Chapter 17: Pool party (Part 1)
“I’M NOT ready for that,” pag-amin ko. Sa lahat ng sinabi niya ay hindi ako handa. Ang magkakaroon din ng isang anak. Wala pa sa isip ko ang bagay na ’yon dahil hindi naman ako sigurado na kung kaya ko bang maging isang ina sa magiging anak ko.
At saka isa pa, hindi pa maayos ang pakikitungo sa akin ni Mergus. Mas lalo lang akong mahihirapan.
“Saan ka naman na hindi handa?” naaaliw niyang tanong sa akin. Obvious naman na hindi nga ako ready, eh.
“Sa lahat,” tipid kong sagot sa kanya.
“I understand. Ako rin naman ay hindi pa ready. Kaya same lang naman tayo. Pero kasi hindi na rin ako bumabata pa. Come closer, May Ann. May isa pa akong ipapakita sa ’yo,” pag-aaya naman niya at sumunod naman ako sa kanya. Mas lumapit ako sa kanyang tabi.
Nagawa pa niya akong akbayan kahit na mas matangkad pa rin ako kaysa sa kanya. May itinuturo siya sa baba kaya ’yon naman ang sunod kong tiningnan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang swimming pool na tinutukoy niyang malapit lang sa condo ni Mergus.
“It’s a...” sambit ko na hindi ko naman magawang tapusin dahil sa takot ko.
“Yeah. Swimming pool. Madalas siyang nagda-dive riyan. Ang ganda, ’no? Mamayang 7 sharps na tayo bababa at baka diretso na rin ang tatlo riyan. Bibili rin sila ng foods natin. Kaya ang gawin natin ngayon ay magpahinga muna,” sabi niya at humiga sa sofa bed. “Sige na. Mag-rest ka muna sa bed, May Ann. Mamaya pa tayo lalabas, eh,” sabi pa niya.