maliban kung working hours ko. I usually wear my office attire, longsleeve with a cardigan or blazer, slacks or skirt. Mga ganoon na outfit lang naman. Kung minsan pa ay naka-flats lang din ako. A/N: Nasa Watty po ang kasunod. AteSamuha21 ang username ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม