Chapter 19: Game
“HINDI na ako iinom.” Napatitig sa kanya ang mga kaibigan niya nang sabihin niya iyon bigla sa kalagitnaan ng pag-iinom namin at bakit naman kaya niya iyon nasabi?
Nangangahalati na rin ang wine na binili nila at ako naman ay nakadalawang beses pa lang uminom. Dahil mas inuna ko nga ang kumain.
Tawang-tawa na naman sila dahil parang alam na nila ang dahilan kung bakit ayaw nang uminom ni Mergus.
“Why? Takot ka na baka makatulog ka agad, Gus? At hindi mo na mabantayan pa ang fiancé mo?” Reixen mocked him as he laughed so hard.
“Gàgó.”
Napatingin naman ako sa kalangitan, maliwanag ang buwan ngayon at masarap sa pakiramdam ang hangin na nalalanghap sa veranda. This is the perfect place. Sana lang ay huwag na nilang balakin pa ang mag-celebrate sa pool dahil baka sa susunod ay hindi ko na makayanan pa. Mabilis pa naman akong himatayin kung nagkataon man na mas matagal pa ako roon.
“Wala akong tiwala sa inyong tatlo, eh,” sabi pa niya at itinuro niya isa-isa ang mga ito. Isinama niya pati si Levia.
“Grabe ka sa hindi mo kami pinagkakatiwalaan, ah,” reklamo ni Zero at marahan pang sinuntok ang braso niya. Hinimas niya lamang iyon.
“Bago natin simulan ang body shot. Dapat tatlong baso ang maiinom natin pareho,” suggestion ni Levia and I don’t think so if magandang idea pa ba iyon dahil baka tuluyan na silang malalasing. Kanina pa kaya sila umiinom.
“Huwag kang killjoy, Gus. Makisabay ka na lamang,” ani Reixen kay Mergus.