Chapter 13: Engineer
“TRUE. I can even see that your Kuya Markin, magkaiba nga talaga sila ng attitude,” I agree. Nakita ko rin naman iyon kanina. Tinanong pa niya ang kapatid niyang walang manners na kung ano ba ang nangyari sa akin, and Engineer Markus, pinagsalinan pa niya ako ng tubig kanina.
“Strict si Kuya Markus. Ganoon din naman si Kuya Markin pero mapagbigay siya, eh. Hilig no’n pagalitan ang bunso namin dahil alam niyang si Dad ang magagalit kapag nakagawa siya ng mali sa trabaho niya. Kaya madalas niya itong pinapaalahanan at pinupuna. Si Kuya Mergus naman ay observant iyon,” his statement. Well, agree ako sa sinabi niyang observant pero may hindi pa siya napapansin na mga bagay-bagay sa paligid nito.
Ni hindi nga niya napansin na ayoko sa pool area dahil takot ako sa tubig.
“How about Michael? Mas...tahimik yata ang isang iyon,” sabi ko.
“Oo, tahimik nga rin si Kuya Michael pero mas tahimik si Mikael,” sabi niya sinabayan pa nang pagtango. “You already meet Kuya Michael pala. Tara na? Uwi na tayo?” Tumango ako at hinubad naman niya ang jacket niya.
“Thanks,” tipid na pagpapasalamat ko dahil ibinigay niya sa akin ang jacket niya. Kaya pasimpleng tiningnan ko pa ang mga naiwan naming kaibigan ni Mergus.
Nasa amin ang atensyon ng tatlo habang wala namang pakialam ang isa pa. I don’t care naman sa kanya. Ganyan na ang attitude niya, magagawa mong sumuko na lang bigla.
“Mauna na po kami, Kuyas and Demily!” pagpapaalam pa ni Miko sa kanila at hindi ko na sila tiningnan pa.
***
A/N: Nasa Watty po ang kasunod. AteSamuha21 ang username ko.