Chapter 18: Traumatized
TRIGGER WARNING
ITINUKOD ko ang kaliwang siko ko sa mesa at hawak ko ang pisngi ko. Diretso lang ang tingin ko sa harap para hindi nila ako mapansin. Mahigpit pa rin ang kapit ko sa kamay ni Mergus. Ayokong iwan niya ako rito. Kahit na marami pa silang kasama ko ngayon ay kakaiba pa rin ang takot ko, kung alam ko na kung nasaan din ako sa mga oras na ito.
Paano ko nga ba haharapin ang isang kahinaan ko kung sobra-sobra na ang takot ko? Marinig ko lang ang pangalan ng lugar na iyon? What if na kaya kung nandoon na ako?
Feeling ko rin ay may tubig na sa ilalim ng chair and table namin at nababasa na ang mga paa ko. Kaya parang gusto ko na ring itaas ito sa seats ko.
“Fvck! Balak mo ba akong kalmutin, May Ann?!” iritadong sigaw sa akin ni Mergus dahil sa pagdiin ng kuko ko sa braso niya. Hindi ko na pinansin pa ang paglakas nang boses boses niya.
Hindi ba niya nararamdaman ang panginginig ng kamay ko, na hindi lang ang panlalamig nito?
f“Fvck! Balak mo ba akong kalmutin, May Ann?!” iritadong sigaw sa akin ni Mergus dahil sa pagdiin ng kuko ko sa braso niya. Hindi ko na pinansin pa ang paglakas nang boses boses niya.
Hindi ba niya nararamdaman ang panginginig ng kamay ko, na hindi lang ang panlalamig nito?