CHAPTER 12

310 คำ
Chapter 12: Meeting Mergus’ friends MIKO was true to his words, dinala nga niya ako sa isang lugar kung saan may nagtitinda ng street foods. Naka-park lang sa gilid ng kalsada ang motorbike niya. May seats naman dito at comfortable namang kumain sa labas. “Nakatikim ka na ba ng street foods?” tanong niya sa akin at inilapag sa table iyong fishball na siya mismo ang kumuha no’n para sa akin at may disposables cup pa na may laman naman ng sauce. “Hmm, this is my first time, again. Noong college lang ako nakakain nito,” sabi ko at kinuha ko sa kanya iyong stick na pantusok ng fishball. Totoong nakakain na ako nito but college pa lamang ako noon. Sinubukan ko lang naman kumain nito dati, eh. “Talaga? Wew, ang suwerte ko pala dahil sa akin ay nakakain ka ulit nito,” he said and I just smiled at him. Inamoy ko pa ang street foods at parang maglalaway pa ako dahil nanuot sa pang-amoy ko ang maanghang na sauce. I miss this. Parang bumabalik lang ako sa dati. “Hmm, yeah? Si Mikael pala...” pagbubukas ko ng topic habang kumakain na ako. Mainit-init pa siya. “Ano’ng mayroon sa kapatid ko at tinatanong mo ako niyan?” curious niyang tanong sa akin. “Bakit hindi natin siya kasama sa dinner kanina? Siya pa naman ang pinakagusto kong makasama sa inyong magkakapatid,” ani ko at nang lingunin ko siya ay nakahawak na siya sa dibdib niya na tila ba nasaktan siya sa sinabi ko. “Ang harsh mo sa akin, Miss. Ako ang kasama mo at dinala pa kita rito pero iyong kapatid ko lang pala ang gusto mong makasama sa aming lahat?” aniya na tunog nagtatampo. I can’t help but to chuckled. A/N: Nasa Watty po ang kasunod. AteSamuha21 ang username ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม